14

86 9 10
                                    

WENDY

"What are you talking about?" Halata sa boses ko ang kaba.

"Nabigla ba kita?"

Tiningnan ako nang seryoso ni Kyungsoo habang iniinom ang iced coffee niya. Nagiging awkward na ang situation namin ngayon at sobrang uncomfortable na ng feeling ko.

"You don't have to feel awkward. I'm just overwhelmed with the fact na ang isang tulad mo na kilala sa batch ko ay may gusto sa akin." He said, smiling.

What?

"Okay! I like you since first year ako! I started to admire you since then. But please, drop the subject." Mahina kong tugon. Wala na akong magagawa kundi umamin. Afterall, alam na niyang gusto ko siya.

"Hindi ka ba natakot sa akin?" Tanong niya.

"Bakit ako matatakot?" Sagot ko naman.

"Kasi sabi nila Baekhyun nakakatakot daw ang expressions ko. At sila lang ang ngingitian ko."

"To be honest, isa yan sa naging rason kung bakit nagustuhan kita. Cold ka sa iba pero sa mga kaibigan mo ay nagiging iba ka. Madalas lang kita panoorin sa malayo na makipagkulitan sa friends mo." Sabi ko.

"Bakit hindi mo ako nilapitan noon?"

"Ayaw kong magaya sa mga binasted mo!" Sagot ko at tumawa.

"Bakit naman kita babastedin?"

Bigla akong napatingin sakanya. Anong sinasabi nito?

"What if I tell you that I'm starting to like you na rin?" Sabi niya na nagpalaki ng mata ko.

What the heck?

"Please don't joke around. That's way too impossible, sunbae."

"I know it's hard to believe, Seungwan. Pero the moment you joined our club, you already caught my attention."

Pagtawag palang niya sa totoong pangalan ko ay kinilabutan na ako. At sa iba pa niyang sinabi ay mas lalong nagwala ang puso ko.

"I t-thought..."

"Yeah right. Alam mo namang never pa ako na-issue na may girlfriend right? Hindi rin ako makapaniwala na someone younger than me became one of my interests."

I don't know what to say. Masyadong nagdidiwang ang puso ko sa naririnig ko pero at the same time ay natatakot ako.

"Hindi ko alam kung tama ba 'tong panahon na 'to para sabihin din sayo lahat kasi wala akong masyadong experience sa love. Puro aral lang ginagawa ko. Pero mas maganda nang sabihin ko sayo kaysa sa hindi diba?" Kita ko sa mga mata niya na sincere siya. Nagulat ako nang ipatong niya ang kamay niya sa kamay kong nasa ibabaw ng table.

"Naguguluhan din ako pero sa tuwing nakikita kitang nakangiti, pati ako nahahawa na rin. Sa tuwing naririnig kitang kumanta, parang natutunaw ang puso ko. At nang mabasa ko lahat ng nasa planner mo, biglang nabuo ang araw ko. Tinago ko lang lahat yun."

"S-sunbae..."

"I said drop that sunbae thing. Mas gusto ko pang tawagin mo ako ng baby kahit sobrang cheesy kaysa sa sunbae na yan." Nahihiyang sabi niya at hinawakan ang batok. Kitang-kita ang ngiti niya kahit nakayuko siya.

Hindi ko alam pero parang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha. Saan nakuha ni Kyungsoo ang lahat ng 'to? Sa mga kaibigan niya? Pwes, thank you dahil para akong nakatanggap ng fan service sa idol ko at sobrang kilig na kilig ako.

Kaya siguro parang ang gaan niya kasama. Pero hindi pa rin kasi ako makapaniwala!

"Pakikurot ako please?" Nawawala sa sarili kong pagtanong.

Napa-aray naman ako nang kurutin niya ako sa pisngi at nakita ko siyang tumawa nang mahina.

Nanaginip ata ako eh?

"Hindi ko alam ang sasabihin ko..." Sabi ko habang pinaglalaruan ang straw ng smoothie ko.

"You don't have to say anything. Sinabi ko lang para aware ka, para hindi ka nag-iisa. Kasi gusto ka ng gusto mo." Narinig ko ang tono ng pang-aasar sa boses niya.

"Paano kung sabihin kong hindi na pala kita gusto? Edi ikaw nalang pala may gusto sa atin?" Biro ko. Nakita kong nagulat siya.

At naniwala talaga siya?

"Bakit yung gusto mo na ba yung lalaking nakausap mo sa bar?"

Paano niya nalaman? Oo nga pala, nandoon din sila. Si Taehyung ang tinutukoy niya.

"Bakit? Selos ka?"

Ang kapal na talaga ng mukha ko para tanungin yun. Hindi ko alam pero parang ang comfortable niyang kausap na.

"Medyo. Umalis nga ako agad doon nang nakita kong nagyakap kayo." Sagot nito.

Bakit ang honest niya? Ang transparent niyang tao, mas kinikilig ako!

"Best friend ko lang yun. Ikaw pa rin gusto ko no." Sabi ko sabay higop sa smoothie ko.

Nang sabihin ko yun ay nakita kong napangiti siya. Huwag mo sabihing ganyan siya-

"Ganito ba feeling nang kinikilig?" Umiwas siya ng nang sinabi niya yun at tinakpan ang labi niya gamit ang likod ng kamay niya.

whipped | wensoo [on-hold]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin