4

78 5 0
                                    

WENDY

"Son Seungwan. Sikat na sikat ka sa batch niyong juniors, even sa batch naming seniors kilala ka dahil sa talino at sa talent mo when it comes to singing. Ang dami mong napalanuhang contests simula elementary ka. Kilala ang pamilya niyo bilang pugad ng mga magagaling na accountants. Marami ring gustong i-invite ka sa club and org nila. Tapos pinahiya mo sarili mo sa crush mo?" Irene unnie scolded me.

Napabuntong-hininga nalang ako.

"Ewan ko ba. Hindi ko rin aakalain na malalaman niya. Baka alam na ng friends niya yun ngayon."

I decided to tell Irene unnie about what happened yesterday. Hindi ako halos makatulog kagabi. Hindi rin ako nakapagreview nang matiwasay kakaisip sa kahihiyan na ginawa ko. Kapag talaga bumagsak ako sa midterms, kasalanan niya 'to!

"Pero ang weird lang. Kasi marami akong nakitang inignore na admirers niya. Harap-harapan pa kamong nagconfess sakanya or nagbigay ng gifts pero ignored lang. Yung mga kaibigan nalang niya ang nag-entertain sa mga kawawang rejected girls na yun. Hindi siya nagpapakita ng interest sa love kasi malamang graduating na rin siya like me and priority niya ang pag-aaral. Ewan ko rin bakit biglang nag-apply yun as barista eh maayos naman ang status ng family niya." Ani Irene unnie.

Nandito kami ngayon sa garden. Wala na akong class dahil natapos na kaninang morning. Nandito lang talaga ako para magrant kay unnie kasi mababaliw na ako kung hindi ko ilalabas 'to. Ang itim ng eyebags ko ngayon dahil hindi talaga ako nakatulog nang maayos kagabi.

"I-unlike or uncrush ko na siya. Alam na niya eh." I told her. I'll try my best to ignore him.

Huwag lang siyang kakanta dahil baka magbago isip ko.

"Talaga bang kaya mo?"

"Unnie, kakampi ba kita ha?" Tignan mo 'to, tinawanan lang ako.

"Hoy! Anong ginagawa niyo dyan? Kanina pa namin kayo hinahanap?" Napalingon kami nang biglang dumating ang tatlo naming kaibigan.

"Kanina pa kamo kami naghihintay sainyo. Nagtext ako sainyo pati sa gc nagchat ako."

"Eh kasi 'tong si Seulgi unnie hinintay pa namin sa practice room. Lumalandi dun sa kaibigan ng crush mo Wendy unnie." Yeri said. What?

"Hoy, Yeri! Ang kapal mo! Ikaw nga 'tong nakita kong- mmm!" Hindi na natuloy ang sasabihin ni Seulgi dahil tinakpan ang bibig niya. Mukhang tsaa ang ilalabas ni Seulgi sa bunganga niya ah?

"Tara nga sa ReVe Café! Libre ko! Bwiset ka, unnie." Nanggigil na sabi ni Yeri pero kita mong natatawa siya.

ReVe Café? No. Baka nandun siya!

"Pass ako. Magrereview pa ako." Paglulusot ko.

"Unnie, libre na ni Yeri ayaw pa rin?" Ani Joy.

Eh kasi...

"Wendy, huwag kang pahalata. Just ignore it nalang. Kapag hindi ka magpapaepekto, it will slide away na parang walang nangyari." Pagkakalma sakin ni Irene unnie. Kahit kalian talaga siya pinakamaayos kausap sa grupo namin.

I guess, I'll ignore it nalang. Baka mas lalo lang ako asarin kung pinapakita kong naaasar ako.

whipped | wensoo [on-hold]Where stories live. Discover now