03

10.5K 211 13
                                    

Inupo niya ako sa sofa pagkatapos niya akong samahan mag-cr. Ambait ng lalaking iyon. Compare dun sa isa na tinulak ako 'pag namaga yung sakong ko, huhuntingin ko siya at ipupukpok ko sa kanya yung sapatos ko.

Nagulat ako ng nasa tabi ko na si Brielle na nakatulog na dahil sa kalasingan. Paano ako nakabalik dito?

"Uminom muna kayong dalawa ng tubig." sabi ni Kian na mukhang sober na. Naalala kong hindi na pala siya uminom kanina.

"Iinom inom mga hindi naman kaya." sabi niya. Inubos ko ang bigay niyang tubig at binigay ko sa kanya yung bote.

"May kekwento ako sayo." sabi ko kay Kian at tinaasan naman niya ako ng kilay.

"Maganda to." sabi ko at bumuntong hininga siya. "May mabait akong nakilala na nagdala sakin sa cr nung naiihi nako." bulong ko at tumawa naman siya.

"Alam kong mababadtrip ka sakin kapag pinaalala ko ito sayo kapag sober ka na bukas." saad nito sakin. Humiga nalang ako at pumikit kasi inaantok na talaga ako.

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Napatingin ako sa paligid at napansin na nasa kwarto na ako. Nagulat ako ng may biglang tumama na something sa paa ko.

Akala ko kung sino ito kaya napabaling ako kaagad at nakitang tulog si Irish. Napabuntong hininga ako at dahan dahang lumabas ng kwarto ko. Lumabas ako sa kwarto ko at  bumaba.

"Iha, gising ka na pala." saad ni Manang at umupo ako sa high chair dito sa kusina.

"Uminom ka muna ng tubig oh." sabi niya at binigyan ako ng isang baso ng tubig.

"Nasaan po sila?" tanong ko at uminom ng tubig. Hinandaan naman niya ako ng makakain at umayos naman ako ng upo.

"Kakaalis lang ng Kuya mo at mukhang inis sa iyo. Umuwi kasi kayo dito ni Irish na lasing na lasing. Buti na lang kamo at mabait ang nagdala sa inyo dito kagabi at wala ang mga magulang niyo." pagbibigay alam niya sa akin.

"Sino po ang naghatid sa amin?" tanong ko sabay higop ng lugaw na niluto ni Manang.

"Hindi ko nalaman ang pangalan eh. Pero gwapo ito kaya siguro mas lalong nainis ang bayot mong Kuya ay dahil lalaki ang naghatid sa inyo dito." sabi niya at tumango naman ako. Ilang minuto lang ay bumaba na si Irish.

"Girl, never again." sambit niya at napailing lang ako.

"Sobra ba tayong nastress sa acads at naglasing tayo ng ganito kalala." sambit niyang muli.

"Sino naghatid sa atin kahapon?" tanong ko habang hinihimas niya ang ulo niya.

"Si Kian. Ayaw akong tantanan eh. Nakakabadtrip nga kasi hindi ko nakuha yung number nung taga-La Salle na kasayaw ko. Sayang talaga, gwapo pa naman siya." sabi niya at napailing na lang ako. Nagulat ako ng hampasin niya ako bigla.

"Aray ko! Bakit?" daing ko at hinimas ang braso kong hinampas niya. Kahit kailan itong babaeng to sadista.

"Hindi pa ako lasing non. Bakit magkasama kayo ni Salem?" tanong niya at tinaasan ko siya ng kilay.

"Pinagsasasabi mo?"

"Huwag mo kong sagutin ng ganyan. Nakita ko kayong magkasama."

"Hindi ko nga pinapansin yon kasi nahihiya ako eh tas magkasama pa kami." sambit ko at nagpatuloy ng kumain.

"Tatanungin ko si Johan sa Monday. Sinasabi ko sayo magkasama nga kayo kagabi. Hindi ko alam kung saan kayo galing. Pero grabe ka dumamoves. Ang speed." pangangasar niya at inirapan ko lang siya.

Wala akong maalala na kasama ko si Salem kagabi. Yes, I remember being with someone last night. Maliban sa lalaking nanulak sakin kahapon atsaka yung nag-sama sa akin sa cr. Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy na lang sa pagkain.

Destined (Montenegro Series #1)Where stories live. Discover now