Untold 7

36 4 0
                                    

NOVEMBER 2013

Sembreak

Narinig kong pupunta kami mamaya sa sementeryo para dalawin ang mga kamag-anak na namayapa na--sa totoo lang ayokong sumama kila mama sa pagdalaw dahil wala naman akong gagawin dun.

"Nak, nakabihis ka na ba?" Tanong ni mama na abala sa pag aayos ng blouse niya.

"Opo" tipid kong sagot. Nakaplain yellow t-shirt at maong shorts lang ako dahil tinatamad akong mag-ayos.

-

Mabilis kaming nakarating sa sementeryo dahil malapit lang naman ito sa bahay namin. Grabe, hindi ko naman inexpect na ganito kalamok dito. Sana pala nag leggings ako o kaya nag dala ako ng jacket.

Sabi ni mama, mamayang madaling araw pa daw kami uuwi, bored na bored na 'ko dito.

Busy si mama sa mangamusta ng mga kamag-anak namin at busy naman sina papa at Winter mag-ayos ng tent.

-

Malapit nang mag gabi at dahil alam ni Winter na napilitan lang akong sumama dito, hindi siya nag aksaya ng panahon para asarin ako. Ugh. Sana pala hindi na ako sumama. Kainis!

"Wala bang ibang pwede gawin?" Naiinip kong bulong.

"Tara, kwentuhan nalang tayo ng nakakatakot" yaya ng pinsan ko.

"Sus! Duwag naman si ate, tara tayo nalang" mapang-asar na sabi ni Winter na halatang pinipikon ako. Hay nako! Kung hindi lang nakatingin sina mama at papa, kinalbo ko na yan.

"Duwag?! Baka ikaw yun NOEL. Tara, magkwentuhan tayo." Lakas loob kong sabi.

-

Mahigit dalawang oras na rin kaming nagkw-kwentuhan dito. 'Di ko na kayang makinig sa mga kwento nila dahil sobrang nakakatakot talaga ang mga ito.

Napag-isipan kong maglakad-lakad nalang muna dahil sa mga naiisip ko. Puro ghost, tikbalang, white lady, kapre, manananggal, at marami pang ibang nakakatakot ang kwento nila. Yung totoo, saan ba nila nakukuha ang mga storyang yun?!

Sa patuloy kong paglalakad, ramdam na ramdam ko ang mahinang pagkaluskos ng mga dahon sa paligid ko. Totoo kaya yung mga kwento nila? Wag naman sana...

Hindi ko mapigilang mag-imagine nang iba't ibang klase ng mga multo sa bawat paghakbang ng mga paa ko. Sana pala hindi na ako lumayo sa puntod ni lolo--sinubukan kong maglakad pabalik nang biglang may gumulat sa'kin...

"BOOM!" Natatawang sigaw ni Winter.

"AHHH!" Malakas kong sigaw. Ako'y napahawak sa aking pendant at mabilis na tumakbo dahil sa sobrang takot, lagot talaga sa'kin ang Winter na yun!

Habang ako ay tumatakbo, bigla akong may nakabangga. Hindi ko nakita ang itsura niya pero nag sorry ako kaagad dahil baka nasaktan ko siya.

"Sorry, sorry. Tinakot kasi ako nung kapatid ko eh." Hinihingal na pasensya at dahilan ko.

"No worries, Summer." Mahinahong tugon ng isang pamilyar na boses. Mabilis akong tumingin sa mukha niya. OMG. Si Samuel. Anong ginagawa niya dito?! Nandito ba siya para sa'kin? Ugh. Wag ka ngang feeling Summer!

A Story UntoldМесто, где живут истории. Откройте их для себя