Chapter 24

10 1 0
                                    

Nandito ulit ako sa Chapel ni lolo. Kakatapos lang ng duty ko ngayon. Marami paring bisita hanggang ngayon.

Tinitignan ko saaking cellphone ang picture nilang magkakaibigan. I'm sure may alam dito si Elizia.

Sumagip sa isip ko ang sinabi ni Attorney Bea. Maybe its not Elizia? Maybe, no it cant be hanz. It cant be him.

Mcnhiel cant accept na magkapatid sila Ni Elizia. So ako, kapatid ko si Elizia sa ama, at si Mcnhiel naman kapatid niya si Elizia sa ina?

Ang hirap intindihin ang mga nangyayari ngayon. Dumating naman si Jamille, tumabi siya saakin. Singkit na singkit na red na ang kanyang mata dahil sa iyak. Suot niya parin ang binigay ni Paul sakanya.

"So anong balak mo?" Sabi ko sakanya. "Di ko alam kung susundin ko ba ang gusto ni paul" sabi niya. May tumulo na luha nanaman sa kanyang pisngi. Pinunasan naman niya iyon agad.

"Baka kung hindi ko susundin mumultuhan ako non" fake laugh, dying inside. Ngumiti naman ako sakanya. Inakbayan ko siya saka niyakap. Pagkayakap ko sakanya. Umiyak siya nga matindi. Niyakap niya rin ako.

"Sana maibalik ko lahat, kung maibabalik ko lang sana, sana masaya na tayo ngayon" she said it between her tears.

"You have to move on" sabi ko sakanya. "Everyone leaves, so you need to learn being independent" i continue.

Humiwalay na ako sa yakap. Kumuha naman na ako ng tubig. Pinunasan naman niya ang kanyang mga luha. Ininom niya rin naman ang binigay kong tubig sakanya. Tumayo na siya para tignan si Lolo.

Nang tapos na siyang tignan si lolo, tumabi naman ulit siya saakin. "Ikaw okay ka lang?" Tanong niya saakin. Tumango naman ako at ngumiti sakanya.

"Kape tayo?" Tanong ko sakanya. "Pagtimplahan mo ako?" Sabi niya saakin at tumawa ito ng mahinhin. "Oo" sabi ko sakanya. Nagtimpla naman na ako ng kape. Kumuha na rin ako ng mga tinapay.

"Oh 'yan kape mo oh" sabi ko sakanya saka ko inabot sakanya ang kanyang tinapay at kape. Dumating na rin naman si Alexyia.

"Kuha ka ng kape doon" sabi ni Jamille sakanya. "Kuha ka narin ng tinapay" sabi ko sakanya. Umirap naman siya at kumuha ng kape. Kumagat na ako sa aking tinapay.

Tumabi na saakin si Alexyia. "Kailan kaya ako magkakalovelife?" Tanong niya. "Hindi ko alam" sabi namin ni Jamille

"May gwapong ka co-doctor si Katrina. Dr. Salve" sabi ni Jamille. Hindi sumagot si Alexyia.

"Oh bakit?" Tanong ko sakanya. Uminom muna siya sakanyang kape saka sumagot. "Ex ko iyon ih" ahhh ex pala aa.

"Uso naman comeback ghorl. Ghorl marupok ko diba? Sige na push mo na yun. Ang gwapo no, black na black ang kamyang hair. Umiigting panga. Omayghad!" Sabi ni Jamille

"Tsk dami mong alam" sabi ni Alexyia.

Tumawa naman kami ni Jamille. Hays marupokness talaga si Alexyia! Inibos ko na ang natira kong kape.

Pumunta naman ako sa hospital iniwan ko sila Jamille at Alexyia. Manonood nalang daw sila ng K-Drama. Kdrama is life!

Pagkarating ko sa Hospital. Sinalubong ako ng isang nurse. "Doc meron na yung invitation sa Lingo na po daw yung kasal, omg!" Sayang sabi nito saakin. Sa linggo? Yung case ni Elizia. Sa linggo yung trial.

"Sige, punta lang ako sa Office ko" sabi ko sakanya. Pumunta na ako sa aking Office. Inayos ko na ang aking table. Mag seseminar pa kami sa June kaya busy busy ngayon ang mga doctor.

"Kuhanan mo na siya ng timbang at height" sabi ko sa isang nurse. Marami parin akong ginagawa ngayon kahit gabi na. Kitang-kita mo na sa mga ibang doctor ang kanilang pagod.

Nang nakuha na ng nurse ang timbang ng babae. Binigyan ko naman siya ng mga gamot.

"Thanks Doc!" Sabi nito saakin. Ngumiti naman ako sakanya. Tinanggal ko na ang aking Lab Gown dahil uuwi narin naman ako. Inayos ko na ang aking lamesa. Full charge na rin ang phone ko kaya tinanggal ko na ito.

"Bye doc!" Sabi ng nakasulubong kong nurse. "Bye!" Sagot ko sakanya ang tuluyan ng umalis sa Hospital.

Pagkarating ko sa Parking Lot, binuksan ko naman ang kotse ni kuya thyrie noon. 'Di ko pa nakukuha ang kotse ko sa bahay ni Mcnhiel kaya ito muna ang aking ginamit.

Kinabukasan, pupunta muna ako sa Kulungan para bisitahin si Elizia. Tinawagan ko na rin si Attorney Bea na sumama saakin.

Habang hinihintay namin si Elizia nagsalit si Attorney Bea. "Do you know, Dr. Hanz Salvurez?" Tanong niya saakin. I nodded. "Do you know his lolo?" Tanong nanaman ito saakin

Binuksan ko ang aking Cellphone para ipakita ang picture. "Ito ba?" Turo ko sakanya. "Salvurez", sabi niya at may tinignan siyang papel.

"Sure na ba tayo na si Elizia ang pumatay?" Tanong niya saakin. "Hindi, hindi ako sure. Magkapatid kami. Hindi pwedeng patayin niya ang kanyang mga kapatid" sabi ko sakanya

Bumungad naman na saamin si Elizia. "Anong gusto niyo?" Sarcastikong sabi niya. "Ikaw ba pumatay sa kapatid natin?" Tanong ko sakanya

"Ako nga diba!" Sigaw niya saamin. "May galit ang pamilyang Quevedo dahil sa talino ng mga Castro at ang nanay mo ay mas pinili ang tatay ni Dr. Castro kesa sa tatay ni Dr. Quevedo!" Nabigla ako sa sinabi ni Attorney Bea

"M-may alam k-ka?" Utal kong sabi. "I'm sorry, Quevedo ako. Ngunit gusto bigyan ng hustisya ang magulang mo, i want to do good deeds" sabi niya saakin.

"I promised to myself, papatayin ko si Pamela. Asawa ng kuya thyrie mo, because she chose him over mylove" sabi ni Elizia.

"Magpapakasal sila sa Linggo. Sa araw ng trial mo" sabi ni Attorney Bea. "Kung ikaw ang hindi pumatay? Sino?" Tanong ko sakanya.

"Si Dr. Hanz" sabi ni Attorney bea. "Meron akong mga ebidensya na hindi ikaw ang pumatay"

"I want her to tell the truth to me" turo ko kay Elizia. Hindi ito sumagot saakin. Naiiyak narin ang kanyang mata.

"Si Hanz, ay isang minahal kong tunay" tumulo na ang kanyang luha. I knew it. Hindi niya pinatay ang aming mga kuya. "Thyrie knew from the start na gusto siyang patayin ni Hanz"

"Then why you're taking the fucking blame!" Giit na sigaw ko sakanya.

"Dahil mahal ko siya, but he still chose Pamela. Kapangalan pa niya talaga" hindi na ako sumagot dahil sunod-sunod na siyang umiyak.

"Magpapakasal na sila ng isa niyang pamela. Kahit kailan hindi niya ako pinili. Im just his litte sister. Yun lang naman ako sakanya"

"I want to be with thyrie. Kase siya lang may alam kung ano ako. So i want to die. I'm sorry my sister, i cant be with you now" umiyak na ako, "no you cant, please. I still need you" hinawakan ko ang kanyang kamay.

"Nagrevenge si Hanz para sa kanyang ama dahil hindi ito pinili ng ina natin,  alam mo ba ang mama ni Mcnhiel? Tanong niya saakin. "Siya ang Questin, ang ama niya ay ang Tito ni Hanz. Mcnhiel is Salvurez.

Tristan Mcnhiel Questin Salvurez

It Haunts me with  LoveWhere stories live. Discover now