5

72 6 0
                                    

WENDY

Napapikit ako nang bumungad sakin ang amoy ng kape. Kaya gustung-gusto ko sa lugar na 'to kasi nakakakalma ng nerves. Kaso dahil sakanya, mukhang minsan nalang ang pagpunta ko. Kailangan ko malaman schedule niya para alam ko kung kalian ko siya iiwasan.

Tss. Stop it, Wendy!

Speaking of him, mabilis kong nasulyapang nandun siya sa counter at nag-eentertain ng customers. Hindi na ako nagbigay pa ng atensyon at umupo na sa usual spot namin sa shop na 'to. Regular customers na kami rito. Minsan pa nga nalilibre kami.

"So ano ang dapat niyong ikwentong dalawa?" Simula ko. Gusto ko agad umuwi kasi nararamdaman ko napapatingin si Kyungsoo sa gawi namin. Ayaw ko naman mag-assume pero kasi simula nang malaman niya napaparanoid na ako na baka jina-judge na niya ako kapag nakikita niya ako. Ang uncomfy!

"Nandito pala si Kyungsoo sunbae. Baka marinig." Bulong ni Yeri.

"Hindi 'yan. Hinaan niyo nalang." Sabi naman ni Irene unnie. Halatang atat sa balita ah.

"Order muna tayo, Ye." Pag-aaya ni Joy kay Yeri. Tumayo ang dalawa at dumiretso sa counter.

"Nga pala, Wendy. Dito pala nagtatrabaho si Kyungsoo sunbae na crush mo." Sabi ni Seulgi na siyang nagpasamid sakin.

"Langya kang babae ka. Yung bibig mo nga!" Nanggagalaiti kong tugon.

"Sorry na. Na-excite lang ako para sayo kasi may free tanaw at sulyap ka."

Hindi ko na nga siya tinitignan eh at baka magkatinginan pa kami at makagawa na naman ako ng kahihiyan.

Binuklat ko ang bago kong mini planner. Napagdesisyunan kong ibahin ang planner ko para makalimutan ko ang kahihiyan na ginawa ko kahit papaano. Tsaka nakatago yung luma kasi hinawakan ni Kyungso- ano ba! Umayos ka.

Dalawang araw nalang pala at midterms na. Sa totoo lang ready na ako, medyo kabado lang at baka mawala ako sa focus dahil sakanya.

"Oo nga pala! Midterms niyo na Seulgi at Wendy. Okay na ba?"

Tumango nalang kami ni Seulgi. Parehas kami ng department at year. Kaso siya kasi medyo busy sa pagpa-practice as head ng Dancing Club. Kaya naman daw niyang pagsabayin.

Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na ang order namin. Alam naman na nila kung ano order kapag magkakasama kami.

"Unnie, ang weird. Nagbigay ng panibagong plate with triple chocolate cake at strawberry smoothie si Kyungsoo sunbae bukod sa order namin." Nagtatakang tanong ni Yeri.

"Tinanong namin kung bakit may ibang nasama. Sabi niya lang ibigay sa future CPA at may magandang boses sa grupo natin 'to. Ikaw lang naman ang tinutukoy niya diba?" Sabat naman ni Joy. Tinignan nila ako lahat na parang may something akong ginawa.

"Ha? Baka si Seulgi tinutukoy." Pag-iiba ko.

"Sus, Wendy. Ikaw lang naman pinakilala sa atin when it comes to singing. Si Seulgi sa pagsasayaw siya kilala." Sabi naman ni Irene unnie habang nakangiti sa akin.

Nanlaki nalang mata ko habang tinitignan yung same na inorder ko kahapon dito sabay tingin sa counter kung nasaan siya. Nakita kong nagpupunas siya sa place niya habang nakatingin din sakin. Ano ibig sabihin nito?

"Uy! Ano 'to ha?" Asar ni Seulgi. Inirapan ko lang siya.

Hindi ko kakainin 'to.

"Ayaw mo ba? Akin nalang." Kukunin niya sana nang unahan ko siya sabay tayo sa inuupuan ko.

"Where are you going?" Irene unnie held my wrist.

"Babalik ko lang."

"What? Baka ma-offend!" Umiling ako at dumiretso sa counter.

Napatingin siya sakin at nagtaas ng kilay sa pagtataka bakit ako naglalakad papunta sakanya bitbit ang binigay niya.

"What are you doing?" He asked.

"Sunbae, we didn't order this po. Balik ko lang." I said saka nilapag yung tray.

"Pinapabigay ko sayo 'yan." He said calmly. How can he act like that? Tapos ako hindi ko mapigilan sarili kong hindi mataranta sa harapan niya.

"Marami na po kaming inorder, sunbae. And hindi ko matatanggap itong galing sayo."

"Tanggapin mo na, Wendy." He looked at me, his eyes seemed serious. "I saw you earlier parang wala ka sa mood and you looked like you haven't slept properly. And I assume it was because of me. I also know na midterms niyo na sa Friday, I just want to treat you knowing regular customer ka rito."

I don't know what to say.

"I baked it myself. Sayang naman kung itatapon ko lang just because you didn't accept it." He said, as if he was targeting my conscience.

I just sighed, "Thanks po rito, sunbae. About yesterday, don't mind it. That was long time ago."

"If you say so." He just shrugged his shoulders.

Nagkatinginan pa kami ng ilang seconds bago ako bumalik sa pwesto namin.

"What's going on between you two?" Joy asked me.

Same, Joy. Hindi ko rin alam anong meron bakit ganitong nangyayari. That mini planner changed everything. 

whipped | wensoo [on-hold]Where stories live. Discover now