6

81 7 1
                                    

WENDY

Dumaan ang dalawang araw at kahit papaano payapa ang buhay ko. Hindi pa kami nagkakasalubungan ni Kyungsoo sunbae. Hindi rin ako pumunta sa café dahil ayaw kong madistract. Katatapos lang ng midterms. Isang bagsakan sa araw na yun kaya medyo masakit sa ulo. I guess matutulog lang ako pagdating ko sa bahay.

6 PM na. Hindi ko pa nakikita ang mga kaibigan ko simula kaninang umaga. I left a message sa gc naming para ipaalam na tapos na exams ko pero walang nagsisireply

Uuwi nalang siguro ako.

Suddenly, I saw him. Kasama niya friends niya at mukhang nagtatawanan sila. Oh no! Mukhang magkakasalubungan pa kami ngayon.

Yumuko nalang ako at nagpretend na hindi sila nakikita. Nang magkalapit na kami nagulat ako nang kinausap ako nang isa sakanila.

"Hey, Wendy!" Baekhyun sunbae greeted me.

Gulat akong napatingin sa group nila and bowed. Patay ako nito. Sabi ko pa naman gusto ko umiwas.

"Hello, Baekhyun sunbae. Hello rin po sainyo."

"You're from Glee Club, right?" Chanyeol asked from CE Department, same with Baekhyun and Kyungsoo. I nodded as I lowered my head. I could feel his stare, nahihiya ako.

"Co-member ko siya dun eh. Pati nitong si Kyungsoo." Baekhyun said sabay akbay kay Kyungsoo. Napatingin tuloy ako sakaniya.

"We actually watched your performance last month. It was splendid." Suho sunbae, from Business Ad Dept. same with Irene unnie, said.

"Thank you, sunbaes." I smiled genuinely. I'm beyond happy they liked it.

"Looking forward for our duet, Wendy." Baekhyun winked at me. Kahit kalian talaga ang landi nito. Nakatanggap siya ng boo at lait sa mga kaibigan niya dahil sa sinabi niya pero tinawanan niya lang. Habang si Kyungsoo, walang reaction. As usual.

"Mauuna na po ako, sunbaes." Sabi ko sabay bow ulit. Nagpaalam na rin sila pero ang hindi ko makalimutan ay...

"Ingat, Wendy."

Nag-init na naman ang pisngi ko habang naglalakad palayo. Nakakainis ka, Kyungsoo!

Noong una, na-amaze lang ako sa voice mo. Sa tuwing nagrerehearse ang cub natin, hindi ko mapigilan hindi tumingin sakanya. Hindi naman din siya aware noon kaya malaya pa akong sumulyap. Kapag solo performance niya, nanonood ako from afar. Kapag contests niya, nakikibalita ako. Paghanga lang naman noong una, pero habang tumatagal nakakasulat na ako ng mga kung ano ano sa planner ko. Ginawan ko rin siya ng tula dahil masyado akong inspired sakanya.

Akala ng iba, hindi ako nagkakagusto. Pero secretly, meron. Noong nag-offer ako ng service sa office ng records at inutusan ako na itapon na yung mga luma at hindi na kailangang application forms ng batch nila Kyungsoo and Irene unnie, hinanap ko talaga yung kanya para tignan. At sa sobrang gwapo ng 1x1 niya kahit ang bata bata niya pa tignan dun ay kinuha ko talaga at itinago sa planner ko. Hindi ko lang masabi noong tinanong niya ako saan ko nakuha dahil baka ma-creepyhan siya sa akin.

Freshie palang ako pero nahumaling na ako sakanya. 2nd year ako nang sabihin ko kay Irene at Seulgi. Hindi pa namin kaibigan sina Joy noon. This year lang naming sila naging kaibigan bilang 1st year si Yeri at 2nd year si Joy from Tourism Department. Doon lang din nila nalaman about sa pagkakagusto ko kay Kyungsoo. Lahat naman sila ay mapagakakatiwalaan, thankfully.

Nang makauwi ako sa bahay ay kumain agad ako at naghalf bath. Pagkahiga ko ng kama, hindi mawala sa isip ko yung mga nangyari these past few days.

Ano kayang iniisip niya about sa akin? I asked myself.

Hindi ko dapat bini-big deal 'to eh. Hindi ka naman niya talaga gusto, Seungwan. Overwhelmed lang siguro siya kasi someone like you actually did those things for him.

Ayokong umasa na magugustuhan niya rin ako baka masaktan lang din ako in the end. At tsaka, simple feelings lang yan. Eventually, magfe-fade away rin yan. Sooner or later, baka makahanp ka ng new crush mo. Huwag mong hahayaang lumalim pa, baka i-take  niya as advantage. O mas malala dun, wala naman talaga siyang pake sayo pero ikaw panay isip mo sakanya.

You're just a hoobae for him. Nothing more, nothing less.

whipped | wensoo [on-hold]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