Part 11

8.5K 182 3
                                    

"HEY, it's been a long time." Mahinang sinabi ni Alaric bago niya ibinaba ang mga puting rosas na dala, mga rosas na paborito ng kauna-unahang babaeng minahal nila ng kapatid niya. Naupo siya sa damuhan saka sinindihan ang dalang mga kandila.

Pinaglandas niya ang hintuturo sa bawat letra ng pangalang nakaukit sa lapida. "Sana nakinig ako sa 'yo noon." Sumilay ang malungkot na ngiti sa mga labi niya. "Kasi tama ka noong sabihin mo sa 'kin na isang araw, makakahanap rin ako ng babaeng para sa 'kin. Because I was able to find Gianna."

Magsasalita pa sana siya nang mag-ring ang kanyang cell phone. Nagsalubong ang mga kilay niya nang malamang ang kaibigan ni Gianna na si Sierra ang nasa kabilang linya. Kumakabog ang dibdib na sinagot niya ang tawag nito.

"Bakit mo naman tinangay kaagad ang bestfriend ko, Ric? Ni hindi mo man lang pinagpalit ng damit. Nagpakasal na ba kayo-"

Bigla siyang napatayo. "What are you talking about? Hindi ko kasama si Gianna ngayon."

"Ano?!" Tumaas ang boses nito. "Pero bakit ang sabi ni Manong Guard, pagkalabas ko daw para bumili ng lunch ay dumating ka na at sinundo siya? Imposible namang magkamali 'yon. Matagal ka nang kilala no'n-"

"Pero imposible ring-" Dumilim ang anyo ni Alaric nang maalala ang mga salitang binitiwan sa kanya ni Caleb noong nakaraang gabi. "I will call you again, Sierra." Sinabi niya saka mabilis nang tinapos ang tawag.

"I can never really escape the past... can I? No matter how much I run away from it, it runs with me and hunts me every time." Mapait na naibulong ni Alaric bago nagmamadali nang umalis ng sementeryo. Habang nasa daan ay pinilit niyang tawagan si Gianna pero si Sierra uli ang nakasagot niyon. Nalilitong sinabi nito na naiwan daw ng dalaga ang lahat ng gamit nito sa boutique.

Nanggigigil na nasuntok niya ang manibela. "Damn it, Caleb! When will this end?"

Trapped in a Vengeful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon