05

9.3K 216 25
                                    

Hindi ko mapigilang mapakunot ang noo ng makitang kumpleto ang buong angkan ng Montenegro dito sa malawak nilang lawn. Kinakabahan ako at naguguluhan.

"Sav!" napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Johan na papalapit sa akin.

"You know, Savannah?" tanong ni Tita Ciara.

"Yes, Tita Cia. Kaibigan ko po siya." sabi ni Johan. Tiningnan niya ako na parang nagtatanong kung anong ginagawa ko dito.

"That's cool. So you probably know my son? Si Salem?" she said excitedly. Medyo nawiwirduhan ako sa kung anong nangyayari.

"Yes po." sagot ko at ngumiti naman siya.

"Mukhang hindi tayo mahihirapan." komento nito at sumang-ayon naman ang magulang ko.

"Bakit ka nandito? Hello po, Kuya Pao!" bati niya kay Kuya Paolo na umalis na at sumama kina Dad.

"Hindi ko alam." sabi ko. Hindi ko naman kasi talaga alam kung bakit ako nandito.

"May alam ka ba?" I asks him and he just shook his head.

"Ang alam ko lang ay may importanteng sasabihin ang tatay ni Salem pero hindi ko alam kung ano iyon." sabi nito at tumango naman ako.

"Tara, papakila kita sa iba naming mga pinsan." sabi ni Johan at pipigilan ko na dapat siya kaso nahila na niya ako.

"Hi, mga kups! Ito nga pala si Savannah." cool na pakilala ni Johan sakin.

"GF mo?" one of his cousins asks.

"Hindi no. Kaibigan ko lang." mabilis niyang tanggi at tumawa naman ang ilan niyang pinsan.

"Sav, mga pinsan ko." sabi ni Johan.

"Dale." sabi ng nagtanong kay Johan kanina.

Ngumiti ako at tinanggap ang nakalahad na kamay niya. Gwapo ito at medyo may pagkahawig kay Salem pero iba ang itsura talaga ni Salem sa kanilang lahat.

"You probably know me. Gio. Tapos si Isla tsaka si Ajeer." sabi niya at tumango naman ako.

"Ako nga pala si Corrine. Ang ganda mo!" sabi ng isang babae at nahiya naman ako bigla. "No, don't be shy. Nagagandahan lang talaga ako sayo."

"Dude, seriously?" lumingon ako sa paparating at nagtama ang mata namin ni Salem. Hindi ko alam kung bakit pero matalim niya akong tiningnan.

"Oh my Gosh!" sambit ni Kian. Parang tanga talaga ang isang to.

"Ang OA!" saad ni Isla at binelatan lang siya ni Kian.

"Namiss kita, Sav." sabi niya na may nakakalokong ngiti.

"Oh you know him na pala." Corrine said as if it is a taboo thing to know Kian.

"Oo naman, Corrine. Kilalang kilala ako nito. She was the girl I am talking about na nireject ako." narinig ko ang tawa ni Gio at Ajeer.

"Fuck you bros." saad niya.

"Welcome nga pala, Sav." sabi ni Kian at dumiretso sa tabi ni Salem.

"You know Salem?" Corrine asks and I nodded. Mukhang may pinag-uusapan ang mga lalaki nila kaya ang nakausap ko ang mga babaeng Montenegro.

"Mga anak, halina kayo." saad ng isang kasing edad din nina Mama. Bawat isa sa mga Montenegro ay sumisigaw ng kayamanan. Makikita mo iyon sa way ng pag-galaw nila at sa pagsasalita nila.

"Bago pa mawala sa isip ko ang tunay na pakay ng dinner na ito. Gusto ko lang pasalamatan ang mga Quizon sa tiwalang ibibigay nila sa atin. Sana ay sa pamamagitan nito ay mas lalo pang tumibay ang samahan ng mga Montenegro at Quizon." saad ng Papa ni Salem. I assumed na Papa ni Salem iyon dahil kahawig niya ito.

Destined (Montenegro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon