Part 25

7.9K 168 1
                                    

"I CAN'T BELIEVE I'm being mistreated in my own place." Makulimlim ang mukhang sinabi ni Caleb bago nito tinikman ang noodles sa harap nito na isinalin pa ni Gianna sa mangkok.

"Bakit? Masarap naman, ah." Defensive na sagot niya saka nagpatuloy sa maganang pagkain. Na-miss niya rin kumain nang ganoon. Mula kasi nang maging boyfriend niya si Alaric ay pinatigil na siya nito sa pag-stock ng mga iyon sa apartment niya. Palagi na lang siya nitong pinadadalhan ng pagkain mula sa iba't ibang restaurant. Kapag may free time naman ay ito mismo ang nagluluto para sa kanya. Because he knew very well how much she loved cooking and how much cooking hated her.

Nahinto sa paglalakbay ang isip ni Gianna nang malakas na ibinagsak ni Caleb ang mangkok nito. Pagtingin niya roon, wala na iyong laman. "Kailan babalik si Manang?"

"After two to three days."

"What? Ibig sabihin gano'n katagal pa 'ko magtitiis?" Akmang sasagot pa lang siya nang padarag na tumayo na si Caleb. "Nevermind, I'll just get myself busy in the library. Heck, I can't believe I'm being deprived of food in my own territory!"

Napailing siya nang lumabas ito ng dining area. He complained a lot but he ate nevertheless. In fact, he was able to finished two cup noodles.

"Kung mahal ka talaga ng isang lalaki, kakainin niya ano man ang ihain mo." Naalala niyang minsan ay sinabi sa kanya ng mother Annita niya matapos niyang magreklamo ritong palaging sablay ang mga niluluto niya. "Oo, magrereklamo siya pero natural lang iyon sa lalaki dahil malaki ang inaasahan nila pagdating sa cooking expertise ng mga babae. But at the end of the day, he will see to it that he will finish the food because it's you who serve that regardless of its taste."

"Kahit po cup noodles?"

"Kahit cup noodles." Nangingiting pagsang-ayon nito.

Bigla, sumagi sa isip niya si Alaric. Ni minsan, hindi niya ito napakain ng ganoon. Samantalang ang kakambal nito, marami mang reklamo, kumain pa rin. Naipilig niya ang ulo. "Ano ba'ng iniisip ko? Siyempre, kakainin 'yon ni Caleb, wala siyang choice. Hindi rin naman siya marunong magluto." Malakas na pagdiriin niya. "And Alaric loves me. Perhaps, he just didn't want to eat cup noodles with me. That's normal. He's a doctor, after all."

Trapped in a Vengeful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon