Part 33

12.6K 199 10
                                    

CALEB'S jaw clenched. Gusto niyang sigawan ang babaeng matapang na nakatayo sa harap niya dahil palagi na lang nitong inuuna ang kapakanan ng iba kaysa sa sarili, dahil sobra-sobra na ang ginagawa nitong pagpapahalaga sa ibang tao but then... it was her. It was in her nature. And seeing the determination in her amber eyes meant that things were working according to his plan. That was to use Gianna's own heart to torture her and his brother.

"Stupid. Hindi mo ba alam na pwede kang ipahamak ng pagiging mabuti mo?"

"It doesn't really matter."

Caleb gritted his teeth. He should be happy he was succeeding but hell... he wasn't. Damn it, Gianna. Bakit ikaw pa? Bumuntong-hininga siya saka nag-iwas ng tingin.

"Fine, then. Here's what I want you to do." Lumapit siya sa couch at prenteng naupo. "I want you to sit on my lap and kiss me on the lips. And Manang Rosing will get her job back with all the benefits."

Dinig na dinig niya ang malakas na pagsinghap ni Gianna.

Kapag natapos na ang lahat ng ito, pangako, babalik ako sa 'yo at hihingi ng tawad... kahit paulit-ulit pa. Until then... I'll be the loathsome jerk and you as my ever caring collateral damage. He whispered before he tried his damnest to harden his heart.

ILANG SANDALING natulos sa kinatatayuan si Gianna bago siya nakahuma. Hindi makapaniwalang napatitig siya kay Caleb. She couldn't believe his transformation. Yesterday, he seemed... caring. And now, that dangerous glint was back in his bright green eyes that sent shiver running down her spine.

"Ano'ng... ano'ng nangyari, Caleb?"

For a moment, she thought she saw sadness in his eyes but it was too swift that she began to doubt. His voice was harsh when he spoke. "I told you, nothing happened. So what now, Gianna? Will you do what I said or will you let Manang Rosing lose her job? Poor Manang. Sa edad niyang 'yon, mahihirapan na siyang makahanap pa ng trabaho ngayon."

Gusto niyang paniwalaang nagbibiro lang si Caleb pero walang bakas munti mang pagkaaliw sa tono at anyo nito.

"I don't wanna play nice anymore, Gianna. That's not me." Sumilay ang mapait na ngiti sa kanyang mga labi nang maalala ang sinabi nito. And there she was, a fool for believing he could somehow change not knowing that he was just playing with her all along.

Mariin siyang pumikit sandali para kalmahin ang sarili bago sa nagyeyelong boses ay sinabing, "I will never stoop that low, Caleb."

Gianna turned her back and walked out on him as fast as she could. Paakyat na sana siya sa hagdan patungo sa kanyang kwarto nang madaanan niya ang nakayukong anyo ni Manang Rosing habang nakaupo ito sa sofa sa sala. Sa tabi nito, naroon ang isang batang lalaki na inosenteng nakatingin sa kanya, naglalaro sa lima hanggang anim ang edad.

"Si Miguel, apo ko sa nasira kong panganay. Isinama ko muna dahil walang mag-aalaga. Magkasama kasing naaksidente ang mga magulang niya noon. Si Martha, hindi na pwede. Ang asawa ko naman, abala sa pamamasada." Malungkot na sinabi ng ginang nang marahil ay maramdaman ang presence niya. Tila nagpipigil lang na muling umiyak ang mukha nito nang tumayo at inakay ang apo palapit sa kanya. "Base sa itsura mo, hindi na ako tinanggap, 'di ba?"

Napakagat-labi si Gianna. The two reminded her of her past, something that she was very vulnerable about. And right at that moment, how she wished she wasn't an orphan like the kid shyly smiling at her. Sa mga sandaling iyon ay nahiling niyang sana, hindi niya naaalala ang mother Annita niya kay Manang Rosing...

Ilang sandaling nagtalo ang isip at puso niya bago siya pilit na ngumiti. "N-nagkakamali po kayo. Ang totoo niyan... 'sabi ni Caleb, pwede na kayong magtrabaho ngayong araw. Dadagdagan niya rin daw po ang benefits na matatanggap n'yo."

Mahigpit na napayakap sa kanya ang ginang. And she welcomed that warm hug... for a consolation before she let go. Nagpaalam siya rito bago muling bumalik sa library. Naroon pa rin at prenteng nakaupo si Caleb na parang hindi na nasorpresa sa muling pagbabalik niya.

"Pagkatapos ng lahat ng mga sinabi at ginawa mo ngayong umaga, hindi ko alam kung makakaya ko pa bang magtiwala sa 'yo." Gianna said, her voice was replete with agony. "But I'm counting on your words."

Bago pa magawang sumagot ni Caleb ay mabilis na naupo na siya sa mga hita nito habang may lakas pa siya ng loob. Hinawakan niya sa batok ang binata saka pikit-matang hinagkan sa mga labi.


Hi, everyone. Thank you for reading. Nasa Dreame po ang Trapped In A Vengeful Heart. Mas mahaba po ang version nito doon kaya sana po ay masuportahan n'yo pa rin. You can unlock the chapters sa pamamagitan ng pag log in daily. Nakakontrata na po ang story na ito doon kaya hindi na po pwedeng ituloy pa rito kaya humihingi po ako ng pang-unawa mula sa inyo.

I also have a free and completed story on Dreame. End Game po ang title. Paranormal, erotica, at romance ang genre. Sana po ay masuportahan n'yo din po ang kwentong iyon. Madali lang po ang gumawa ng account sa Dreame. You can download it on playstore and register through your fb or email accounts. Maraming salamat po.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Trapped in a Vengeful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon