Part 14

8.6K 183 14
                                    

"WHERE ARE YOU?" Ang nag-aalalang bungad ni Alaric kay Gianna sa kabilang linya matapos nitong marinig ang boses niya. Napatayo siya sa kama at sumilip sa bintana. Mga puno ng niyog, asul na dagat at ang puting-puting buhangin ang sumalubong sa kanya. Under normal circumstances, she would have appreciated the lovely scenery, but not now. Not when her heart was still too dazed by the sudden changes in her life.

"Hindi ko alam, Ric. 'Yon ang problema, hindi ko alam kung nasaan ako." Sumasakit ang ulong sinabi niya. "All I can see are trees and... and..." Her voice trailed off.

"Hush, sweetheart. I will get you out of there, okay? I promise you that."

"Alam ko." Kahit paano ay ngumiti si Gianna. Alam niyang hindi siya bibiguin nito. "Ikaw na muna sana ang bahala sa mga bata." Napahugot siya nang malalim na hininga. "At tungkol sa kasal-"

"What the hell?!" Agad na napalingon siya nang marinig ang pamilyar na boses na iyon mula sa kanyang likod. Naroon at nakatayo si Caleb. His face was unreadable. Kinakabahang tinapos niya na ang tawag at itinago ang cell phone sa kanyang likod. Lihim siyang nagsising hindi man lang nai-lock ang pinto at hindi rin naramdaman ang pagdating nito. "Hand me that phone, Gianna." Matigas na sinabi nito.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa cell phone. "A-ayoko."

"Hand me that phone or else I'll give you something to be guilty about. I'll fire-"

"I hate you." Walang nagawang sinabi niya bago iniabot rito ang cell phone.

Sandaling natigilan si Caleb. "It's okay. I didn't ask you to love me in the first place."

Bumuka ang bibig niya para lang maitikom iyon sa bandang huli. Sa tindi ng galit niya ay wala na siyang iba pang masabi kay Caleb. Humugot siya nang malalim na hininga. Sa buong buhay niya, ngayon pa lang siya nakaramdam ng matinding galit sa isang tao. Maski nang magkaisip na siya at malamang iniwan lang siya ng kung sino sa gate ng isang orphanage ay hindi niya nakuhang magalit nang husto dahil lumaki siyang sagana sa pagmamahal ng Mother Annita niya kaya bago sa kanya ang nararamdamang matinding galit ngayon.

Tinalikuran niya na si Caleb at akmang babalik na lang sa kama nang bigla siya nitong hatakin sa braso. Nanlaki ang mga mata niya. Bago niya pa tuluyang mamalayan ay nakapikit na ito at hinahagkan na siya sa mga labi.

Trapped in a Vengeful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon