Untold 14

37 4 0
                                    

JUNE 2020

M & G Art Gallery,

Maraming magagandang art pieces ang mga nandito.

"Summer, look, parang may pinagkakaguluhan dun yung mga tao..." sabi ni Pat sa'kin.

Nang makarating ako sa harapan ng sculpture, laking gulat ko nang makita ang sirena...

KAMUKHA KO SIYA!

Agad kong tinignan ang label na nakasulat sa ibaba ng artwork, at napaatras ng mabasa ko ang nakasulat dito.

My Summer

Napahawak ako sa pendant na suot ko dahil sa mas malalang kaba na nararamdaman ko ngayon. Babasahin ko palang kung sino ang may likha ng sculpture ng may biglang nagsalita mula sa aking likuran.

"Hello Sam!"

Para akong naistatwa ng marinig ko ang isang pamilyar na boses. Dahan-dahan akong lumingon at laking gulat ko ng makita ko si...

Bryan.

"Hi, Bryan! How are you? How long has it been? 6 years?" Natutuwang bati ko.


"Congrats, Sam! You're very successful, ikaw pala ang nagdesign nitong Art Gallery. Pati ang Aling Lumeng's Canteen, hindi nalang basta canteen ngayon. Ang susyal na nga ni Aling Lumeng eh." Natatawang sabi ni Bryan.

"Thank you." Matipid na tugon ko.

"Ah- Sam, gusto ko nga palang mag sorry sa nangyari in the past. I didn't know na ganun ka pala kamahal ng kaibigan ko... nagkausap na rin kami, and we're okay now. In fact, ninong siya ng eldest ko..." sabi ni Bryan sabay senyas sa isang babaeng may akay na bata para lumapit.

Tumingin ako kay Bryan at bumulong nang, "It's all in the past. Forgiven."

Paglapit ng asawa ni Bryan,

"Sam, I want you to meet my wife, Jessica. And my son, Benjamin." Pakilala niya. "Jess, this is Summer, highschool batchmate namin."

"It's nice to finally meet you, Summer! I've heard so much about you." Nakangiting bati ni Jessica.

Naoverwhelm naman ako. Wala akong ibang nasabi kun'di, "Nice to meet you too."

"Mommy, wiwi..." sabi ni Benjamin.

Nagpaalam na sina Bryan para samahan sa restroom si Benjamin.

Nagpunta naman ako sa section ng mga wall paintings at naupo sa isang couch. Habang pinagmamasdan ang mga paintings...

May umupo sa tabi ko at inabutan ako ng long stemmed red rose...

Bigla nalang pumatak ang luha sa aking pisngi at nangingiting tinanong na, "May namulaklak ba ulit sa bakuran niyo?" Sabay lingon kay...

SAMUEL.

Pinunasan ni Samuel ang aking luha at tinanong, "Bakit ka umiiyak, Summer? Malungkot ka ba na nandito ako?"

A Story UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon