13

93 8 5
                                    

WENDY

Nang makarating kami sa café, bungad agad sa akin ang aroma ng kape. Nakakamiss dito. Ilang araw rin kasi akong hindi bumisita.

"Gaya pa rin ng dati? Strawberry smoothie and triple chocolate cake?" Agad na tanong niya sakin nang pinagbuksan niya ako ng pinto sa café.

Napangiti nalang ako at um-oo. Alam na niya talaga kung anong gusto ko. Simpleng act nang pag-alala lang pero kinilig ako.

Inabot ko sakanya ang bayad ko nang bigla siyang umiling at hinawakan ang kamay ko para ilayo sakanya ang pera. Para naman akong nakuryente sa ginawa niya at agad nilayo ang pagkakadikit ng kamay ko sa kamay niya.

Parang sasabog ang puso ko. First time lang ata na nagdikit ang mga balat namin.

Napansin kong nabigla rin siya sa kilos niya at humingi ng sorry.

"Ako na bahala, libre ko." Sabi niya. Napatango nalang ako at humanap nang mauupuan habang siya ay dumiretso na sa counter. Binati naman siya ng mga kasamahan niya roon.

Walang masyadong tao rito sa café, medyo maaga pa kasi kung tutuusin kung kaya wala pang nagpupuntahang customers.

Nakita ko namang nakapalit na sa puting t-shirt at itim na apron si Kyungsoo at suot na naman nito ang itim niyang cap. Bagay talaga sakanya yung simpleng pormahan, huwag nga lang isali ang apron. Pero kahit mayroon siyang ganun, nagiging maayos pa rin ang buong itsura niya.

Nang tumingin siya sa akin ay kumaway siya at ngumiti. Mukhang gagawin na niya ang order ko. Bigla tuloy akong nahiya. Bakit ba kasi ako sumama rito?

Napagpasiyahan kong magmuni-muni at tumingin sa labas. Kitang-kita kasi ang buong paligid dahil sa sikat ng araw kaya mas lalong gumaganda at ang amoy pa rito sa loo ang nagpapagaan ng loob ko. Nilabas ko ang libro na nahalungkat ko sa bag at nagsimulang magbasa.

Habang hinihintay ko ang order ko kay Kyungsoo ay nagbasa nalang muna ako.

Maya maya pa ay dumating na si Kyungsoo sa harapan ko sabay nilapag ang tray ng order ko at ang iced coffee niya. Umupo na rin siya sa upuan sa harap ko habang inaabot sakin ang order ko. Napaayos naman ako ng upo at nilapag muna ang libro na binabasa ko.

"Thank you pala rito, Kyungsoo." Masayang saad ko at nagbow sakanya nang nakaupo.

"No problem, welcome ka rito anytime." Nakangiti niyang sagot. "So ano yang binabasa mo?"

"Hmm, about Accounting lang. Advanced reading ng lessons ganun." Sagot ko at tumawa. Nakita ko namang tumango siya at uminom ng iced coffee.

"Curious lang ako. Bakit naisipan mong magwork dito?" Kinakabahan kong tanong. Hindi ko alam kung tama ba na magpaka-usisera ako or what pero curious talaga ako.

"I actually don't tell this aside from my friends but this café is one of my family's businesses."

Napanganga ako nang bahagya sa sinabi niya. Ngayon ko lang nalaman na sakanila ito maski sa loob ng university walang nagbabanggit kung sino ang may ari. Kaya pala kung umakto siya ay parang sakanya itong café kasi sakanila naman talaga. 

"Nagduduty lang ako dahil wala akong ginagawa and besides gusto kong magtimpla ng beverages and magbake."

Kaya pala ang sasarap ng mga pagkain at inumin dito, kasi gawa niya! Ano ba! Mas naiinlove tuloy ako.

"Mahilig din ako magbake! Share ko lang hehe."

"Talaga? Gusto mo ba samahan ako magbake minsan?" Pagyayaya nito. Kita sa mata niya na gusto niyang pumayag ako.

"Uhm, s-sure po kapag may time."

Ngumiti naman ito sa sagot ko.

"By the way, ang sarap ng mga drinks and pastries dito lalo na 'tong cake! Kaya siguro lagi ring nandito ako." Sabi ko. "Baka may gayuma 'to ah!"

Kasi iba na tama ko sayo.

Nagulat ako nang biglang lumabas sa bibig ko ang mga salitang yun na akala ko nasa isip ko lang. Agad ko namang tinakpan ang bibig ko.

Hindi kayo close, Wendy!

Tumawa ito at hinawakan ang batok niya, "Masarap lang talaga siguro kaya binabalik-balikan. Tsaka hindi ko naman na kailangan lagyan ng gayuma yang kinakain mo kasi matagal ka ng may tama sakin diba?"

Halos mabilaukan ako sa narinig ko at biglang nanginig ang katawan ko sa lamig.

Tama ba 'tong narinig ko? At tama rin bang nakita kong nakangisi itong nasa harap ko pero ang cute pa rin?

whipped | wensoo [on-hold]Where stories live. Discover now