Chapter 5

8 1 0
                                    

"Baby wake up. We are going to visit your kuya now"

Ginising na ako ni mcnhiel. Its already 12:00 noon afterlunch kaming pupunta kina kuya. "Maliligo lang ako, okay?" I just nodded at lumabas na si mcnhiel para maligo. Pumunta na ako sa aking banyo para magsipilyo at maligo. Hindi mawala sa isipan ko ang babaeng nasa panaginip ko hanggang sa matapos ako maligo. That woman makes my mind crazy!

Im wearing a red croptop at black na pantalon. Habang tinitignan ko ang aking sarili sa malaking salamin dito sa aking kwarto. I see myself the woman i saw in my dreams. Parang magkamukha kami. Sayang lang di ko nakita ang kanyang pagmumukha kase blurred yung nasa panaginip ko

Bumaba na ako patungo sa kusina para kumain na ng breakfast+lunch.

"Kumain ka na. Gusto mo subuan kita" kinuha naman ni mcnhiel ang kutsara

"Yang ano mo gusto ko isusubo mo saakin" inagaw ko sa kanya ang kutsara at tumawa ng mahina.

"Ay wow HAHAHA ANG WILD MOOO!" Patuloy ang kanyang pagtawa. Nakatitig lang ako sakanya. Ang pogi niya talaga.

"Para kang baliw ano HAHAHAH!" I chuckled.

"Baliw sayo ayieeeeee" sabay naggesture ng finger heart at tumawa ito ng mahinhin

Inabot ko naman sakanya ang mais na nakapatong sa aming mesa. "Oh ayan mais gaya ng joke mo mais" seryoso kong tugon sakanya at tinapos na kumain.

Tatayo na ako nang bigla siyang tumakbo sa aking harapan. Nainis ako ng bigla niyang pinisil ang aking pisngi. "Para kang siopao" he chuckled

Inirapan ko nalang siya at hinugasan ko nalang ang plato. "Kung nakakamatay lang ang pagtitig, patay na ako dahil sa iyong mga mata" Tumawa siya ng mahinhin.

Di ko na siya pinansin hanggang sa matapos akong maghugas ng mga plato. Ganon naman talaga iisang plato lang ginamit mo pero 10 na plato ang huhugasin mo.

Pumunta na kami sa kotse para makapunta na sa hospital

"Mag motor nalang tayo" sabi ko kay mcnhiel, "yung motor ko ang gagamitin" pagpatuloy ko

"No, yung motor ko nalang" hindi na ako nakipagtalo dahil sa huli motor rin naman niya ang gagamitin. Sinuot ko na ang panda-panda ko na helmet. "Para kang bata HAHAHAH!"

"Bata pa naman ako a" seryoso kong tugon.

"Isip bata"

Pinaandar na niya ang kanyang motor at umalis na kami sa bahay.

"Hoy ayaw ko pang mamatay ano ka ba! Magpreno ka naman! Mahuhulog itong mga fruits!" Sigaw ko sakanya

Tumawa nalang siya at patuloy niyang binilisan ang pagpapatakbo ng kanyang motor. I just smirked and prayed na sana makakarating pa kami sa hospital ng buhay

Nakarating na kami sa parking lot ng hospital i sighed. Hays buti naman at buhay pa kami. Tinanggal ko na ang aking helmet at sinumulang maglakad patungo sa loob ng hospital

"Wait for me hindi mo alam kung anong room ng kuya mo" he smirked

"I can ask you know. Bilisan mo kasi tagal mo. Tatanggalin mo lang naman yan helmet mo!"

Tinignan niya ang kanyang mukha sa side mirror ng kanyang motor at inayos ang kanyang buhok

"Ay nako gwapo ka naman a kahit haggard ka!" I smirked

Pumunta siya saakin at inakbayan ako sabay na hinalikan niya ako sa aking noo. Naramdaman ko nalang ang pag-init ng aking mga pisngi. "You're blushing my love" he chuckled. Kinuha naman niya ang mga bitbit ko na prutas para saaking kuya

It Haunts me with  LoveWhere stories live. Discover now