Chapter 11

9 2 0
                                    

  "Condolence, may their soul rest in peace" yan lang ang tangi kong naririnig maghapon. Nakabalot sa akin ang lungkot. Si manang luisa naman ay umiiyak sa harap ng mga kabaong. "Thyrie apo napakabuti mo" iyak na sabi nito. Niyakap nalang siya ng mga kamag-anak niya. Ang tatay ni ate pamela at si kuya rj ay nasa hospital parin.

Nasa tabi ko lang si Mcnhiel at Jamille. Ang aming mga yaya naman ay nagdala na ng pagkain para dito sa Chapel. Maraming tao ang dumalo. Ang mga ka co-doctors nina kuya thyrie at ate pamela. Ang aming relatives at relatives rin nina ate pamela at ate luhyen. Nandito rin ang kanilang friends na umiiyak sa harapan nila.

Walang luha ang lumalabas sa aking mata cause im already crying inside. Diko na alam ang gagawin ko kung pati si kuya rj ay mawawala. Hinawakan naman ni mcnhiel ang aking kamay ag minasahe ito.

Ang mga pagkain na dinala naman ng aming yaya ang idinistirbute naman ni Mcnhiel at Jamille ito sa mga bisita. Pumunta sa aking tabi si Ylanna, pinsan ko

"Kamusta ka ghorl?" tanong niya saakin. Kamusta nga ba ako? Hindi ako nagsalita dahil wala rin naman akong masabi. "Uy tinatanong kita kamusta ka?" Tanong niya ulit

"Look at me, am i okay? Do not ask dum questions like that to me. Sinong tanga ang aamin na hindi sila okay?" Sarcastic kong tanong sakanya. Hindi na siga sumagot dahil parang gets niya rin naman na. Na wala akong balak makipagchikahan sa mga tao.

Patuloy parin ang pag-iyak ni manang luisa sa harap. Ang sakit! Ang sakit mawalan ng mahal sa buhay. Kakalipas lang ng 1 year ang aming mga magulang sumunod naman siya. May tumulo na luha sa aking pisngi at pinunasan ko naman iyon gamit ang aking darili.

Lumipas ang ilang oras, hating-gabi na. Nagsi-uwian na ang mga tao, pati narin si Jamille ay umuwi na sakanilang bahay dahil mapapagalitan ito. Bumalik naman na sa aming bahay ang aming katulong. Kami nalang nina manang luisa, ang kanyang kamag-anak na si Fatima, si mcnhiel at ako.

Tumayo ako sa aking upuan at pumunta sa harap ni kuya. Naalala ko lahat ang magagandang alaala namin na magkakapatid. Noong pumunta kami sa disneyland meron palang sina papa at mama kaya masaya kami noon. Yung palagi silang nagaaway ni kuya rj dahil sa pancake kaya binigay ko nalang sa kanila yung pancakes ko para hindi na sila mag-away.

Habang inaalala ko lahat ng aming alaala, dumapo ang aking kamay sa glass ng kanilang kabaong. "Ang gwapo no kuya" umiyak ako at pinilit kong ngumiti.

Napansin yata ni mcnhiel na umiiyak na ako kaya pumunta siya saakin at niyakap ako. "Baby im here, punta tayo sa labas at makapagpahinga" sabi naman niya.

Hinawakan niya ang aking mga kamay at hinatak niya ako palabas sa chapel. Umupo kami sa may swing at tinignan ang mga stars.

"Baby i'm just right here. Tell me all your rants, sabihin mo saakin ang mga gusto mong ilabas na salita. Im here, i wont leave you" nang bitawan niya ang mga salita na iyon. Napaiyak ako dahil sa sakit na aking nararamdaman. Hinawakan niya ang aking kamay at pinusan ang mga luha na tumutulo sa aking pisngi. "Tell me, maybe sa pagsasabi mo saakin it will lessen the pain. Trust me"

"Bat kailangan patayin? May kasalanan ba kuya ko? Sino ba yung nangpatay sa aking kuya? Kasabwat ba ng pulis kaya hindi nila makita kung sino?" Wala na akong makita dahil sa mga luha na lumalabas sa aking mata. "Ano ba kasalanan ng kuya ko?!" Sigaw ko at napaiyak ng malakas dahil sa sakit ng aking nararamdaman. Niyakap ako ni mcnhiel nang mahigpit.

