Untold 2

84 4 0
                                    

JUNE 2013

Sabi nga nila, hindi madali ang maging high school student. Pero puno ito ng mga ala-alang pwede mong bauin...

"Sam! Kamusta ka na?" Sigaw ni Pat habang tumatakbo papalapit sa akin. Agad ko namang sinalubong si Pat at nagyakapan kami.

"Bes! Ikaw? Kamusta ka na? Namiss kita!" pangangamusta ko sakanya. Nandito kami ngayon sa labas ng school namin at excited na kaming pumasok dahil first day of class ngayon. Kagaya nung mga nakaraang taon, masaya at maingay parin ang eskwelahan na ito.

"Grabe 'no, I still can't believe na 4th year na tayo. Onting kembot nalang, graduate na!" Natutuwang sabi ni Pat habang pinagmamasdan ang mga estudyante na pumapasok sa entrance ng school.

"Oo nga eh, baka naman kalimutan mo na ako kapag grumaduate na tayo." Pagbibiro ko kay Pat.

"What?! Baka nga ikaw ang makalimot sa akin, Ms. Gonzales." Pagsusungit ni Pat.

"Tara na nga. Mamaya na natin ituloy ang chikahan." natatawang sabi ko.

-

Nandito kami ngayon sa main hall ng school para hanapin ang section namin ni Pat.

"Woah! Magkaklase nanaman tayo Sam!" Sigaw ni Pat sa akin na halos ikabingi ko na.

"Oo nga 'no! Palagi nalang..." kunwaring 'di masaya na sabi ko.

"Hay nako bes! Maswerte kang may kaklaseng tulad ko." Tugon ni Pat sabay hawi sa kanyang buhok. Ang babaeng ito talaga! HAHA!

Hindi naman na bago ang itsura ng mga tao dito sa school dahil sila sila rin ang mga kasama namin nung first year pa. May mga transferee naman pero kaunti lang ang mga ito.

-

Makalipas ang ilang oras, break time na namin. Pumunta na kami ni Pat sa Aling Lumeng's Canteen para kumain at mag kwentuhan. Dahil maraming tao dito, si Pat nalang ang umorder at naghintay nalang ako sa aming usual spot.

"SAAAAM!" Narinig kong sigaw ng isang estudyante - Sa pag aakalang si Pat ang tumawag sa'kin, nabigla ako at agad napatayo...

"Ano yun?" Tugon ko at ng isang lalaki na nasa kabilang table.

Parang biglang bumagal ang oras nang makita ko kung sino yung lalaking nag salita. Napahawak ako sa suot kong white gold pendant na letter S. (Regalo ito sa akin ni mama nung 16th birthday ko.) Ito yata ang sinasabi nilang slow-mo dun sa movie na Must be Love ng Kathniel.

Medyo wavy ang kanyang buhok, moreno, mapungay ang kanyang mga mata, matangos ang ilong, manipis ang kanyang mga labi, halos 5'9 ang kanyang height at mala Daniel Padilla ang kanyang dating. Sigurado akong isa siyang transferee dahil ngayon ko palang siya nakita dito sa school.

Nilapitan siya nung estudyanteng tumawag ng 'SAM' at may inabot na bottled water sakanya. Hindi ko namalayan na nakatitig parin ako dun sa bagong estudyante. Hindi ko inakalang mapupukaw niya kaagad ang atensyon ko.

"Oh bes, eto na yung order natin, tara let's eat? Gutom na'ko." Sabi ni Pat na mukhang gutom na talaga.

"Sam din ang pangalan niya?" Sabi ko sa hangin.

A Story UntoldWhere stories live. Discover now