3

86 7 2
                                    

WENDY

"Bakit meron kang 1x1 picture ko dyan sa planner mo?" Shit.

Feeling ko pinagpapawisan na ako nang malamig. Bakit pa kasi niya binuklat lahat? Inipit ko na nga 'to yan sa pinakasulok eh. Bakit ko ba kasi hindi chineck yung table kanina bago ako umalis? Pahamak.

Isip, Wendy. Isip. Matalino kang bata. Gamitin mo utak mo ngayon.

"AH! Actually napulot ko lang 'yan sa hallway last month. Ilalagay ko sana sa lost and found kaso nakalimutan ko na rin sa dami ng ginagawa." Sabay ngiting normal. Oo, tama yan. Ang galing ng reason mo. Valid na valid para iipit mo sa planner mo.

Gusto ko nalang din talaga magpakain sakany- I mean sa lupa nga! Enebe.

Tinaasan lang ako ni Kyungsoo ng kilay at bumalik ang tingin niya sa 1x1 niya. Para na akong langgam sa sobrang panliliit ko sa sarili ko. Sana panaginip lang 'to!

"1st year college pa ako rito. Hindi ko alam paano 'to nagkalat sa hallway." Napakibit-balikat nalang ako. Mas lalo lang akong kinabahan.

Nagulat ako nang kinuha niya yung planner sa kamay ko at isinuksok muli yung picture niya. "Sayo na 'yan," sambit nito at binalik ang planner. Napatanga nalang ako sa ginawa niya. Nagkatinginan muna kami bago siya naglakad nang mabilis palayo sakin.

"T-teka... hoy!- I mean sunbae teka lang naman!"

"I'm glad you came into my life. Admiring you is one of the best decisions I've made. Thank you Kyungsoo, for making me happy every time I see you and hear your deep voice."

Nanlaki ang mga mata ko at biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa mga narinig ko. Para akong binagsakan ng mabigat na bato sa ulo sabay binuhusan ng sobrang lamig na tubig.

NABASA NIYA YUNG NAKASULAT SA PLANNER KO TUNGKOL SAKANYA!

Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil ramdam kong pulang-pula na ang mukha ko sa kahihiyan. Napaupo nalang ako sa gilid habang sinasabunutan ang sarili.

Wala na. Alam na niyang gusto ko siya. Mas gusto ko pa naman na tinatanaw-tanaw ko lang yung taong gusto ko at ayaw kong malaman niya na gusto ko siya. Iba kasi sa feeling kapag malaya kang magnakaw ng tingin o sulyap sakanya kasi hindi niya alam na may something ka pala for him. Tipong mas panatag ka kapag ikaw lang pati mga kaibigan mo ang nakakaalam. Pero wala na. Alam na ni Kyungsoo. Anong mukha pa maipapakita ko bukas?

"Tanga ka. Bakit ka pa kasi nagsulat sa ganun. Argh!"

Binuklat kong muli ang planner at hinanap yung page na sinulatan ko ng nakakahiyang message ko sakanya.

"T-teka bakit punit 'to?"

Saka ko lang narealize na ang daming punit sa planner ko.

Lintek! Kinuha niya lahat ng sulat ko para sakanya? May tula pa naman akong ginawa dun! Nakakahiya ka talaga, Seungwan! Nasi-stress na ako!

Parang gusto ko nalang umiyak habang hinahanap yung mga pages na pinagsulatan ko. Bakit niya kinuha? Na-cringe ba siya at pinagtatapon niya? With that thought, it already pained my heart. Rejected ba ako agad?

Hindi naman ako umaasa na magugustuhan niya rin ako. Maraming mas deserving for sure sa batch nila or baka nga may girlfriend na siya at hindi lang niya pinapakita kasi private siyang tao. Masaya na ako na ma-inspire dahil sakanya.

Napatigil ako nang may nakita akong ibang sulat sa last page ng planner ko.

I'll keep all your messages and poems. Para naman may evidences ako na nagkagusto ka sakin. Have a nice day, Wendy.

- DKS

Why are you being like that, Kyungsoo? Kasi the last thing I knew, I was smiling like an idiot while sitting alone on this dirty sidewalk.

whipped | wensoo [on-hold]Where stories live. Discover now