Chapter 12

10 1 0
                                    

Nagsimula na ang misa. Lutang na lutang ako. Katabi ko sina mcnhiel at manang luisa. Nasa likod naman namin si Jamille.
Pumunta na kami sa harap para kumain ng oscha. Lumuhod na ako at nagsimulang mag pray

Salamat dahil hindi niyo po ako pinabayaan. Sana bantayan niyo po sina kuya thyrie, ate pamela, at ate luhyen. Sana maging okay na rin po si kuya rj. I cant lose him right now. Gusto ko parin pong may kasama akong kapatid.

Tapos na ang misa at magpipicture taking pa raw. Una akong nagpicture with them. Sumunod naman ay pumunta na dito sa harap sina mcnhiel, jamille at manang luisa para narin magpicture. Hanggang aa magpicture kaming lahat na kamag-anak namin. At ang kamag-anak rin nina ate pamela at ate luhyen.

Pumunta na kami sa fields para ilibing ang mga ito. Patuloy ang aking pag-iyak kasabay ng pag-alala sa mga memories naming magkakasama. Noong pumasyal kami sa Ilocos Sur.

Tumabi si Elizia saakin. "Siya lang ang nagtiwala saakin. Bat siya pa ang nawala" niiyak nitonh sabi

Hindi na ako makahinga dahil sa pagtuloy kong pagiyak nang nailibing na sina kuya at ate. Pinunasan ko ang aking mga luha gamit ang aking panyo. Hinawakan naman ni mcnhiel ang aking mga kamay.

Bumalik na kami sa bahay para sa kainan na magaganap ngayon. Wala akong ganang kumain kaya pumunta nalang ako sa aking kwarto para humiga.

"Halika na sa baba. Kain na tayo" sabi ni mcnhiel sa labas ng aking pintuan. Nilock ko kase ito para walang makaistorbo saakin. "Wala akong gana" sabi ko

Buti nalang at kilala ako ni mcnhiel na mabuti. Hindi niya na ako kinulit. Sinimulan ko ng idrawing ang picture namin doon sa pagudpud noong sinurprise namin si ate pamela. Napangiti ako sa alaala na aking iniisip.

Bibisitahin ko na si kuya rj bukas. Nang maramdaman ko na ang gutom bumaba na ako sa kusina at kumuha ng pagkain. Iilan nalang ang tao sa labas.

Nanonood naman si mcnhiel ng movie sa salas. Tumabi ako sakanya at doon kumain. "Anong gusto mong panoorin?" Tanong niya saakin. "Yan nalang maganda daw yan eh" nabigla ako saaking sarili nang bigla akong napangiti. "Sa wakas ngumiti kana alam kong hindi fake yan!" He chuckled

Kinabukasan ay binisita ko ang aking kuya. Ma ooperahan daw siya this friday. Hindi naman daw pwede kung biglaan nilang ooperahin.

"Kuya magpakatatag ka" hinawakan ko ang kanyang kamay.

Unti-unti ko na rin naaccept na wala na talaga si kuya thyrie. Pagkatapos kong bumisita kay kuya rj. Pumunta naman ako sa bahay nina ate pamela para bisitahin ang kanyang ama.

Pumunta ako sa harap at tinignan ang mukha ng tatay ni ate pamela. Magkamukha sila ni ate luhyen. Ang kamukha naman ni ate pamela ay ang kanyang morena na ina.

Umuwi naman na ako sa bahay para kumuha ng damit at pagkain dahil doon kami ni mcnhiel sa hospital matutulog dahil babantayan namin si kuya. Ginamit namin ang montero ni kuya thyrie papuntang hospital buti nalang at marunong magdrive si mcnhiel ng 4 wheels.

Nakarating na kami sa hospital. Kinuha ko na ang aming mga gamit at si mcnhiel naman ay kinuha ang mga pagkain na dala namin.

Nasa elevator na kami. Pinindot ko ang thirdfloor dahil doon ang kwarto ng aking kuya. Bumukas ang elevator at pumunta na kami sa kwarto ni kuya

Maganda ang kanyang kwarto mas maliit lamang ito  kesa sa kwarto ni kuya thyrie noon at mas malamig rin ang aircon dito. Pumunta na ako sa Cr para magpalit ng pangtulog.

Dumating na ang biyernes at maooperahan na si kuya. Umuwi naman muna si mcnhiel para bumisita sa kanyang tita. Maghintay lamang ako sa waiting area ng Operation room and praying na sana successful ang operation.

It Haunts me with  LoveWhere stories live. Discover now