Chapter 22

7 2 0
                                    

Nakadating na kami rito sa Hospital. Buti nalang at napilit ko itong si Jamille. Si mcnhiel naman ay nagderetso na sa kanyang office. Pumunta kami agad sa kwarto ni Paul. Natutulog ito.

"I want to stay" nabigla ako sa sinabi ni Jamille. 'Ayaw mo kanina tapos i want to stay?' Hays! Tumango nalang ako sakanya.

Umalis na ako sa kwarto ni Paul at tumungo sa Cafeteria para magkape. Katabi ko ang malaking glass of window kaya kitang kita ko ang ulap. Parang uulan. Hindi yata ako matutuloy papuntang pangasinan.

Ininom ko na ang natirang kape ko para tignan na ang aking mga pasyente. Habang papunta ako sa isa kong pasyente may nakasalubong akong matanda.

"Lola saan po kayo pupunta?" Tanong ko sakanya. Si lola Melling. "Kayo po pala iyan. Saan po kayo pupunta?" Ngumiti ito saakin.

"Gusto ko lang magpahangin. Gusto mo ba akong samahan?" Tanong niya saakin. Inalalayan ko naman siya at pumunta kami sa garden ng hospital.

Pagkapasok namin sa Garden. The orchids caught her eyes. Hindi naman ako at nagsalita at tinignan na lamang ang mga halaman. 

"Upo na tayo apo" sabi nito at umupo naman kami sa metal na upuan. "Ang ganda ng ulap, kahit parang aaktang uulan ito" sabi niya. Nakatitig naman ako sa mga ulap. Lumalakas na rin ang hangin. 

"Kamusta na kayo ni Mcnhiel apo?" Tanong niya saakin. "Okay naman po" sagot ko sakanya. Narinig kong huminga ito ng malalim saka tinignan ako.

"Eh si Honorio? Musta na?" Tanong niya ulit saakin. "Okay naman po si lolo. I was about to visit him today pero parang uulan nga po eh"

"Siya ang una kong minahal" so they were lovers before? "Pero iniwan ko siya" napahawak ito sa kanyang bibig. Ang isa niyang kamay ay hinawakan ako. Humarap naman ako sakanya at hinawakan rin ang kanyang kamay.

"Wala ka bang kaalam-alam apo?" Tanong nito saakim. Hindi ako sumagot. "Sa palagay ko may alam ka pero hindi ka sigurado" binitawan na niya ang aking kamay.

"Iniwan mo ba si lolo, dahil pinatay niya ang ina ni Elizia?" Tanong ko sakanya at tumingin ako sa mga halaman. "Ina lang ba ni Elizia ang pinatay niya apo, si Elizia lang ba?"

Sino pa?

Hindi kaya—

"Mukhang uulan na" sabi nito at aaktang tatayo ito ngunit hinawakan ko ang kanyang kamay para pigilan ito. "Please pakiusap, just tell me" Umupo muli ito at hinawakan ang aking buhok.

"Iniwan ko ang lolo mo dahil may pinatay siya. Ang mas malala. Mga kamag-anak ko pa" nakikita ko sa kanyang mata ang mga luha na gustong tumulo pero pinipigilan niya.

"Make the story short. Alam ko na po ang mga iyan sabi ko sakanya" sabi ko sakanya.

"kayo ni Elizia ay magkapatid sa ama"

Pagkasabi niya iyon. Tumulo na aking mga luha kasabay ng pagbasak ng mga ulan. "Umuulan na, pasok na tayo" sabi niya saakin. Tumayo naman ito. Naiwan akong nakatulala, gulong-gulo ang aking isipan. Alam kong may isa pa akong hindi nalalaman. I can feel it. Dinidinig ko lamang ang malakas na pagbagsak ng mga ulan sa lupa.

Alam niya

Alam ni Elizia na magkapatid kami in the firstplace.

At bigla kong naalala ang aking mga kuya.

Elizia cant kill her own brothers.

patuloy ang pagtulo ng aking mga luha. Kinuha ko naman ang aking aking punas sa aking bulsa para pagpunas sa aking luha. Inipit ko ang aking buhok sa aking tenga.

Pumasol naman na ako sa Hospital. Gulong-gulo ang mga tao. Nagtanong ako sa isang nurse kung ano ang nangyayari. Dalawang pasyente daw ang critical. May isang pasyente naman ang papunta sa ICU.

"No hindi, hindi pwede" tumakbo ako papunta sa pasyente. "You have to live more lola melling please please" iyak na iyak kong sabi. "Hindi, hindi kailangan. Ikaw dapat" sabi nito saakin. At pumasok na siya sa ICU.

Habang nasa harap ako ng ICU. May tumawag sa aking isang nurse. "Doc Si Sir paul ayaw niya pong pumunta sa ICU" hindi ko na sinagot ang nurse at tumakbo na ako sa kwarto ni Paul.

Ngayon ko lang nakita si Jamille na umiyak ng matindi. "Where have you been?, your phone is busy" tanong saakin ni Mcnhiel.

Nakatingin parin ako kina Paul at Jamille. Hinawakan ni Paul ang pisngi nito. Habang umiiyak naman ng matindi si Jamille. Pinalabas ko naman ang mga nurse ay lumabas naman ang mga ito.

May kinuha naman si Paul sa katabi niyang drawer. Is a box. Binuksan niya ito, at ang nasa loob nito ay isang necklace na may small cresent moon and a wedding ring on it.  Tumigil naman sa paghikbi si Jamille at pinunasan ito ang sarili niyang luha. Dumating na rin Alexyia.

"For you, ibibigay ko sa iyo ito. Malapit na akong mamatay" sabi ni paul kay Jamille. "No, no!" Sigaw naman ni Jamille kay Paul. Umiiyak na rin si Alexyia. Sinuot naman ni Paul ang necklace kay Jamille.

"Sa susunod na buhay, hahanapin agad kita. Sa susunod na buhay, magsasama tayong matagal. I will marry you and make you happy. But for now, find a man that will love you. Build a memories with him. Be happy with him" hinalikan niya ang noo ni Jamille.

"I want to kiss you on your lips, but reserve that for your love one" pagkasabi nito ni Paul at agad naman hinalikan ni jamille si Paul sa kanyang Lips. "I love you, forget me so that you will be happy" hinawakan niya ang kamay ni jamille.

"I'm going now" lumakas ang iyak ni Jamille. Nakapikit na ang kanyang mata. Mga mata na hindi na muli bubukas. Agad naman na niyakap ni Alexyia si Jamille. Pumasok na rin ang mga co-doctors ko.

Lalabas na sa ako, ngunit bumungad ang isang nurse nanaman sa aking harap. "Doc may tumatawag po sainyo. Tatawag nalang po daw siya sa Office niya. Emergency po daw" sabi nito. Pumunta naman na agad ako sa aking office.

Sinagot ko naman agad ang tawag. "Hello who is this?

"Hello is this Honorio's granddaughter?" Tanong nito saakin

"Yes" sabi ko.

"Im her doctor. Im sorry. Come to Pangasinan quickly"

"Why what happened?"

"Patay na siya"

Patay na

Wala ng natira.

Isa isa ng namamatay ang mga mahal ko sa buhay.

Hindi ko na alam ang aking gagawin.

Napaupo nalang ako sa sahig. Hindi maiproseso ang mga nangyayari ngayon sa aking isip. If this is just a dream, please wake me up.

Naririnig ko nalang sa labas na patay na daw si Lola Melling. Hindi ko na alam ang aking gagawin. Hindi ba ako mabuti? Karma ba ng lolo ko ito? At saakin pa talaga napunta?

Narinig kong nagbukas ang pintuan. Si Mcnhiel. Itinayo niya ako. "Whats wrong?" Nagaalalang tanong niya saakin. Hindi ako sumagot at bigla bigla nalang—

Everything went dark

Nagising na ako. Tumingin naman ako sa bintana. Tapos na ang malakas na ulan. Fuck bat nasa bahay ako ni Mcnhiel ngayon.

Aaktang tatayo na sana ako, "sleep and rest" sabi ni Mcnhiel. "What happened? Tanong ko sakanya. "Nahimatay ka, over worked ka daw masyado" sabi nito habang nagdradrawing ng Blueprints.

"Tulog ka na muna" sabi niya. Pinikit ko naman na aking mga mata saka natulog

It Haunts me with  LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora