12

8.8K 183 18
                                    

Three weeks have passed at halos malibot na namin ang buong Japan. After kasi ng araw na pinagluto niya ako ay sunod sunod ang pag-alis namin. Naeenjoy ko naman kaso maganda dito sa Japan. I would live here if I have given a chance.

Me and Salem is still the same. Medyo nakakakulitan ko na siya pero minsan hindi parin talaga kami nagkakasundo. Katulad ng kung sinong mauunang maligo sa cr. Lagi niya akong sinasabihan na mabagal. I'm a girl. It's normal. He is always complaining kapag mabagal akong mag-ayos. Hindi ko na lang siya pinapatulan.

"I just don't get why girls need to put a lot of that product in their faces." sabi niya. Ang sunod naming pupuntahan ngayong araw ay Mt. Fuji.

"To hide the blemishes. Minsan nakasanayan na rin." naglagay ako ng eyeliner at napangiti ng hindi ito lumagpas o ano.

"Girls shouldn't hide their blemishes. I think that's what makes them beautiful."

"Are you implying na maganda ako?" I asks and he intently look at me. "Okay, hindi. Sabi ko nga." sabi ko at pinagmasdan niya lang akong naglalagay ng makeup.

"Huwag kang tumingin ng ganyan. Masakit sa puso." nagulat naman ako ng masabi ko yun kaya umiwas ako ng tingin. Napatawa naman siya ng bahagya at inirapan ko naman siya.

"I didn't knew that you were that blunt." he teased and I shook my head at him. Pinagpatuloy ko na lang ang pag-aayos ko habang nararamdaman ko ang mga titig niya sa akin.

"I'm done."

"Thank God. Let's go."

"OA." bulong ko atsaka isinukbit sa balikat ko ang shoulder bag ko at sinundan na siya.

Matagal din ang nahing pagbyahe namin. Again, hindi ako binigo ng bulkang ito. Napuntahan na namin yung dalawang bulkan and this is the last one. Hindi ako makapaniwalang nakikita ko na ang isang pinangarap kung puntahan. Ang ganda niya tingnan talaga. Pinicturan ko ito at nag-IG story.

"Let's take a picture na." sabi ko kay Salem. Mukha siyang nag-iisip kung susundin niya ba ako o hindi. "Isa lang pramis." sabi ko and he sighed. Napatili naman ako at pumwesto ako sa tabi niya. "Dito tayo para kita yung Mt. Fuji." excited na sabi ko.

"1....2....3....SMILE!"

Tiningnan ko ang selfie namin at napangiti ng makitang ngumiti naman siya sa picture. Mukhang kaming masaya sa picture kaya pinost ko siya sa IG story ko.

"You know that will create a big fuss."

"Kailan ba natahimik yung buhay natin simula ng maenggage tayo?" tanong ko pabalik at napatango naman siya sa sinabi ko.

Minsan pinagdarasal ko na sana medyo normal na lang kami na inarranged marriage. Yung tipong hindi masyadong kilala. Talagang napagkasundo lang ng pamilya. Hindi yung sobrang open kami sa public at kahit anong maling galaw lang ng isa sa amin ay iba ang kahahantungan namin. Everyone knows how powerful media is.

Mass Media connects different people but aside from connecting people. It destroys people also. Slowly, pero deadly. That's why saludo ako sa pamilya nila Salem. How they handle every situation. Lalo na kapag nadadawit sa gulo si Kian.

"May temple dito. Let's go there." Sumunod naman ako sa kanya at hindi ko mapigilang kumuha ng maraming litrato.

Maraming turista ang narito kaya medyo mahirap kumuha ng litrato. Napalinga linga ako at nangamba ng hindi ko na mahanap si Salem.

"Salem!" tawag ko pero hindi parin siya sumasagot. Nasaan na kayo yun? Sa dami ng tao, mahirap makipagsiksikan para mahanap siya. Kaya nagstay lang ako kung nasaan ako. Bakit ba kasi ang bilis maglakad ng lalakibg yun eh?

Destined (Montenegro Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant