01

18.1K 280 12
                                    

Nagmamadali akong tumakbo para makaabot sa first class ko. Nakalimutan ko kasing magpaalarm kahapon dahil sa sobrang puyat ko. Finals namin ngayon and I should not be late.

"Excuse me po." sambit ko ng paulit-ulit sa mga taong casual na naglalakad sa hallway ng building namin. Bakit ba kasi ang daming tao ngayon? Tumunog ang phone ko at dali-dali ko itong sinagot.

"Asan ka na?" bungad ng kaibigan kong si Irish.

"I'm on my way. Tumatakbo na. Anong oras na ba at bakit parang ang dami naman yatang tao?" tanong ko.

"Lunch kasi ngayon. Dalian mo at baka maabutan ka pa ng 12 o'clock prayer at mas lalo kang malate. Wala pa ang proctor natin kaya go lang." sabi niya sa kabilang linya.

"Malapit na ako. Kung malate man ako, sabihin mo nagkaroon ng emergency sa bahay kaya nalate ng unti." sabi ko habang hinihingal. Bakit ba kasi ako hindi nagpaalarm?

"Okay. Just be fast. Nararamdaman ko na ang pagbagsak ko." sabi niya at natawa naman ako. I tapped my ID ng makarating nako sa building namin at nakahinga ng maluwag ng makarating ako na wala pang proctor.

"Buti nakaabot ka." saad ni Irish at tumango lang ako sa kanya habang inaayos ang paghinga ko. Ilang segundo ang lumipas at dumating na ang prof namin at nagsimula na itong magbigay ng test papers.

"Nag-aral ka ba?" mahinang bulong niya. Tingnan mo tong isang to.

"Kaya nga ako nalate eh." sabi ko at kumuha ng lapis sa bag ko. She mocked me in a hushed tone at nagsimula na.

.

"Grabe, ang hirap naman ng test na yon. Naubos yung natitira kong brain cells." saad niya at napairap naman ako.

"May brain cells ka pa pala." saad ko at hinampas naman niya ako na ikinadaing ko.

"Napaka mo." natawa naman ako kasi napipikon na siya. Sabay kaming lumabas ng classroom para sunduin sa kabilang building si Brielle.

Both me and Irish is taking Business Administration. Tapos si Brielle naman ay Tourism. Hindi ko naman ginusto ang course ko. I don't have any plan kasi my future is already laid out in front of me. Wala na akong pagdedesisyunan kasi napagdesisyunan na nga ito para sakin.

Kilala ang pamilyang Quizon sa larangan ng business. It is right and just na sumunod talaga ako sa yapak nila. Hindi naman kasi ako kasing tapang ni Kuya Paolo para sumuway. If I have given a chance, hindi ako mag-bubusiness ad. I would take Fine Arts to pursue my dream to be a Director.

"Ang tagal mo namang bruha ka." bungad ni Irish kay Brielle na kabababa lang. Napairap ito sa kanya at nginitian ako.

"Paano maging hindi stress after that exam?" tanong niya at umiling lang ako.

"Saan tayo kakain?" tanong ko and nag-isip naman ang dalawa ng makakainan. Luminga-linga ako at nakita ang kaibigan naming lalaki na si Johan. Parehas ng kinukuhang course ni Brielle.

"Razone's tayo." sabi niya ng makalapit samin. Napakunot naman ang noo ko sa restaurant na binangggit niya.

"Anong kakainin mo dun? Halo-halo?" pambabara ni Irish.

"May pagkain din dun. Tara na." yaya niya at ako ang una niyang hinila dahil mas malapit ako sa kanya.

"Napakaepal mo." sambit ko ng maglakad kami palabas ng university.

"Thanks." maikling sagot niya kaya napairap ako.

"Nasan si Kian?" tanong ni Irish. Nagulat ako ng tumawa naman tobg katabi ko na parang nababaliw.

"Bakit miss mo na agad ang Kuya ko?" pang-aasar ni Johan sa kanya. Kian and Johan Montenegro are fraternal twins. Nauna lang lumabas ng ilang segundo daw si Kian kaya Kuya ang tawag ni Johan.

Destined (Montenegro Series #1)Where stories live. Discover now