02

11.8K 226 15
                                    

Matapos naming mag-exam ay napagpasyahan naming umuwi muna at magkita-kita sa may Starbucks sa BGC bago kami magpuntahan sa pag-iinuman namin. Kasama ko si Irish sa bahay at ang loka ay feel at home na feel at home.

"Alam mo suotin mo ito. Malay mo nandon si Salem diba edi kabogera ka don." sabi niya sabay kuha ng isang dress na hindi ko pa nasusuot simula ng binili ko ito.

May dahilan kung bakit ayaw kong suotin yun. Una ay halos kulang sa tela ang damit at parang hindi matatakpan ang katawan mo. Pangalawa, hindi ako ang bumili niyan si Kuya Paolo.

"Ayoko niyan. Pilian mo ko ng iba. Halos wala ng tela yan eh." pag-iinarte ko. Ginaya naman niya ako at naghalungkat sa closet ko.

"Anong gusto mong suotin don? Sweater?" sarkastiko niyang tanong.

"Pwede naman." sagot ko at hinampas naman niya ako kaya napadaing ako.

"Para kang sira. Hahanapan kita ng damit na magpapabow down kay Salem." sabi niya at umirap lang ako.

"Kung nandon." bulong ko at umupo sa kama ko at bumuntong hininga.

"Laman ng bar yun si Salem. Paano ko nalaman kay Carson na laman din ng bar." sabi niya.

Si Carson yung isa naming kaibigan na sa ibang school nag-aaral. She became our friend nung high school pa kami. Ngayon lang nahiwalay nung college.

"O, ito. Mas okay. Sexy pero disente. Try it na." she said and binigay sakin yung damit na pinili niya.

It was a black tube, checkered mini skirt tapos pinasuot niya sakin yung black cardigan ko. I paired it up with a black heels.

"Bongga, te. Upo ka na para magawa ko na magic ko." sabi niya at minake upan nako. Aside from business, gusto rin maging makeup artist nitong si Irish. Maraming gusto sa buhay ang isang to at tila hindi pa nakakadesisyon kung ano ang gusto niya sa buhay.

.

Matapos ang ilang minuto ay natapos na din siya at nagsimula naman siyang mag-ayos ng sarili niya. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin at napangiti.

"Diba ang galing ko. Tara na." sabi niya ng maabutan niya akong pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin.

Hindi naman sa hindi ako palaayos, hindi lang ako katulad ni Irish na maraming alam tungkol sa makeup makeup. Kinuha ko na ang bag ko at naglagay ng mga kailangan kong dalhin bago bumaba.

"Uuwi ng midnight, Irish ah." paalala ni Kuya na kararating lang.

"Opo, Kuya Pao." sagot niya at binigyan ng halik sa pisngi si Kuya bilang paalam. Ganon din ang ginawa ko.

"Walang lalagpas sa oras. Kayong dalawa." muli nitong sabi. Nagthumbs up lang si Irish sa kanya at lumabas na kami para sumakay sa Grab na binook niya kanina.

"Nandon na ba daw sila?" tanong ko sa kanya at tumango naman siya.

"Papunta na si Carson tapos si Brielle tsaka si Johan kanina pa andon." sabi niya at tumango lang ako at tumingin sa bintana at pinagmasdan ang nadadaanan namin.

.

Sabay kami ni Carson dumating sa SB. Kunting lakad nalang naman eh nandon na yung club na pupuntahan namin. Johan brought his car with him kaya nagsiksikan kami don. Nakaupo ako sa shotgun seat kasi inunahan ko si Carson don. Ayoko kasing umuupo sa backseat. Nakakahilo.

"May mga pinsan ka bang nandon?" tanong ni Carson habang nagreretouch ng makeup niya.

"Walang magkakagusto sayo." pambabara ni Johan. Binatukan naman ni Carson si Johan.

Destined (Montenegro Series #1)Where stories live. Discover now