MDFA-Chapter Forty-Two

654 37 0
                                    

First Day

Ezra Sin Angel

I roam my eyes, a lot of gifted are here. Nakabase sa palapag na kinauupuan mo kung anong antas ang meron ka.

Kami, ay nasa pangatlong palapag mula sa pinakataas, ang mga prinsipe at prinsesa ay nasa ikalawang palapag mula sa itass at nasa pinaka taas ang mga guro at namumuno.

"Malabo na maging kagrupo kita" Bulong ni zyon sakin kaya tumango ako.

Masyado talagang malabo na maging magkagrupo kami, merong dalawangpung grupo at sa kada isang grupo ay may labinglimang tao.

Nandito kami ngayon para malaman kung anong numero ang mapupunta sa amin. Merong umiikot na machine bibit ang malaking box kung saan kami bubunot ng numero at inaantay na lang namin na tumapat ito sa amin.

Ilang minuto din ang lumipas at natapos na ang lahat na bumunot.

"I got 13" zyon whisper on me.

"Mine is 7" ismid kong sabi. Wala naman akong kaclose dito para sana makipagpalit, pero mukhang bawal naman yun.

"Who got number 1?" anunsyo ng emcee. "Go downstair and stand here " turo nya sa flatform na umaangat sa gilid nya.

Nag sitayuan na ang mga istudyante. Kasama na dun si ayisha, ang babaeng nakatakda para kay qariel. Nahagip ng mata ko si leyden na bumababa na din at tinutungo ang flatform.  Kasunod nito si qariel na ngingising naglalakad pababa.

Maswerte ang grupo kung may isa o dalawang prinsipe o prinsesa ang naroon, tiyak na makakapunta na kayo sa semi-finals o kaya naman sa finale. Magkakaroon ng medalya at tataas ang rango ng mga gifted na makaabot sa semi finals, kahit na ang prinsepe o prinsesa lang naman talaga ang lumaban.

"Number 7?" I sigh. Hindi muna ako tumayo, dahil tinitignan ko kung sino ang magiging kagrupo ko. Nang marami na ang nasa flatform na may numero ng grupo namin saka ako tumayo.

"Hindi sila pamilyar" bulong sa akin ni zyon. I nodded. Hindi ko alam ang kapangyarihan nila, at sana makaya namin ito.

Nakatungtung na ako sa flatform ng magsalita ang emcee.

"Kulang kayo ng isa" nakataas ang kilay nya.

Nasentro ang atensyon ng lahat sa prinsepe na tumayo na mula doon sa kinauupuan nya sa taas.  Walang emosyon syang bumaba, with his both hands on his pocket of his knee-lenght coat.

Impit na napahiyaw ang ilang babae sa grupo namin samantalang bumubulong naman ang iba na sigurado na ang panalo.

He is the ace. Nung tumayo ako, napansin ko na napaismid sila at napasimangot na parang panibagong pabuhat nanaman ang mapupunta sa grupo nila at wala na silang pag-asa.

Ito ang ikalawang ranking sa taong ito, ang una ay ang panahon na nasa emperyo ako ni zyon.  Kaya malaki ang kailangan naming  habulin. Kung hindi mapupunta kami sa A-class, or the armored class. Ang responsable sa mga armas at baluute. Sila din ang incharge sa pagbabantay ng seguridad ng palasyo at mamahala kung sakaling may digmaan.

The ninth prince standing beside me with his cold aura and usual expression. Shadow Luke Amaston.

---

Natapos na ang pagtawag ng numero at unti unting umaangat ang flatform na kinatutungtungan namin, nasa pinaka baba ang number twenty, pang pito kami kaya nasa taas ang flatform namin.

Kusang naghanap ang kamay ko ng hahawakan para mabalanse ang sarili, hindi sinasadyang napatingin ako sa ibaba. Agad na umikot ang paningin ko pero isang kamay ang humawak sa bewang ko.

Agad akong nag angat ng tingin, did he know me? Did he remember me?

"Fear of heights, mahina ito" rinig kong bulong ng babae sa gilid.

"Nagpakita agad sya ng kahinaan, gagamitin sa kaniya yun ng makakalaban nya. Tsk" agad kong tinanggal ang kamay nya sa bewang ko pero hindi nya ako hinayaan.

"Stay still" malamig ang boses nya.  Rinig ko pa din ang mga bulungan sa gilid ko.

Magka-grupo si zyon at clement, pati na din si ayisha at qariel na magkatabi at nag ngingitian sa isat isa. Nasa number eighteen si smoke at number five kay keith. Samantalang magkasama sa grupo si alex at si chloris.

Nagkalat ang mga prinsipe sa ibat ibang grupo, bagsak na ang balikat ng mga grupo na walang prinsepe o prinsesa man lang. Na parang wala na silang pag asang umangat.

"Now choose your leader" anunsyo ng emcee ng maayos na ang kinatatayuan ng mga flatform.

Nagkaroon ng diskusyon sa bawat grupo kasama na kami. Gumalaw ang flatform at naging pabilog na ito mas malawak keysa kanina, pero dahil lumaki ito, mas umangat ang pwesto namin at nag adjust ang bawat grupo ng pwesto.

Labinglima kami lahat, isa isa ko sila tinignan ng makaikot kami, nakita ko ang isang pamilyar na mukha, sya yung naghagis sa akin ng plastic bottle nung first day ko dito. Sya din yung kanina pa nagpaparinig sa akin.

She keep on glaring at me and I don't care.

Kung usaping leader lang naman, isa lang ang nasa isip ko, the guy beside me. Sa pagkakaalam ko, he was the biggest rival of smoke, dati na syang naging top one, pero naagaw yun ni smoke at hanggang ngayon ay sinusubukan nya pa ding bawiin ang dati nyang titulo.

"I nominate the ninth prince, prince shadow " taas kamay na sabi ng isang lalaking may asul na buhok.

"I nominate, claris" sabi ng isang babae, kita ko ang pagtingin nya sa katabi niya, which is yung nagtapon nga ng bottle sa akin.

"Prince shadow"

"Ill go for prince —" naputol ang pagboto ng isang lalaki ng tumikhim si shadow.

"I nominate the girl beside me" malamig ang boses nya habang nakatingin sa akin "What is your name, lady? "

May kung anong kumurot sa puso ko ng tanungin niya ang pangalan ko, akala ko nakikilala nya ako dahil sa inasta nya kanina.

"Angel. " maiksing sagot ko.

"But, she's just a newbie?" komento nung claris.

"I know she can do it" His flat tone convinced the whole team, or should I say, his voice gave us a shiver on our spine. They get scared.

"Okay, gifted. Now, tell me your leader"  anunsyo nya at naayos na din ang flatform na kinatutungtungan namin.

Nandun pa din ang kamay ni shadow sa bewang ko na parang inaalalayan ako. Lahat ng gifted sa flatform ay parang sanay na sa ganitong galaw kaya prenteng nakatayo sila sa flatform.

Unti unti ng tinawag ang numero ng bawat pangkat upang magpakilala ang pinuno. Naging pinuno ang ilang prinsepe kabilang na si Alex pati na din si leyden. Hanggang sa numero na nga namin ang nabanggit  .

"Ezra Sin Angel Matthew, the head of team seven"

Cruel Fate "Forbidden Power"Where stories live. Discover now