2

111 7 3
                                    

WENDY

Since freshie days ko, siya ang kauna-unahang crush ko the moment he sang Billionaire by Bruno Mars on the opening program of the university. Nahulog na ang marupok kong heart sa kanya.

Bukod sa magaling siya kumanta, matalino pa! Running for summa cum laude ang kuya niyo! He's actually from Civil Eng. Department, graduating. Malayo nga lang ang building nila sa building ng Accountancy Dept. kaya hindi ko siya nasisilayan.

Active din siya sa mga organization and nagpaparticipate din sa pangmatalinuhang competitions. Yun nga lang sabi nila introvert daw siya kahit may mga kaibigan siya na hindi niya kaugali. Total opposite kamo pero nagagawa siyang patawanin and all.

Bukod pa sa talino at pagkanta, nagperform na rin siya as the main character sa isang play sa campus and believe me, mas lalo akong nagkacrush sakanya. Gwapo na, talented pa. And take note, sobrang matalino pa!

I took a sip on this smoothie at napalunok nang malala. Ang sarap! Napapikit ako habang iniinom yung smoothie. Siya ba gumawa nito? Huhu. Ginagayuma ata ako ng lalaking 'yun. Lumingon ako sa counter para tignan siya pero napansin kong nakatingin din siya sakin. Is he smirking?

Kaloka!

I looked at my watch at mas lalo akong naloka nang makita kong 12:30 na. Dali-dali kong inubos ang cake at smoothie kahit dapat dahan-dahanin lang sa sobrang sarap. Pero dahil nagmamadali ako, binilisan ko nalang pati pagligpit ng mga gamit. Kailangan ko makaabot. Medyo malayo kasi 'tong café na 'to sa building namin at ayokong pumapasok ng ilang minuto nalang bago magstart ang class.

Mabilis akong tumakbo palabas without checking the table. Alam kong lahat nasa bag ko na.

I arrived at my room exactly 10 minutes before the time. Not bad. I thought. Hinalungkat ko ang bag ko para kunin ang aking mini planner at para i-check ang mga dapat kong gawin today. Pero ilang minuto na ako naghahanap at wala pa rin.

Don't tell me... naiwan ko dun? Oh no!

-

Sa loob ng limang oras, hindi ko mapigilang hindi isipin yung mini planner ko. Importante ang mga nakalagay dun kaya hindi pwedeng mawala! Nang magdismiss na ang prof, dali-dali akong tumakbo palabas para puntahan ang café at nagbabakasakaling makuha ko at walang makakita sa pinakatagong pocket nun dahil nandun ang password sa blog account ko.

Nang makarating ako sa café, medyo marami ng customers. 6 PM na rin kasi. Dumiretso ako sa counter para tanungin yung babaeng cashier.

"Miss, have you seen a black mini planner with my name and my picture inside it? My name is Wendy." Desperada kong tanong sakanya. Medyo hinihingal pa ako dahil lakad-takbo ang ginawa ko makarating lang dito.

"Sorry, miss. Wala po. Ngayon palang po shift ko." She replied. I thanked her kahit medyo disappointed ako kasi akala ko mababalik na sakin yung planner. Huhu!

Nilingon ko yung table kanina kung saan ako umupo pero wala ng bakas ng kahit anong kalat o gamit dun.

I sighed. Nakakainis ka, Wendy! Napakaburara mo.

Lumabas na ako ng café at sa hindi inaasahan, nakasalubong ko si Kyungsoo. He's holding my planner! Fuc-

"Are you looking for this? Ito oh, naiwan mo. Madaling-madali ka kanina eh." He handed the planner to me.

"Hala! Thank you po, sunbae!" Kahit sobrang hiya at pula ko ay nagpasalamat pa rin ako. Nang paalis na ako, bigla nalang ulit siya nagsalita na parang binuhusan ako nang malamig na tubig dahil sa sinabi niya.

"Bakit meron kang 1x1 picture ko dyan sa planner mo?"

whipped | wensoo [on-hold]Where stories live. Discover now