19

9.2K 198 15
                                    

Kinabukasan ay maaga kaming nagising dahil sa iyak ni Rainne. Actually, hindi kami nakatulog buong gabi dahil sa kanya. Mukhang namamahay ata si Rainne. Nang mapagdesisyunan naming itabi na lang siya sa amin. Ayun, nanahimik. Naalala ko pa na inasar ko siya non dahil dun.

"Ikaw lang pala katapat eh. Crush ka pa ata ng pamangkin ko." sabi ko. Medyo nararamdaman ko na ang antok at pagod sa pag-aalaga kay Rainne buong maghapon.

"Bakit? Selos ka?"

"Bakit ako magseselos?"

"I don't know maybe you have a crush on me." he said and smirked at me. Sinamaan ko siya ng tingin at tinalikuran. "So, meron ka ngang crush sa akin?"

"Wala akong sinasabing may crush ako sayo."

"Pero hindi ka tumanggi?" he pushes and I rolled my eyes at him. Kahit hindi niya ako kita. "I'll take that as a yes then. Don't worry your secret is safe with me." he said and chuckled.

"Ang ingay mo baka magising si Rainne."

"Yes, boss." the tone of his voice is laced with amusement. Pinikit ko na lang ang mata ko at hindi siya pinansin.

So, ayun. Halos nakadalawang baso ako ng kape bago kami umalis ng condo. Hinintay pa naming dumating si Corrine bago kami tuluyang umalis. I can't help but to feel worry for Rainne. I know she is in good hands. Hindi lang ako comfortable na iba yung nag-aalaga sa kanya aside from his parents and Salem. Hindi naman iba si Corrine but it still bothers me.

"What is bothering you?"

"Nag-aalala lang ako kay Rainne." I said honestly. There's no reason for me to lie to Salem.

"Don't worry she's in safe hands, Sav. Corrine is best with kids. Since isa siya sa pinakaunang naging babaeng anak ng mga Montenegro, nag-alaga na siya sa amin noon. She's a few years older than I am and ganon siya karesponsible. Imagine, she needs to take care of the twins tapos ako pa tapos si Dale pa. It's a lot. So don't worry." he assured me and I sighed.

"Maybe I had too much coffee."

"Coffee is bad for your health. I mean, anyone's health lalo na kung hindi ka masyadong ma-caffeine."

"Ayoko lang kasing antukin sa class mamaya." he nodded and I sighed.

Katulad ng routine namin. He will always park his car in front of the engineering building. Nagulat ako ng lagpasan niya ito at papunta na sa building namin.

"What are you doing?" I asks him. Naramdaman ko siyang nagpapark na. "Hoy, anong ginagawa mo?"

"I am parking."

"Bakit sa harap ng building namin?" nagtatakong tanong ko. Once he successfully parked his car, he turns to me and I almost lean away. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko.

"B-bakit dito ka nag-park?" I stuttered.

"You are tired. I park it here para hindi ka mapagod maglakad. Kahit malapit ang building namin sa inyo, I still don't you to walk. Ayokong mas lalo kang mapagod." Natigilan ako sa sinabi niya. My heart is beating like crazy. Any moment feeling ko sasabog ang dibdib ko sa sobrang kaba.

Bakit bigla bigla siyang nagpapakilig? Ano bang ginagawa mo sa akin, Salem? Mas lalo akong nagulat ng bigla siyang lumapit sa akin at hinalikan ako sa pisnge. Bigla akong namula at umiwas ng tingin sa kanya. He smiled at me.

"Tara na. Malelate tayo parehas kapag nag-stay pa tayong dalawa dito ng mas matagal." Lumabas na siya ng kotse niya at pinagmasdan ko lang siya.

My heart hurts. Hindi dahil may sakit ako o ano pero dahil sa ginawa ni Salem. Kung ano mang ginagawa niya, sana hindi ako masaktan sa huli nito.

Destined (Montenegro Series #1)Where stories live. Discover now