9

71 5 0
                                    

WENDY

Panibagong araw na naman. My classmates and I were talking about the upcoming big event in our university. Sabi nila all of us should participate, hindi ko alam anong pakana ng student government this year. But for sure, students are anticipating for that big event.

"I think lahat ata ng organization and clubs magpapakitang gilas sa araw na 'yon. I heard from a member in Poetry Club na they were up to something for an event. Tinutukoy ata nila yung big event na sinasabi." Mina said.

"Even the athletes are preparing to perform. Anong balak ng Glee Club? Free concert?" Jisoo asked. I shrugged my shoulders. Hindi ko rin alam.

"Maraming ganap niyan! Nakaka-excite." Hanie joined us.

"Wendy! Someone's looking for you!" Sabi ng president naming si Sojin, mukhang kinikilig siya na ewan. "Yung hottie na taga-Glee Club, si Baekhyun sunbae!"

Dahil sa sinabi niya, napatili nang mahina ang mga babae sa room. I rolled my eyes. Super crush nila 'yan si Baekhyun, pati mga kaibigan niya. Buti nalang wala pa akong naririnig na may nagkakagusto rito kay Kyungsoo. Sasabunutan ko talaga.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at dumiretso palabas. Nagbubulung-bulungan na naman ang mga kaklase ko dahil sa kilig kay Baekhyun sunbae.

"Hey! May gathering tayo sa club ngayon. Hindi ka namin na-inform agad kaya ako nalang ang pumunta." He stated once he saw me. "Tara."

I nodded and sinundan siya. Hindi ko alam na may ganun pala kami, baka meeting lang din 'to kasi kasisimula palang. Idi-discuss siguro lahat ng magpeperform.

When we arrived to our own practice room, kaunti pa lang ang naroon. Pero one thing's sure, nandoon si Kyungsoo sunbae.

Oh no. Not again.

Hindi ako nakapagprepare! I forgot kasama rin pala siya rito.

Sinenyasan ako ni Baekhyun sunbae na umupo sa tabi niya and sinunod ko ulit. Then he started talking to me.

"I'm wondering kung magiging ka-duet kita this year." He said, smiling.

I smiled back, "Baka sunbae. Pero kahit ano naman, okay lang."

Nang dumating na ang head ng club namin, nagstart na siya magdiscuss.

"So guys, student government told us na this year we will be having a big event for our Foundation Week." Taeyeon sunbae started.

"Isa ang club natin ang ina-anticipate ng students kasi nandito kayong mga nagpapatili sa mga babae." She laughed, reffering to our good-looking co-members. Even I laughed at her statement too, totoo naman kasi.

"Anyway, I already made a list for the possible performances, solo, duet and even group. In total, we will be having 10-12 performances."

"Our foundation celebration will last for a week. Ang last day ay ang big event. Pero everyday, may magpeperform galing sa atin. Makikipag-collab din tayo sa mga bands dito sa university. Gusto kong maging usap-usapan uli tayo sa event na 'yon just like what we did last year."

"Here's the list. First, Jihyo ikaw sa Day 1. Pick a song na comfortable ka and talagang malalabas mo kakayanan mo. May theme for that day, make sure to take some considerations about it." She said to Jihyo, and the latter nodded.

Sinabi niya lahat ng nakalista. Pero isa lang ang pumasok sa isipan ko.

"For the big event, aside sa group performance natin, may duet din sina Kyungsoo and Wendy. I decided to pair you two dahil soothing and bagay ang boses ninyo. I suggest you na kantahin niyo yung 'Written In The Stars'. Pero it's up to you pa rin." She told us, smiling.

Potek! Bakit sa lahat si Kyungsoo sunbae pa? Pwede namang si Baekhyun sunbae nalang! Nakakaloka. Sabi ko diba lalayo muna ako sakanya para hindi awkward. Pero tignan mo pinaglalapit pa talaga kami.

"Akala ko tayo ang ipe-pair up. Pero okay lang bagay din naman kayo ni Kyungsoo." Sabi nitong katabi ko. Napatingin nalang ako sakanya, nagtataka.

"I mean bagay boses niyo."

Hindi ako sumagot. Hindi pa rin ako makapaniwala.

Napatingin ako kay Kyungsoo at nalaman kong pati siya rin pala ay nakatingin sa akin. Tinuon ko nalang ang atensyon ko kay Taeyeon sunbae na nagdidiscuss pa rin.

"Pwede na kayong magpractice starting today. Ang mga kasali sa club like this ay pwede nang ma-excuse sa classes since tapos na rin ang mga submissions and exams. We're just preparing nalang talaga for the Foundation Week." All of us nodded and she dismissed the meeting. Ang iba ay nagstay para mag-usap samantalang ang iba naman ay bumalik na sa classes nila.

Anong gagawin ko ngayon?

whipped | wensoo [on-hold]Where stories live. Discover now