Untold 10

33 4 0
                                    

FEBRUARY 2014

It's Sunday. Nandito kami ni Pat sa isang gown shop para bumili ng isusuot namin sa nalalapit na prom.

"Gosh. I still can't believe na malapit na mag prom... may partner ka na ba, Sammy?" Sabi ni Pat na abala tumingin ng gowns.

Partner? Kailangan pa ba nun?

Isa lang naman ang gusto kong makapartner... si Samuel.

Naalala ko tuloy ang stage play namin last month, sobrang saya at memorable. Tuwang tuwa pa si Ms. Salsedo dahil napakagaling daw namin--Sinabi niya pang natural ang chemistry namin ni Samuel.

"Huy, Sam, hello~ kanina pa kita kinakausap..." Tawag ni Pat dahilan para matauhan ako.

"Huh?" Kasama ko nga pala si Pat, kung ano-ano nanaman ang iniisip ko!

"Hay naku! Tara na nga, tulungan mo nalang ako mag sukat sa fitting room." Kunwaring inis na si Pat sabay hila sa'kin.

"Summer, nakapili ka na ba ng isusuot mo sa prom?" Tanong ni Pat habang tinitiklop ang damit na sinukat niya.

"Uh, hindi pa, hehe." Tugon ko sabay kamot sa ulo.

"What—" Gulat na sigaw ni Pat, "Bakit wala ka pang napipili?" Dagdag pa niya dahilan para tumingin yung ibang customers ng shop.

"Um—ewan." Pangiti-ngiting sabi ko, "Shh. Ingay mo daw sabi ng customers..." pag-iba ko nang usapan.

"Anong ewan?!" Inis na tanong ni Pat.

"Sorry na Pat..." lambing ko sakanya.

"Sige na nga. Ako na ang bahala sa gown mo... I'll make sure na ikaw ang kokoronahang Prom Queen." Sabi ni Pat sabay akbay sa'kin.

"Naks! Thank you, Patwishuh!" Pang-asar ko.

"It's Pa-tri-cia." Pagtataray ni Pat na ikinatawa ko lang.

[5 and a half hours later]

"Grabe! Nakakapagod mamili nang isusuot sa prom." Sabi ni Pat na mukhang pagod na pagod.

"NAKAKAGUTOM..." sabay naming sabi dahilan para matawa kami.

"Tara, kain muna tayo bago umuwi." Yaya ni Pat sa'kin na ikinatuwa ko.

"Okay! Tama yan. Mamaya ko nalang sasabihan si mama na sunduin tayo." Nakangiting tugon ko.

Mabuti nalang malapit lang sa gown shop ang fast food restaurant na pupuntahan namin. Gutom na gutom na talaga ako!

Ngunit, bago pa man kami makapasok ni Pat sa restaurant, ay may biglang tumawag sa'min...

"Sam! Pat!" Sigaw ni Bryan na kasama si SAMUEL

"Bryan, Samuel, anong ginagawa niyo dito?" Pagtataka ni Pat. Oo nga, anong ginagawa nila dito?

"Nagpatahi kasi kami ng tuxedo, kayo?" Nakangiting sagot ni Bryan. Eto nanaman kami sa pa ngiti-ngiti niya, nakatitig pa siya sa'kin.

"I see, galing kami sa shop malapit dito. Bumili kami ng gowns para sa prom." Tugon ni Pat sabay turo sa shop na pinagbilhan namin ng gowns.

A Story UntoldМесто, где живут истории. Откройте их для себя