Untold 5

49 4 0
                                    

SEPTEMBER 2013

Oplan chica babes starts now!

1. Stephanie
2. Dianne
3. Faye
4. Marie
5. Janine
6. Kate

Sila ang top 6 sa listahan ng OCB, dahil bukod sa sila ang pinakasikat na mga babae sa school, sila rin ang tingin naming malapit kay Samuel...

"Diba si Stephanie yung nagbigay ng cupcakes kay Samuel dati sa hallway?" tanong ni Pat.

"Oo, siya yun, kaya ko rin naman mag bake ng cupcakes 'no... mas masarap pa." Inis na sabi ko. Ba't kasi kailangan pang ipaalala yun?

"Oops, selos si Summer MONTENEGRO" pangaasar ni Pat sa'kin sabay siko.

Montenegro? Ang bilis naman, Pat... pero sige, bagay naman.

"S-Selos!? No way!" pagtanggi ko.

"Don't worry Sam, 'di namin ipagkakalat na MONTENGRO na yung apilyido mo" paningit pa ni Chloe na ikinapula ko sa kilig.

"Girls! Tumigil nga kayo... para mas mapadali ang trabaho natin. Dahil anim yung nasa top list, tig-two tayo ng iimbistigahan." Suggest ko nalang.

"Sa'kin nalang sina Stephanie at Kate!" pangunguna ni Chloe, "mas okay na sa'kin si Stephanie, alam naman kasi natin na medyo inis si Sammy kay Steph" habol pa niya.

Sa'kin napunta sina Faye at Dianne. Kay Pat naman sina Janine at Marie.

Mukhang madadalian naman ako kay Faye dahil naging classmate ko na siya dati. Naaalala ko pa nga nung inagahan kong pumasok, biniro niya ako na kaya ako maaga kasi may inaabangan ako...

Si Dianne naman, bukod sa hindi kami close, nakisingit pa siya sa'min ni Samuel nung nag uusap kami. Can't believe na sisirain niya yung moment namin together, dahil lang nabibigatan siya sa mga dala niya... actually, 'di naman talaga ganun kabigat yun, nagpapapansin lang siya kay Samuel. Tsk!

-

"Look, Sammy! Kanina ka pa tinititigan ni Bryan ba yun? Yung lalaking nakabangga natin nung Buwan ng Wika... haba talaga ng hair mo girl." Pang aasar ni Pat.

"Sus! Hayaan mo siya, wala lang magawa yung mga taong ganyan." Tugon ko.

"Girl, parang lalapit siya..." sabi ni Chloe na ikinagulat ko. Ano daw?

"Hi girls! Kamusta lunch niyo?" Bati ni Bryan na todo makangiti.

"Okay naman!" Sabay na sagot nina Chloe at Pat.

"Ikaw, Summer?" Tanong niya sa'kin.

"Ok." Tipid kong sagot. Close ba kami?

"Um, pwede ko bang makausap si Sam-Summer? Privately." Pagtatanong niya ulit. Wala naman na akong nagawa dahil mukhang mapilit siya.

-

"So... hi, gusto ko sana mag sorry about dun sa nangyari nung August. Gusto lang talaga kitang batiin kasi ang galing mong sumayaw. 'Yoko namang isipin mo na feeling close ako" nahihiyang sabi ni Bryan.

"Ganun ba? Okay lang! Kalimutan mo na yun... by the way, Bryan, pa'no mo ako nakilala?" First year palang kasi batchmates na kami pero never kaming nagpansinan-nakakapagtaka na kilala niya 'ko.

A Story UntoldWhere stories live. Discover now