Untold 13

29 4 0
                                    

SAMUEL'S JOURNAL

Gamit ko na yung Parker Pen na binigay mo, SAM.

PAGE 8

January 2014,

~ Excited akong papunta sa P.A. Room, dahil alam kong makikita ko nanaman si Summer. Sa tagal ng Christmas break. Namiss ko siya.

Nang makasabay ko si Stephanie sa hallway.

"Saam! Halika sandali." Tawag sa'kin ni Stephanie sabay hawak sa braso ko. "Ikaw ha! May napapansin ako sayo. Dapat last year ko pa itatanong kaso walang pagkakataon. May gusto ka ba kay Summer??"

Biglang nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

"Huh? Paano mo nasabi?" Tanong ko.

"Obvious kaya! Eh naging crush kaya kita noon ng slight, pero may Justin na 'ko ngayon.
Kaya napapansin ko na panay ang tingin mo sakanya... bagay kayo! Bakit 'di mo ligawan?" Tugon niya.

"Hindi pwede eh.. mahabang kwento. Kaya please, wag ka nalang maingay." Sabi ko.

"Ah, gets, gets, sige! Akong bahala. Quiet lang ako" sabay arte na zinipper ang bibig ni Steph.

~ Pag dating namin sa P.A. Room, sinabi ni Ms. Salsedo na may stage play na The Little Mermaid.

Excited ako dahil si Summer ang Assistant Director at ako ang Script Writer, madalas nanaman kaming magkikita. Yes naman!

~ Kami dapat ni Stephanie ang gaganap bilang Ariel at Eric, kaso nagkabulutong siya.

Nadinig yata ng Diyos ang panalangin ko... dahil si Summer na ang papalit bilang Ariel.

~ Sa isang practice namin, 'di ko mapigilang titigan ang mukha niya. Ang ganda niya talaga.

Napansin ko na meron siyang pilikmata sa pisngi kaya dahan dahan kong kinuha ito at pinag wish siya... nag wish rin ako.

Sana iba nalang ang magustuhan ni Bryan.

Habang tinititigan ko siya nang malapitan, napatingin ako sa suot niyang pendant. Matagal ko na kasing napapansin na hinahawakan niya yon sa tuwing nagkikita kami.

Kaya 'di ko napigilang mag tanong... hinahawakan niya yon sa tuwing kinakabahan siya.

Teka lang! Ibig sabihin... kinakabahan siya kapag kasama niya ako? Bakit kaya?

Hindi nanaman ako makatulog nang gabing iyon kakaisip sakanya. Ang saya ko kanina.
Sana matupad ang wish ko.

~ Little MERMAID Stage Play,

Nasa backstage kami ni Summer habang hinihintay matapos yung speech ni Ms. Salsedo.

Pinapakalma ko si Summer dahil kinakabahan siya nang bigla siyang tumayo at matumba dahil sa suot niyang mermaid tail.

Agad ko siyang nilapitan at binuhat dahil tinawag na rin kami sa stage.

Nagulat ako nung tinanong niya ako kung kami na, sinabi ko na "tayo na... sa stage."

A Story UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon