Chapter 10

12 1 0
                                    


Masayang kumakain ang mga tao. Ang mga bata ay naglalaro ng lupa. Marami na ring gifts ang nasa harap kaya busy na busy ang made of honor. Pagkatapos nilang kumain, nagsayawan naman na sila. "Sayaw tayo?" Tanong ni mcnhiel saakin. "Ayoko kakain pa ako eh" sabi ko sakanya.

Kumuha naman si Jamille nang aming pagkain. Pagkadating niya dito sa aming table nagulat nalang ako dahil sa mga dala niya. Kumuha siya ng salad, rice, lechon at steak. "Bat ang dami mong kinuha?" Tanong ko sakanya habang kumukuha ako ng rice at lechon. "Para sayo yan! Ang lakas mong kumain ngayon a! On period ba? Time of the month?" Inis na tanong nito saakin. "Hindi baka bukas oo!" Sabi ko naman sakanya. Tumawa nalang si Mcnhiel at kumuha na rin siya ng salad

Habang sumasayaw ang newly wed maraming nagbibigay ng pera sakanya. Nandito rin ang mga Governor at Mayor dito sa kasalan. Pati na rin ang mga matatanda ay nakisayaw na rin. Hinahatak panga kami ni Mcnhiel para sumayaw pero kumakain palang kami. Ininvite ko din ang mga tita at pinsan ni mcnhiel ngunit hindi sila nakadalo dahil pupunta sila patungo sa Pangasinan.

Ihahagis na ng bride ang kanyang bouquet. Pumunta naman sa harap sina ate paloma, thalia, luhyen, at marami pa, kasama na rin ang aming mga yaya. Nasa isip ko parin kung bakit wala dito si Elizia. Ayaw niya ba ng kasal? Nagkasal ba noon ito ngunit hindi natuloy? Ayts!

Nasalo naman ng isang babae ang bouquet. Ow so it means siya ang next na magkakasal. Patuloy naman ang pagtagay ni kuya rj ng mga wine. Lasinggero! Hays buti nalang at malakas ang kanyang alcohol tolerance kaya hindi ito agad nalalasing. Uupo na sana si Ang newly wed sa kanilang upuan nang biglang may nagpaputok ng baril.

Hinawakan naman ni mcnhiel ang aking mga kamay. Nagaalala ito. "Stay with me and you'll be safe no matter what happen. Stay with me love". Nababalutan nanaman ako ng takot at kaba. Bumibilis ang tibok ng aking puso dahil sa kaba ng aking nararamdaman ngayon.

Tumingin naman kami sa aming paligid kung sino ang nagpaputok ng baril. Maraming pulis ang nasa paligid namin. Isang putok ng bala nanaman ang aming narinig at nagtungo ito sa puso ni ate pamela. Binaril naman ng mga pulis kung saan nanggaling ang baril

"The newly wed!!" Sigaw ng mga tao sinalo naman agad ni kuya thyrie ang kanyang asawa dahil babagsak ito. Tumawag naman ng ambulance si kuya rj. Ang mga bata ay puno na ng takot niyayakap ito ng kanilang parents. Napatingin naman ako kay ate pamela. "Dalhin niyo na siya sa hospital!" Sabi ni ate luhyen. Hawak-hawak ni kuya thyrie. Naiiyak ito habang nakikitang dumudugo ang kanyang asawa. Nang binubuhat na ni kuya thyrie si ate pamela patungo sa ambulance. Pumutok ang baril sa likod ni kuya thyrie dahil nang pagbasak nito. "No it cant be" naiiyak kong sabi, niyakap ako nang mahigpit ni mcnhiel at nagtago naman na kami sa baba ng table kasama si jamille. I cant breathe, ang tanging alam ko nalang ay ang umiyak. Nagtago na ang mga tao sa baba ng kani-kanilang table. Tutulungan na sana ni kuya rj ang mga nurses na buhatin sina kuya thyrie ng isang baril nanaman ang tumama sa kanyang ulo. Pinagbabaril na ng pulis kung saan nagmumula ang mga baril.

Nakatayo lamang si ate luhyen sa harap. Nanginginig ang kanyang mga paa habang tinitignan si kuya rj na papasok sa ambulance. Nang tignan ko siya ulet. Nakahiga na ito at puno na ng dugo ang kanyang gown, "baby stay with me, stay. Do what i command" sabi ni mcnhiel saakin. I just nodded hindi ako makapagsalita dahil sa sakit ng aking nararamdaman.

Pinauwi na ng ibang pulis ang mga bisita. At yung mga iba naman ay pumunta sa pwesto ng namamaril. I wondered who is she? Or he? Sino ba ang bumabaril?

Nakadating na ako sa hospital, nasa ER ang aking mga kuya at ate. Pagkapasok ko sa Er hinarangan na ako ng Doctor. "Where's my kuya's?"naiiyak kong sabi. Habanh si mcnhiel naman ay nakaakbay saakin. " im sorry ms. Castro but Thyrie, Pamela at Luhyen are—" lungkot na sabi nito

"No i cant be!" Sigaw ko sakanya at hinatak ko ang kanyang lab gown, "buhay sila hindi ba? Buhay sila hindi ba!" Sigaw ko sakanya habang ako ay iyak na ng iyak. Wala na akong makita dahil sa mga iyak na cinoconsume ng aking mga mata. Hinatak naman ako ni mcnhiel papunta sa kanyang at niyakap niya ako ng mahigpit. Ang mga ayaw kong marinig na salita ay binitaw na ng Doctor. "They are dead, death on arrival. Si kuya Rj lang ang nagiging stable ang kanyang condition ngunit dapat kakailanganin, matanggal ang bala sa kanyang utak. Dahil pag hindi mamatay rin siya"

Parang nabagsakan ako ng mainit na tubig. Nanginginig ang aking katawan. Wala akong masabi kahit isang salita. Sino ba kaaway ng mga kuya ko? Bat parang may atraso sila. Oh kaya siya rin ang pumatay sa aking mga magulang?.Nawala na ang aming mga parents. Hindi ko kakayanin kung pati sila mawawala. Dumating na rin ang ama ni ate Pamela. Nagkahighblood ito dahil sa kanyang pag-iyak.  Cinover na nila ng puting cloth sina kuya thyrie, ate pamela, ate luhyen. Hindi manlang ako nakita ni kuya thyrie na maging isang doctor. Tinignan ko si Kuya Rj sa kanyang room, maraming machines ang nasa paligid niya. "Please kuya dapat kang mabuhay. Kailangan kita" naiiyak kong sabi.

Bumalik naman ako sa waiting area sa labas ng Emergency Room at nakita ko si Mcnhiel na nakaupo doon at tinigtignan ang langit. Tumabi ako sakanya at inakbayan niya naman ako

"Look at the sky when you miss them and imagine nasa tabi mo sila" sabi niya. Maganda ang buwan at maraming stars ang visible ngayong gabi. Masaya na sila sa langit. Magkakasama na sila nina papa at mama.

Pumunta naman kami ni Mcnhiel dito sa chapel ng hospital at lumuhod para magdasal

Please lord huwag niyo muna kunin si kuya rj. Kailangan ko pa siya dito sa mundo. Marami pa siya kailangang gawin. Please

It Haunts me with  LoveWhere stories live. Discover now