Untold 6

40 4 0
                                    

OCTOBER 2013

"Summer, may ipagtatapat ako sayo" sabi ni Samuel na nakatayo sa harapan ko. 'Di ko maipaliwanag kung anong kaba at saya ang nararamdaman ng puso ko ngayong kasama ko siya.

"Ano yun, Samuel?" Tanong ko na may ngiti sa aking labi.

Nagulat ako sa kanyang ginawa--lumapit siya sa'kin at hinawakan ang pisngi ko na sobrang namumula na. Sa totoo lang, hindi ko maipaliwanag kung anong ibig sabihin nito, hinawakan ko ang aking pendant para pakalmahin ang sarili ko dahil sa mga pangyayaring 'di ko inaasahan. "Summer, maniniwala ka ba kapag sinabi ko sayong gusto-" bago pa man matapos ni Samuel ang ibig niyang sabihin, dumating ang isang babaeng ayoko sanang makita.

"Samuel." Tawag ni Stephanie na nakangisi sa'min ni Samuel. Anong ginagawa niya dito? Ba't sa tuwing may chance, moment, kami ni Samuel nagpapakita siya?

Sa pag tawag ni Stephanie, nagulat ako sa kanyang ginawa--hinawakan niya ang kamay ni Samuel at sinabing, "Tara na."

Bakit ganito? Tama ba 'tong nangyayari? Hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng aking mga luha... sa patuloy na pagbuhos nito--mabagal na umalis sina Samuel at Stephanie sa harapan ko. No, no, NO!--hindi ko kayang mawala si Samuel nang ganun-ganun lang. Pinunasan ko ang aking mga luha, "SAMUEL BUMALIK KA DITO!-SAM! SAM!"

"SAM! SAM! SAM!" Sigaw ni mama na nakatayo sa gilid ng kama ko. Wait, what?! Panaginip lang lahat ng 'yon?! Parang totoo.

"Sam, nananaginip ka ba? Gusto mo bang ikwento?" Nagaalalang tanong ni mama sabay abot ng baso ng tubig.

"Ma, okay lang ako, uh-anong oras na po ba?" Tanong ko.

"6:30 pa lang." Sagot ni mama.

"6:30? Ba't ngayon mo lang po ako ginising? Mal-late na 'ko" Tanong ko ulit.

"Bakit? 8 o'clock pa naman ang pasok mo ah" nagtatakang tanong ni mama, "Sige na, maligo ka na kung gusto mong agahan pumasok sa school" habol pa niya sabay kuha ng kumot ko para tiklupin.

-

7:15 AM,

'Di pa rin ako makapaniwa sa napanaginipan ko, tungkol kay Samuel pa--siguro kaya ko siya napanaginipan dahil matagal-tagal na rin nung huli kaming mag-usap.

Nandito ako sa school garden para magpahangin nang bigla kong matanaw sina Samuel at Stephanie sa 'di kalayuan--may kung anong kirot sa puso ko na hindi ko maipaliwanag.

Magkatabi silang dalawa at nakangiti, ramdam na ramdam ko ang saya at kilig ni Stephanie nang biglang may iniabot na red velvet cupcakes si Samuel--umalis nalang ako dahil 'di ko na kayang makita silang sweet sa isa't isa.

Wala na ba talaga akong pag-asa kay Samuel?

-

Aling Lumeng's Canteen

[break time]

Hindi ko na sana nakita ang nakita ko kanina--wala tuloy akong gana kumain, para bang nagkatotoo ang panaginip ko, at mas masakit pa--wala si Pat dahil kasama niya si BF Josh, buti pa siya, masaya sa love life. Si Chloe naman, nasa classroom dahil may study sesh daw sila ng group buds niya.

A Story UntoldWhere stories live. Discover now