12

79 7 1
                                    

WENDY

Hindi ko talaga mapigilang mapangiti sa tuwing naaalala ko yung pagpractice naming ni Kyungsoo sa rooftop. Iba yung kilig na nararamdaman ko sa mga tingin at ngiti niya sakin. Ang swerte ko talaga.

"Parang masaya tayo kaibigan ah!" Inakbayan ako ni Seulgi nang magkasabay kami sa paglalakad.

"Hulaan mo kung anong nangyari!" Pagpipigil ng kilig kong sabi.

"Hmm... kayo na?" Sagot nito sabay tawang nang malakas.

"OA mo! Imposible yan!" Sabi ko sakanya sabay palo sa braso niya.

"Eh ano?"

"Nagpractice kami kahapon sa rooftop. Grabe. Seulgi yung tibok ng puso ko. Ahh!" Mabilis kong tugon, may pahawak pa ako sa dibdib ko. Para na kasing sasabog sa saya eh.

"Iba rin! Sana all." Sabi naman niya. Napatingin ako sakanya.

"Oh akala ko may kalandian kang kaibigan ni Kyungsoo?"

"Wow. Kyungsoo na tawag mo sakanya ah?" Hindi makapaniwalang sabi nito.

"B-baliw! Hindi! Kapag tayo tayo lang ganun tawag ko sakanya kahit din naman sinabi niya sakin na Kyungsoo nalang itawag ko sakanya pero ayaw ko no."

"Landi at arte mo na ha? Proud bff here!" Malakas nitong pagkakasabi kaya nasiko ko siya.

"So ano na meron sainyo nino ba yun? Kai?" Nabigla ako nang takpan niya bibig ko.

"Shh, Wendy! Baka marinig ka ng mga tao rito. Mabilis pa naman kumalat ang balita." Kabado niyang sabi. Napatawa nalang ako nang mahina at nagsorry sakanya. Bigla kaming natahimik.

"Hindi niya ako pinapansin. Ewan ko rin kung bakit. Bahala siya hindi siya kawalan!" Biglang nagsalita ang katabi ko. Para siyang batang nagtatampo.

"Talaga lang ha?"

"Porket nakakasama mo na crush mo ganyan ka na!"

"Hoy grabe ka naman."

Tumawa ito, "Sige na Wends! May rehearsal pa kami. Ingat ka.And landi well with crush." Kumindat pa siya bago tumakbo paalis.

Ito talagang si Seulgi. Malilintikan 'to.

Naglalakad ako ngayon papuntang rooftop. Ang usapan kasi namin ni Kyungsoo ay magpapractice uli kami ngayon hanggang next week pero hindi kami araw-araw magkikita para magpractice dahil may iba pa kaming kailangan gawin sa university.

Kailangan din daw makabisado na namin yung kanta. Para maging maayos ang performance namin sa last day ng Foundation Week.

Nang makarating ako sa rooftop nakita ko na siya agad na nakaupo sa inupuan naming kahapon. Nang mapansin niyang nandito na ako ay agad naman niya akong nginitian.

Nakakatunaw.

"Sakto kararating ko lang din." Sabi niya at sinenyasan akong umupo na para makapagsimula na kami.

Ilang beses kaming umulit para lang sumakto ang boses naming dalawa at maging smooth ang pagblend ng boses naming. Sinabi niya rin sakin na importante ang eye contact kapag nagdu-duet kaya dapat ngayon palang ay ginagawa na namin.

AH! Ano ba! Tunaw na tunaw na ako sa tingin niya.

"Good job, Wendy!" Pumalakpak siya nang matapos kami. Napangiti naman ako at sinabihan din siyang ang galing niya.

"Ano nga ulit course mo?" Tanong niya.

"Accountancy po."

"Sabi ko naman sayo huwag ka na magsabi ng po/opo o sunbae dahil hindi ako sanay. Kahit Kyungsoo o Kyung nalang okay na." Sambit nito at tinignan ako na parang nahihiya.

"Sige po. I mean! Sige Kyungsoo."

"Saan ka pala after nito?" Napaisip ako sa tanong niya.

"Hmm, uuwi na siguro ako after nito."

"Gusto mo ba pumunta sa café? Shift ko ngayon eh. Libre kita." Pag-aaya nito. Nanlaki naman ang mga mata ko.

Inaaya mo ba ako ng date?

"Hindi ito ano ha? Libre lang kita kasi maayos takbo ng pagpractice natin." Sabi niya na parang sinagot ang tanong sa isip ko. Napansin niya sigurong nanlaki mata ko.

Oo nga pala. Alam niyang crush ko siya. AH!

"Nakakahiya po!"

"Dali na. Huwag ka na mahiya." Nakangiti niyang saad. Sinong hihindi rito ha? Ang cute eh!

"Ano tara? Wala ka namang gagawin diba?"Wala nalang akong nagawa at napa-oo.

Sige na nga! Isipin ko nalang date natin 'to. Hehe!

whipped | wensoo [on-hold]Where stories live. Discover now