Untold 8

36 4 0
                                    

DECEMBER 2013

Section Love, homeroom time.

Nabigla ako sa nabunot kong papel sa jar na inaabot ng teacher namin. Hindi ako makapaniwala na sa dinami-dami ng mga kaklase ko... si Justin pa yung reregaluhan ko sa Christmas party.

Magpapasko na, kaunting panahon nalang gagraduate na kami. Ewan ko ba, natatakot akong mag-college. Natatakot akong iwan ang school na 'to---sa totoo lang, hindi naman yung school ang natatakot akong iwan eh,

Natatakot akong iwan at kalimutan ang aking unang pag-ibig.

"Girl" narinig kong sigaw ni Pat dahilan para matauhan ako. "Ano ka na d'yan? Kanina pa kita tinatawag, tara na sa canteen" habol niya pa sabay hila sa kamay ko.

Aling Lumeng's Canteen,

Mag-isa akong naghihintay kay Pat dahil siya ang bumili ng food namin.

"Hey, bakit mag-isa ka lang dito? Gutom ka? Buy kita food" nakangiting pagsulpot ni Bryan.

"No, thanks. Bumili na si Pat" cold kong sagot.

Minsan napapaisip ako kung bakit ganito ako kay Bryan. Okay naman siya, siya pa nga ang mas madalas na nasa tabi ko.

"Sam, nililigawan kita. Okay lang na magcare ako sayo, so let me buy you food" mahinahong sabi ni Bryan.

-

Kakagatin ko na sana ang hawak kong sandwich ngunit may biglang tumabi sa'kin.

"U-uy, kamusta?" Hinihingal na bati ni Chloe.

"Bakit hingal na hingal ka?" Nagtatakang tanong ni Pat.

"Tumakbo kasi ako papunta dito." Sagot ni Chloe.

"So, kamusta? Lalo na ikaw Summer. Kamusta na kayo ni Bryan?" Tanong ni Chloe.

"Anong kamusta na kayo ni Bryan?" May tonong tanong ni Pat.

"TEAM SAMUEL FOREVER KAYA" dagdag pa ni Pat na kunwaring galit kay Chloe.

Wala nanamang magawa 'tong mga kaibigan ko... 'di nalang isipin ang sarili nilang love-life. 

"I have an idea! Let's find out kung sino ba talaga ang nararapat para kay Sam, si Samuel ba o si Bryan?" Excited na sabi ni Chloe, natuwa naman si Pat at nakipag-apir.

"Wag na" walang ganang sagot ko.

"SIGE NA PLEASE..." sabay nilang sabi. Mukhang 'di nila ako titigilan ah.

"Kayo bahala." Sabi ko nalang. Talo talaga ako sakanila.

-

Uwian.

Nakakagutom ang klase kanina, makabili nga muna ng fish ball bago umuwi. 

"Dapat 'di ka kumakain ng street foods, it's bad for your health." Sulpot ni Bryan.

Ba't nandito nanaman siya?!

A Story UntoldKde žijí příběhy. Začni objevovat