Part 32

8.1K 163 3
                                    

HINDI na natuloy pa ang tangkang pagkatok ni Gianna sa library nang marinig niya ang malakas na pagsigaw ni Caleb mula sa loob. Alanganing napatingin siya sa dalang umuusok pang tasa ng kape. Hindi na lang sana siya tutuloy kung hindi lang niya narinig ang pangalan ni Manang Rosing.

Ilang ulit siyang napahugot nang malalalim na hininga bago siya naglakas-loob pumasok. "Caleb, dinalhan kita ng-"

Natigilan siya nang pag-angat niya ng mukha ay sumalubong sa kanya ang lumuluhang si Manang Rosing. Ngayon niya lang nalamang nakabalik na pala ito. Nakakunot-noong napasulyap siya kay Caleb na walang kaemo-emosyon ang mukha. "Ano'ng problema? Bakit siya umiiyak? She just came back, right?"

"I fired her."

Napasinghap siya. "Pero... pero akala ko, naiintindihan mo? Her reasons are valid, Caleb. Her daughter-"

Tumaas ang isang sulok ng mga labi ng binata. "And who cares about her daughter?"

"Ano bang nangyayari sa 'yo?" Naibulalas niya. Hindi niya na nagawang hintayin pa ang sagot nito. Nagmamadaling inilapag niya ang kape sa lamesa nito at maagap na dinaluhan ang ginang. Inakay niya ito palabas.

Mahigpit na kumapit si Manang Rosing sa kanyang braso pagkasara niya ng pinto. "Ineng, w-wala na akong pera. Naubos na sa mga gastusin sa ospital. N-nasa ospital pa kasi ang anak ni Martha. Premature kasi ang bata. T-tulungan mo naman ako." Nabasag ang boses nito. "Wala na akong ibang mapaghahanapan ng trabaho."

"Ipinapangako ko po, gagawin ko ang lahat para makabalik kayo sa trabaho nyo, Manang." Pinilit niyang ngumiti. Tulad nito, nalagay na rin siya sa ganoong sitwasyon noong kasalukuyang nasa ospital nang ilang linggo ang mother Annita niya bago ito binawian ng buhay. Nanganib rin siyang mawalan ng trabaho dahil sa ilang beses na pagliban para mabantayan ito.

Pinapunta niya na muna si Manang Rosing sa sala bago niya binalikan si Caleb sa library. "Ano ba'ng problema mo?" Salubong ang mga kilay na tanong niya. Hindi niya ininda kung abala ito sa ginagawang pagbabasa ng mga dokumentong hindi niya maunawaan katulad ng ugali nito. "Alam mo kung gaano kakailangan ni Manang ang trabaho niya. I thought we're already clear on that and now this? Ano na naman ba'ng nangyayari?"

"Wala naman," He shrugged. "Na-realize ko lang na masyado na pala akong nagiging mabait sa 'yo. And I don't wanna play nice anymore, Gianna. That's not me."

Nalito siya. "Hindi ko naiintindihan."

"Hindi mo naman kailangang intindihin." Tumayo na si Caleb at nagsimulang maglakad palabas. "Just accept the fact that she's fired and get over it." Akmang bubuksan na nito ang pinto nang pigilan niya sa braso.

"Nangako akong tutulungan si Manang Rosing na makabalik sa trabaho niya, Caleb. And I meant it."

Kumislap ang interes sa mga mata nito. "How noble. Are you telling me that you're willing to do whatever I ask in exchange of her job?"

"Yes."

Trapped in a Vengeful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon