Untold 11

24 4 0
                                    

MARCH 2014

Mabilis na nagdaan ang mga araw, 'di ko namalayan March na pala.

Abala ang lahat sa completion ng requirements at pag rereview sa finals.

Hindi ko gaanong nakikita si Bryan, baka sadyang iniiwasan niya ako o abala lang siya sa schoolworks.

Busy rin ako magreview para sa exam dahil candidate ako for valedictorian at gusto kong maging proud sila mama.

-

"Yay- Isang subject nalang tapos na ang pag hihirap natin!" Natutuwang sabi ni Pat.

"Oo nga. Gagraduate na tayo!" Masayang dagdag ni Chloe.

"Yehey—wait lang guys, ibabalik ko lang 'tong book sa library." Paalam ko at naglakad na palabas.

Library,

Paglapit ko sa counter para isauli ang libro, may nahulog na post it mula dito—nang pupulutin ko na, nagulat ako nang may ibang kumuha... si Samuel.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang binasa niya ang nakasulat sa post it...

'Dear Samuel,

I like y—'

"Summer, sa'yo ba 'to?" Pabulong na tanong ni Samuel na mukhang nagulat sa nabasa niya...

Oh no- 'Di ko pala naitapon yung draft ko para sa POST YOUR FEELINGS nung Valentine's Day. Ano nang gagawin ko? Paano ko ieexplain sakanya yung nakasulat sa post it?

"Ah- Samuel, may aaminin ako sayo..." Hindi mapakaling sabi ko.

"P-pasensya na... kailangan ko nang bumalik sa classroom." Pagmamadali ni Samuel.

"Sandali lang..." sabi ko ngunit mabilis siyang nakalabas ng library.

Hinabol ko siya.

Parang may kung anong nag udyok sa'kin para isigaw sa hallway ang mga salitang...

"GUSTO KITA SAMUEL!"

Wala na akong pakialam kung may mga taong nakarinig at kung ano ang iisipin ni Samuel. Ang importante, nasabi ko na ang nararamdaman ko, para akong nabunutan ng tinik sa dibdib.

Napatigil sa paglalakad si Samuel at dahan-dahang lumingon sa akin at marahan niyang binigkas ang pangalan ko. "Summer."

Sa pag aakalang may kasunod pa siyang sasabihin, nagulat ako nang tumalikod siya ulit at dire-diretsong naglakad paalis.

Huh?
Ano yun?
Narinig niya ba 'ko?
Naintindihan niya ba yung sinabi ko?
Bakit siya tumalikod?
Bakit hindi niya ako kinausap?

Napahawak ako sa aking dibdib, para bang may sumaksak dito... Ang gulo-gulo, napakaraming tanong na gusto kong sagutin niya.

Mabuti nalang exempted ako sa huling subject, kung 'di, baka bumagsak ako sa exam—hinintay ko nalang matapos mag exam sina Pat at Chloe. Kailangan ko nang makakausap...

A Story UntoldWhere stories live. Discover now