17

8.8K 205 24
                                    

Katulad ng sinabi niya ay naghintay ako sa may waiting shed sa tapat ng kotse niya 30 minutes ang lumipas matapos ang klase namin. Bumili ako ng makakain sa kabilang kanto kasi nagugutom na ako. 3:50 na at masaya akong kumakain sa may waiting shed.

"Sav!" napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Imee pala ito at masayang lumapit sa akin.

"Hello." maikling bati ko ng makalapit na siya sa akin.

"Hindi ka pa uuwi?"

"Hinihintay ko si Salem eh." sagot ko at tumango naman siya.

"I see. Anyways, bye na. May pupuntahan pa kasi ako. Ingat kayo pauwi." paalam niya at kumaway naman ako sa kanya. Sinundan ko siya ng tingin at hindi namalayan ang hinihintay ko.

"Dapat na ba akong magselos kung sino tinitingnan mo?" napatingala ako at nakita siya na nakangiti at halatang nang-aasar.

"Sira. Musta first day?"

"It's okay, I guess." he answered and I nodded. I offered him ng kinakain ko at kumuha naman siya. Umupo siya sa tabi ko at sabay naming pinagmasdan ang mga taong papaalis na.

"Uy, Salem!" kinawayan niya ang kaklase niya atang papalapit sa akin. "Ikaw ah. Bawal PDA dito."

"Gago. Savannah, si Jasper kaklase ko." pagpapakilala niya.

"Hi!" masiglang bati ko at kumaway naman siya sa akin. Nagpatuloy ako sa pagkain habng nag-uusap sila.

"Bawal ka talaga pre?"

"Nope. I have to take us both home eh. Hindi naman marunong mag-drive to." sabi niya at kumunot naman ang noo ko.

"Tinatanong ko siya kung pwede siya gumimik." saad ni Jasper sa akin ng tiningnan ko siya na nagtatataka.

"Sa susunod na lang, Jas. Aalis na kami." paalam ni Salem at tumango naman ito.

"I promise next time sasama na siya." sabi ko at tumawa naman ito sa akin.

"Pakasaya kayong mag-asawa at sa susunod sana kasama ka na rin sa gimik na pupuntahan nitong asawa mo." he replied and I smiled at him.

"Bye!"

Binuksan ko na ang pintuan ng kotse niya at pumasok na doon. Nag-usap pa muna saglit si Jasper at Salem bago pumasok sa sasakyan si Salem. I put on my seatbelt as he started the engine of his car.

"Anong gusto mong ulam?" I asks him while he is driving. Medyo traffic kaya nakakapag-usap kami ng unti.

"Can you cook adobo? I suddenly craved one." I nodded and we fell into a comfortable silence.

Dumating kami sa bahay at agad akong nagprepare ng lulutuin ko. Hindi na ako nagbihis pa kasi matatagalan lang lalo. Imbes na makakakain na kami ay hindi pa kapag ginawa ko yun.

"You should have change first."

"Tatagal eh. Nagugutom na ako. Do you know how to cool rice?" he hummed in response and started working with me in the kitchen.

"I really want to learn how cook that, you know." I gaped at him.

"How come na marunong kang magluto ng fancy food tapos simpleng adobo hindi mo alam lutuin?"

"I just didn't like the idea of cooking one. Too basic. But like you said, it is basic and I need to know how to cook it at some point."

"Edi tuturuan kita. Dali." and our cooking lesson began. Sobrang bilis niyang matuto. Siya mismo ang nagtimpla ng lasa kaya parang wala rin akong ginawa.

"This taste good." komento ko habang kumakain kami.

"Syempre ako pa."

"Ang yabang mo. Kumain ka nalang diyan." Tinawanan niya lang ako at inirapan ko naman siya. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-scroll sa facebook.

Destined (Montenegro Series #1)Where stories live. Discover now