10

83 8 0
                                    

WENDY

"Wendy."

Napatingin ako sa pinaggalingan ng boses at tumambad sa akin ang ultimate crush ko.

Taeyeon sunbae, bakit ba ito ang ka-pair ko?

"B-bakit po?" Tanong ko.

Girl! Wag mo naman ipakitang kinakabahan ka!

"Kailan tayo magpa-practice?" Umupo siya sa tabi ko. Umalis na pala si Baekhyun sunbae pagka-dismiss ng meeting. Isa rin ako sa natira.

Pero teka. Practice lang crush, walang tayo.

"Ikaw p-po bahala. Anytime pwede naman." Sagot ko sabay tingin sakanya ng saglit at umiwas din

"Ah sige sabihan mo nalang ako. Tanghali nga pala shift ko sa café . Bakit nga pala hindi ka na nagpupunta dun?"

Hindi ba obvious? Crush naman!

"Nagtatry din po ako sa iba sunbae. Minsan diretso uwi nalang din ako."

"Can you drop that po/opo and sunbae? Isang taon lang din naman pagitan natin, right?"

Tumango nalang ako at hindi na nagsalita. Katahimikan ang bumalot sa amin.

"Naiilang ka pa rin ba because of what happened?" Nagtanong siyang muli.

Bakit ba ang daldal nito ngayon? Ano nakain nito?

"A-ah hindi po, sunbae. Anyway, mauuna na po ako. Babalik na akong classroom. Sabihan na lang kita about sa practice." Sabi ko at dali-dali tumayo para maglakad paalis. Magsasalita pa sana siya kaso nakalabas na ako ng practice room.

Doon lang ako nakahinga nang maluwag. Pinigilan ko pala paghinga ko noong tinanong niya ako about sa nangyari. Jusko! Ang bango bango niya. Lalaking-lalaki ang scent niya pati hininga ang bango rin. Ang lapit niya kasi sa akin kaya amoy na amoy ko.  siya. Yung feels ko!

Para akong lutang na naglalakad sa hallway, yung mga interaction ko with him hindi ko na kinakaya. Parami nang parami! Akala ko dati hanggang sulyap lang ako or what pero ngayon tignan mo nga naman nakakausap ko na siya. Hindi ko alam kung sa alin ako matutuwa eh.

"Oh Wendy! Pulang-pula ka? Bungad sakin ni Jisoo. "Ano nangyari sayo?"

Tumawa lang ako ng peke at sinabing mainit lang sa labas. Hindi nila alam na dahil kinikilig ako sa pag-uusap namin ng ultimate crush ko sa university kaya ako nagkakaganito.

Kinuha ko na ang bag ko at nagpaalam na lalabas na ng classroom. Pwede na raw kasing umuwi sabi nila. Kaya napagdesisyunan kong tawagin ang mga kaibigan ko. Sinabi kong nasa bench ako malapit sa puno sa may main gate. Maya maya pa'y dumating na si Joy at Yeri. Sinundan naman ni Irene unnie at Seulgi.

"Oh girl. Musta ka?" Bati sa akin ni Joy.

"Ito hihimatayin na."

"Anong nangyari? Nagkausap kayo no? Sinasabi ko na nga ba eh." Sabi naman ni Seulgi.

"Magkwento ka naman!" Kantyaw ni Irene unnie sa akin sabay palo sa braso.

Kinuwento ko naman sakanila lahat ng nangyari pati na rin yung scene nung nasa bar kami. Nagsitilian naman sila dahil sa kwento ko at sinabi na ang swerte ko raw dahil finally napansin na ako ng crush ko.

"Teka! Ayun sila oh!" Turo ni Joy sa grupo ng kalalakihan na palabas sa main gate.

Magkakasama na naman sila. Sila Baekhyun sunbae, Kyungsoo sunbae at iba pa nilang kaibigan. Para silang group ng mga gangster. Poging gangsters.

Napansin ko na parang biglang nanahimik ang mga kasama ko. Sila Yeri, Seulgi at Irene unnie.

"Oh anong mayroon sainyo?" Nagtatakang tanong ko sakanila. Para kasi silang ewan na nakangiti na nakayuko o kaya umiiwas ng tingin. Kita mo ring namumula ang mga tenga nila.

"Crush nila yung mga lalaki dyan. Lalo na 'to si Yeri. Yung pinakabata dyan, crush niya."

"H-hoy magtigil ka nga!"

"Ikaw Irene unnie bakit nagkakaganyan ka?" Tanong ko sa pinakamatandang kaibigan namin pero tinignan niya lang ako na parang gulat na gulat.

Sinabi niyang wala lang daw at bumalik na uli ang dati niyang expression.

"Wendy! Uwi na kayo?" Nagulat ako nang sumigaw at kumaway sa banda namin si Baekhyun sunbae, dahilan para lumingon ang mga kasamahan niya sa amin.

"Opo, sunbae! Ingat po kayo!" Sagot ko at kumaway rin. Bigla ring kumaway ang mga kasamahan niya pati na rin itong mga kaibigan ko sakanila. Para pang hiyang-hiya sila sa ginagawa nila.

Nakita kong hindi lumingon sa gawi namin si Kyungsoo at nanatiling seryoso ang mukha. Medyo nakaramdam ako ng kirot dun ah?

Hindi niya talaga ako gusto. Bakit nga ba kasi ako umaasa eh malamang magka-pair kami kaya niya ako kinakausap? Wendy, magtigil ka na! Hindi ka niya bet. One sided lang 'tong story niyo!

Tuluyan nang lumabas ang grupo nila at kami naman ay bumalik sa pagkukwentuhan. Pero kitang-kita na maaliwalas ang mga mukha ng mga kasama ko at halatang masaya sila matapos dumaan ang mga yun.







whipped | wensoo [on-hold]Where stories live. Discover now