Last day na nina kuya thyrie, ate pamela at ate luhyen. Pumunta muna si Mcnhiel sa bahay para paghandaan ang mga pagkain tiyak na maraming tao  ang dadalo. Umuwi na rin ako sa aming bahay para matulog dahil wala akong sapat na tulog sa mga nakaraang araw.

Ginising ako ni mcnhiel sa aking kwarto dahil gagabi na daw at dadating na ang mga musico sa chapel. Nagbihis na ako. Im wearing a simple black vneck tshirt at isang dark blue pants.

Pumunta na ako sa chapel at marami ng tao pagkarating ko dito. Nandito rin ang mga governor at mayor. Nandito narin ulit ang mga katrabaho ni kuya.

Umupo naman ako sa pinakaharap at katabi ko si manang luisa. "Patay na rin daw ang papa nila pamela" sinabi niya iyon habang pinupunasan ang kanyang mata gamit ang tissue. "Maging matatag ka, kailangan mong malakas. Huwag mong hayaan na matatalo ka sa mismong digmaan mo. Huwag mong hayaan na matalo ka nila. Huwag mong hayaan na matalo ka ni tadhana" pagkasabi niya iyon tumulo nanaman ng luha ang aking mga mata. "Kailangan mabuhay si kuya rj manang. Dapat na mabuhay siya" patuloy ang aking pagiyak. Niyakap ako ni manang luisa nang mahigpit at patuloy naman ang pagiyak ng aking mata.

Dumating na rin ang mga pulis para bantayan ang chapel incase na mangyari nanaman yung nangyari sa kasal noon.

Kumuha ako ng mainit na tubig sa dispenser at nagtimpla ng kape. "Dahan dahan lang sa pagkakape. Baka hindi ka makahinga mamaya" pagbabanta saakin ni mcnhiel. Tinimpla ko na ang aking kape at ininom ito. "Ahh!" napaso ang aking dila dahil sa init ng tubig. Blinow ko naman ang aking kape para medyo lumamig ito.

Gabi na, at nandito na ang mga musikero. Nagsimula na silang kumanta. Ang mga bisita naman ay pumupunta sa harap ng kabaong para tignan ang mga mukha ng mga patay. Wala ng luha ang lumalabas sa aking mata. Ubos na yata ang tubig nito dahil aa kakaiyak ko noon.

Hinanda na nila ang mga pagkain at binigay ito sa mga bisita. Tinignan ko si Elizia. Hindi ko mabasa ang kanyang mga mata ngayon. Kasayahan ba ang kanyang nararamdaman o kalungkutan?

Nandito na rin ang mga tita at pinsan ni mcnhiel. "Condolence iha" sabi ng kanyang tita. Pinilit kong ngumiti sakanila. Tumabi naman si jamille saakin. "Bisitahin mo na yung isa mong kuya bukas" sabi ni jamille saakin at tinignan ako nito. "Hindi ko pa kakayanin bukas. Baka sa nextweek nalang tutal ninong naman niya na ang nanggagamot sakanya" walang emosyon na sambit ko sakanya.

Kumain na rin ako ng miki dahil gutom na gutom na ako. Magtitimpla na sana nanaman ako ng kape ngunit baka hindi talaga ako makakahinga mamaya.

Tumabi sa akin ang isang pulis. Sininyasan naman niya si Jamille na umalis muna at kami ay maguusap.

"Ano po yun?" Tanong ko sakanya. Ang kanyang  mata ay nakatingin kina kuya

"Be safe nandito siya. Hindi lang natin alam na siya pala" banta nito saakin na pinalibot nanaman ako ng nerbyos at takot. Nanatiling ang kanyang mata ay nanatili kina kuya.

I need to protect myself

It Haunts me with  LoveWhere stories live. Discover now