Part 26

7.9K 154 2
                                    

"JUST LEAVE THEM there, Gianna."

Inignora ni Gianna ang mga sinabi ni Caleb nang muli itong pumasok sa kusina. Nagpatuloy siya sa pagsasabon ng mga pinagkainan nila. Magbabanlaw na sana siya nang tila naiinis nang hinawakan siya ng binata sa braso.

Nakakunot na naman ang noo ni Caleb nang lingunin niya ito. "Bakit ba hindi ka nakikinig sa 'kin? Ang sabi ko, iwanan mo na lang ang mga 'yan dyan."

Tumaas ang isang kilay ni Gianna. "At ano? Ipapahugas mo 'to sa mga gwardya sa labas? Para ano pa at nandito 'ko?" Hinatak niya ang braso. "Saka para ito lang? 'Sus. I've been doing this for ages."

"Heck," Nasorpresa siya nang walang sabi-sabing itinupi ni Caleb ang mga manggas ng long sleeved shirt nito hanggang siko at tumabi sa kanya.

Hinugasan ng binata ang mga kamay niyang sagana pa sa bula bago ito naglabas ng malinis na towel sa drawer roon at pinunasan ang mga kamay niya. Napamaang siya. "Ano'ng ginagawa mo?"

"Shut up." Bruskong sagot ni Caleb. "You may be trapped but that doesn't make you a maid here. Just go to your room and plan our meal tomorrow. I'll deal with this." Nang manatili siyang nakatulalang nakatitig rito, bahagyang itinulak na siya nito sa mga balikat. "Go."

"A-all right." Natitigilan pa ring sagot niya at lalabas na sana nang tawagin siya ni Caleb.

"And Gianna? When I asked you to plan our meal, I'm referring to a decent one."

Napayuko siya. "Pero hindi talaga ako marunong magluto."

"Hell!" Marahas na naibulong nito pero nakaabot pa rin sa pandinig niya. "Sino'ng nagsabing si Alaric lang ang nagsa-suffer ngayon? Ako rin."

Nag-init ang mga pisngi niya. Naiinis na lalabas na lang sana siya ng kusina nang muli na namang tawagin siya ni Caleb. Salubong ang mga kilay na humarap siya rito. "Ano na naman?"

"I... I lived in California for a couple of years. Sanay ako sa mga ganitong gawain."

"At?"

"Wala naman." Nag-iwas ito ng tingin. "Gusto ko lang malaman mong hindi ko 'to ginagawa para sa 'yo." Hindi man niya nakikita ang sarili, alam niyang lalong namula ang kanyang mga pisngi. Bago pa siya pangunahan ng bibig at kung ano na naman ang masabi ay nagmamadaling umalis na siya ng kusina. Padarag na isinara niya ang pinto pagdating niya sa inookupang kwarto at pabagsak na nahiga sa kama.

"Siyempre, hindi mo naman talaga 'yon ginagawa para sa 'kin... pero hindi mo naman na kailangang sabihin pa 'yon." Nadidismayang bulong niya. Ilang ulit siyang napabuga ng hangin pero naroon pa rin ang hindi maintindihang bigat na nararamdaman niya.

Trapped in a Vengeful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon