Part 17

8.4K 184 1
                                    

NAGISING SI GIANNA kinabukasan nang maramdaman ang init na dumadampi sa kanyang balat. Pagmulat niya ay nasilaw siya sa liwanag na nanggagaling sa nakabukas na bintana sa gawing kaliwa ng kanyang kama.

"Gising ka na pala, ineng. Gusto mo na bang bumaba para magkape?"

Inaantok pang napatingin siya kay Manang Rosing na hindi niya namalayang nasa kwarto niya pala. Siguro ay ito ang nagbukas ng bintana. Mayamaya ay kumunot ang noo niya. Ang alam niya ay ini-lock niya ang pinto noong nagdaang gabi...

"Pasensiya na po, Manang pero paano po kayo nakapasok?" Alanganing tanong niya. "Ang alam ko po ay..."

"Maraming duplicate key si Sir." Tila naaaliw na ngumiti ang ginang. "Sa katunayan ay tatlo ang ibinigay niya sa akin para kung sakali daw na maiwala ko ang isa at maisipan mong itago ang isa ay may matitira pa."

Nanlaki ang mga mata ni Gianna. "Ano ho? Aba, sana hindi niya na lang ako pinagkwarto! Wala rin naman po pala akong privacy."

Napakamot si Manang Rosing sa batok nito. "Iyon nga rin ang naisip ko noong una." Sagot nito bago nagpaalam na sa kanya.

Marahas na napabuga siya ng hangin bago tuluyan nang bumangon at inilibot ang tingin sa buong silid. Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang dalhin siya roon ni Caleb ay ngayon niya lang nagawang pagtuunan ng pansin ang kinaroroonan dala ng galit sa lalaki.

Malamig sa mga mata ang kulay langit na wallpaper ng kwarto na tila tatlong beses ang laki sa kwarto niya sa apartment niya sa Manila. Halatang mga mamahaling gamit lang ang naroon mula sa carpet, paintings, kama, hairdresser, closet at iba pang mga gamit. Kung sabagay ay wala sa kalibre ng lalaki ang bumili ng kung ano na lang...

Naipilig ni Gianna ang ulo saka tumayo na at nag-ayos ng sarili. Pinili niyang isuot ang bulaklaking sundress na ang haba ay umabot lang hanggang kalahati ng mga hita niya. Tinernuhan niya iyon ng puting sandals. Itinali niya lang ang lampas balikat na buhok bago siya lumabas. Namangha siya nang bumungad sa kanya ang malawak at eleganteng kabahayan na puti at itim lang na kulay ang nangingibabaw. Halatang lalaki ang nakatira roon dahil wala man lang siyang nakitang woman's touch roon. Mayroon man siyang vase na napansin ay wala namang mga bulaklak na nakalagay. Napailing siya bago bumaba sa hagdan na naaadornohan ng pulang carpet.

Kumalam ang sikmura ni Gianna nang malanghap kaagad ang mabangong aroma ng sa hula niya ay niluluto ni Manang Rosing pagkarating niya sa huling baitang ng hagdan. Akmang susundan niya ang naaamoy nang may marinig siyang pamilyar na boses mula sa kung saan. Kumunot ang noo niya at inilibot ang tingin sa buong paligid. Saka niya lang napansin ang nakabukas na pinto ilang hakbang ang layo sa kanya.

Dahan-dahan siyang naglakad patungo roon. Habang papalapit siya nang papalapit ay napansin niyang library iyon. Sa pinakasentro niyon ay naroon ang nagmamay-ari ng lugar na abala sa pakikipag-usap sa cell phone nito. Simpleng pantalong maong at cotton long sleeve shirt lang ang suot ni Caleb pero para itong isang hari pa rin na tuwid na tuwid na nakatayo paharap sa bintana, patalikod sa kanya.

"Isa siyang doktor, Evan. He can just cure his broken heart."

Nahigit niya ang hininga. Nahulaan niyang si Alaric ang pinatutungkulan nito sa kabilang linya.

"I can't stop yet, man. Not until I'm sure I've completely ruined him." He inhaled sharply. "Ni wala pa nga siya ngayon sa kalahati ng naranasan ko noon."

"Jerk!" Hindi napigilang naibulalas ni Gianna dahilan para mapalingon si Caleb sa kanya. "Wala akong naiintindihan sa nangyari sa inyo noon ng kapatid mo dahil unang-una, hindi ka naman nagpapaliwanag. But in the process of ruining Alaric's life, aren't you even aware that you're ruining mine as well?"

"'Exactly the point, Gianna. To ruin Alaric, I have to start with you because you are his weakness." Tila walang anumang sagot nito bago ibinulsa ang cell phone. "At wala na 'kong pakialam kung sino man ang masagasaan ko... as long as I get my revenge."

Naikuyom niya ang mga kamay. "'Wag mong baguhin ang buhay ng ibang tao dahil lang nabago na ang buhay mo."

Dumilim ang anyo ni Caleb. "Madali lang para sa 'yong sabihin 'yan palibhasa hindi mo alam kung paano ang mawalan. Ano nga ba namang alam mo sa bagay na 'yan kung wala ka pang muwang nang basta ka na lang iwan ng mga magulang mo sa kung saan?"

Trapped in a Vengeful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon