Untold 9

38 4 1
                                    

JANUARY 2014

After Christmas break, Monday.

4th o last quarter, para bang pinapaalala sa'min nito na malapit na kaming grumaduate. Hindi mag-tatagal, iiwan na namin ang isa't isa.

"Sammy! How're you? Namiss kita!" Masayang bati ni Pat.

"Patricia, I miss you too!" Bati ko sabay yakap kay Pat.

"Uy, 'di pa rin ako makaget-over sa nangyari nung x-mas party ha... 'kala ko niregaluhan ka ni Samuel, yun pala, para sa kaexchange gift niya yun. Tsk!" Medyo inis na singit ni Pat.

Oo nga pala, maling akala lang lahat...

Pero sa'kin niya pa rin naman ibinigay diba? Special pa rin dahil galing naman kay Samuel.

-

Club day.

Ngayon ko lang ulit makikita si Samuel after Christmas break—The past few days kasi, 'di ko siya napapansin, sa totoo lang, feeling ko umiiwas siya—Bakit kaya? May nagawa ba ako?

Club room.

Napansin kong wala pa sina Samuel at Stephanie, kaya naman hindi ko mapigilang magtaka na baka magkasama sila...

"Good day, class! Let's start now dahil may mahalaga pa 'kong ibabalita." Bati ni Ms. Salsedo.

Mahalagang balita? Ano kaya yun? ...nakakacurious pero hindi pa kami pwedeng mag start dahil wala pa si Samuel.

"Miss, wala pa po si Sam—" Sabi ko nang bigla kong marinig ang boses ni Stephanie.

"We're here!" Sigaw ni Stephanie sabay himas sa braso ni Samuel.

Magkasama nga sila... bakit ang sakit sa puso nilang tignan? I want to be happy for them pero paano naman ako? My gosh, NEW YEAR na pero hindi ko pa rin maamin ang totoo!

"Good. Let's start!" Tugon ni Ms. Salsedo.

"Sabi ko nga kanina, may mahalaga akong anunsyo—Bago matapos ang school year, magkakaroon tayo ng stage play na The Little Mermaid." Masayang balita ni Ms. Salsedo.

'Ang The Little Mermaid ay isang pelikulang animasyon na ginawa noong 1989 ng Walt Disney Feature Animation at ipinamahagi ng Walt Disney Pictures. Ito ang ika-28 pelikula sa serye ng Walt Disney Animated Classics.'

"Limitado ang oras natin para mag practice kaya habang maaga-aga pa, let's assign the main roles!" Dagdag pa ni miss.

Dream kong maging bida sa stage play, kaya sana sa'kin mapunta si Ariel... what if pa kung si Samuel ang mag prince Eric! — wish ko na kahit dito man lang, magkatuluyan na kami.

"Ms, I'm volunteering sa Ariel role!" Sabi ni Stephanie na ikinagulat ng lahat. Lalo na ako.

No, no, no! ~

"Are you sure?" Pagkumpirma ni Ms. Salsedo.

"100% sure po, at si Samuel Montenegro po ang gaganap bilang prince Eric" confident na tugon ni Stephanie sabay tingin sa'kin.

A Story UntoldWo Geschichten leben. Entdecke jetzt