06

8.9K 179 18
                                    

Maaga niya akong sinundo ngayon dahil bago pumasok ay may pupuntahan pa kaming food taste meeting para sa engagement party na magaganap bukas ng gabi. Hindi ako nagsasalita habang nasa byahe kami. Naaalala ko parin kasi yung pinagsasasabi niya kagabi at naiinis parin ako dahil pinamukha niya sa akin na mukha kaming pera.

"My parents will be there." sabi niya at nanahimik lang ako. Bahala siya magsalita diyan. Hindi na niya ko ulit kinausap. Alam kong wala akong karapatang mag-inarte sa harap niya dahil katulad nga ng sabi niya nakakaabala ako sa pamilya nila. Which is half true.

Nakarating na kami sa lugar kung saan gaganapin yung engagement party namin. Maraming tao ang hindi magkandaugaga sa pagpasok at paglabas ng mga gamit sa venue. I sighed and enter the venue with Salem.

"Iha!" bati sakin ni Tita Cia. Hinalikan ni Salem sa pisngi ang Mama niya at ganoon din ang ginawa ko. I greeted his father too.

"Salem, Savannah, this is Georgia the event organizer." pagpapakilala ni Tita Cia sa babaeng nasa harapan namin.

"Hello po." bati ko at nginitian naman niya ako. Salem shook her hands and I did the same.

"Okay, we'll do this quick kasi alam kong may pasok pa kayong dalawa base sa uniform niyo. We'll start with the food tasting first." sabi niya and as if on cue nagsilabasan ang mga waiter na may dalang iba't ibang pagkain. This will be a long day.

.

Nakatulala lang ako habang kumakain kami ng lunch sina Irish. Hindi na ako umorder kasi nabusog na ako sa ginawa naming food tasting kanina. This past few days hindo ko na alam kung anong nangyayari sa buhay ko. Everything is so fast paced to the point na hindi ko na napag-iisipan kung tama ba o mali pa ba ang ginagawa ko.

Sa nagdaang araw, para na lang akong robot na kusang kumikilos base sa utos. May buhay pero wala naman talaga. Nakakapagod pero kailangan eh.

"Earth to Savannah!" nagulat ako ng magsnap ng fingers sa harap ko si Johan. Napatingin ako sa kanila na nakatingin sa akin.

"Ang lalim masyado ng iniisip natin ah." saad niya at napabuntong hininga na alang ako. "Hindi ka pwedeng ma-stress sister-in-law ko. Engagement party niyo na bukas."

"Oo nga, Sav. Ano bang iniisip mo?" tanong ni Irish sabay kagat ng sandwich niya.

"Wala. Pagod lang siguro." sambit ko at tumango naman sila.

"Kamusta naman yung meeting niyo kaninang umaga?" tanong ni Brielle.

"Okay lang naman. Nabusog ako kasi masyadong pihikan yang pinsan mo sa pagkain." sambit ko at naalala na nakailang ulit kaming tumikim ng napakaraming pagkain dahil sa kanya.

"Ganon talaga yon. Kaya kapag may party na gaganapin ay siya lagi ang isinasama ng mga magulang namin magpipinsan. Sa sobrang pihikan niya, nakakapili siya ng the best na pagkain para sa mga bisita kaya laging talk-of-the-day ang party na host ang pamilya namin." paliwanag ni Johan.

"I'm sure the engagement party would be the best." sabi ni Irish at ngumiti lang ako. Malamang sa malamang. Montenegeros will do anything just to make that engagement party grand.

.

Naglalakad ako papunta sa waiting shed na paghihintayan ko kay Salem ng makita ko si Imee. I want to talk to her. I feel like I needed to apologize kahit hindi ko naman alam kung bakit kailangan kong humingi ng tawad.

"Imee!" I called her and she look back at me. Kasama niya ang ilan sa kaibigan niya. I smiled at her and she smiled back. Kinausap niya ang kaibigan niya siguro at sinabihan niya na maghintay saglit sa kanya at susunod siya.

Destined (Montenegro Series #1)Where stories live. Discover now