15

165 9 8
                                    

WENDY

Hindi matanggal sa isipan ko yung biglang confession sakin ni Kyungsoo sa café nila. After din kasi ng shift niya, hinatid niya ako pauwi samin.

Para talaga akong nananaginip kasi hindi rin ako makapaniwala na yung lalaking matagal ko nang gusto ay gusto rin ako.

Hindi ko pa nasasabi kila ate Irene ang tungkol sa biglaang confession sakin ni Kyungsoo. Kaya wala silang alam sa tuwing nginingitian at binabati ako ni Kyungsoo sa campus kapag nagkakasalubong kami. At kapag after ng mga naging practice namin ay diretso agad kami sa café nila.

Nagtataka nga rin minsan mga kaibigan niya kasi bigla niya akong tatawagin. Napaka-unusual kasi para sa kaibigan nila na umakto ng ganun. Ako naman na parang ewan ay lilingon at ngingiti nang nahihiya. Sino bang hindi mahihiya eh nandoon ang mga kaibigan niyang nakatingin sayo?

After ng confession niya, hindi na namin pinag-usapan yun uli pero ramdam na ramdam kong totoo mga sinabi niya dahil sa mga kilos niya sa tuwing nagkikita o nagpapractice kaming dalawa.

Pero para sakin, okay na ako doon. Sobra sobra na yung alam kong mutual kami ng gusto ko. Kinikilig na agad ako kapag ganun palang.

Kinuha niya rin pala ang number ko. Ilang gabi na kami nagtetext sa isa't isa. Sa umaga naman ay magsesend siya ng messages para paalalahan ako na kumain at mag-ingat sa pagpasok.

Nakakainis. Halos mapunit na labi ko buong araw dahil hindi mawala-wala yung kilig na nararamdaman ko. Iba talaga impact sa akin ni Kyungsoo.

Sunday ngayon at niyayaya ako ni Kyungsoo na magsabay na kaming magsimba. Pumayag naman ako dahil ganun naman talaga ang gawain ko tuwing linggo. Tinawagan niya ako at sinabing susunduin niya ako para sabay na kami papuntang simbahan.

Napagdesisyunan kong magsuot ng white flowy dress at nude color na flat shoes. Minsan lang ako magsuot ng dress dahil mas hilig ko ang baggy style na damit at mostly sneakers na sapatos ang sinusuot ko. Hindi rin ako mahilig magmake up pero sinubukan kong maglagay kahit light lang.

Bakit nga ba ako nag-aayos? Para maging presentable. Hindi lang para sa simbahan kundi para sa kasama ko. Malay natin bigla nalang kami ikasal diba? Charot!

Maya maya pa ay narinig ko nang bumusina si Kyungsoo sa labas. Kaya dali dali kong tinignan ang sarili sa salamin. Nang makuntento na ako ay kinuha ko na ang shoulder bag ko at umalis.

After kasi namin magsimba, magla-lunch daw muna kami at magpapractice sa bahay nila. Dahil bukas na ang start ng Foundation Week ng university at kailangan na rin namin tumulong sa iba pang clubs kaya mawawalan na kami ng time na magpractice. Lalo na't senior siya, mas marami siyang inaasiko.

Pagkalabas ko ay bumungad sa akin ang usual na Kyungsoo na kilala ko. Nakasuot ng black tshirt, black pants, vans shoes, at black cap. Dahil lang sa puti niya kaya nakita ko siya dahil pati kotse niya ay itim din.

Ngumiti agad siya pagkakitang-pagkakita sakin. Ngumiti naman ako pabalik.

"Ang ganda mo, Seungwan." Mas lalong lumaki ang ngiti ko sa sinabi niya.

Ikakasal na ba tayo?

"Ang gwapo mo rin. Bagay na bagay sayo ang black." Sabi ko.

Isinakay na niya ako sa kotse niya. Pinagbuksan niya pa ako ng pinto. Sa loob, sobrang bango talaga ng kotse niya. Hindi ko alam kung anong scent ba ng air freshener ang gamit niya sa kotse niya pero sobrang bango. Parang siya.

Nang makarating kami sa simbahan ay syempre hindi kami gaanong nag-usap dahil naka-focus kami sa misa. Pero minsan napapalingon ako sakanya kasi nakakatuwa makakita ng tulad niya.

Napadasal pa ako nang tahimik at nagpasalamat na gusto rin ako ng matagal ko nang crush at kasama ko pa magsimba sa araw na yon.

Nakonsensya pa ako dahil hindi ko mapigilan ang kilig ko sa loob ng simbahan nang maghawak kamay kami at nang magsasabi na kami ng "peace be with you" ay hinalikan niya pa ako sa pisngi sabay sabi ng peace at tumawa nang mahina.

Hindi ko alam gagawin ko noon pero hanggang matapos ang misa ay nakangiti ako. Sobrang saya ko.

"Saan tayo maglunch?" Tanong ko nang makalabas kami sa simbahan.

"Saan mo ba gusto?"

"McDo nalang para malapit, mayroon dun oh sa kabila." Sagot ko.

Habang naglalakad kami ay may biglang tumawag samin na matandang babae. Nakaupo siya sa gilid at may hawak na sampaguita.

"Hijo, hija. Bagay na bagay kayong dalawa."

Nagblush ako sa sinabi niya pati rin si Kyungsoo ay nakita kong namula.

Gusto ata ni lola makabenta kaya inuuto niya kami eh. Joke lang.

"Sana sa susunod kayo makita kong ikasal sa simbahan na 'to. Kita kong mahal niyo ang isa't isa." Dagdag pa nito.

Hindi ako makapagsalita dahil sa hiya at ngumiti nalang ako sakanya. Si lola parang bagets kung makipag-usap.

Ewan ko pero biglang bumili si Kyungsoo ng sampaguita kay lola at nagpasalamat. Ngumiti naman ito at nagpasalamat din sa pagbili sakanya.

Wag mo sabihing naniwala 'tong si Kyungsoo kaya bumili?

"Tara na." Sabi niya sakin at hinawakan ang kamay ko. Napatingin tuloy ako sa kamay naming magkahawak ngayon.

"Kanina ka pa namumula." Sabi ko sakanya at bahagyang natawa. "Napabili ka pa ng maraming sampaguita kay lola. Ikaw ha naniwala ka sa sinabi niya."

"Natuwa lang ako dahil kahit hindi niya tayo kilala sinabi niya niyang bagay tayo. At least hindi tayo nagpakamalang magkapatid."

"Mas nakakahiya nga yun!" Sabi ko.

Umorder na siya. As usual, siya nagbayad. Ayaw niyang ako ang magbayad. Sabi ko ang dami ko ng utang sakanya. Pero ito lang ang sagot niya, "Bayad ka na as long as ikaw ang kasama at nililibre ko."

"Kinakabahan ka ba sa Foundation Week? Balita ko pwede outsiders. Maramimg manonood niyan." Tanong sakin ni Kyungsoo habang sumusubo ng pagkain niya.

"Hindi naman masyado. Kasama naman kita eh." Banat ko. Napangiti naman siya.

Bakit ba pag kasama ko 'to biglang nag-iiba ng ugali? Ang cute eh!

"Wag ka ngang ganyan Seungwan." Sabi nito. Ang cute talaga! Napahagikhik tuloy ako.

"Marami bang booths?" Tanong ko. Tumango ito.

Feeling ko magiging bongga ang Foundation Week this year. Sana makapag-enjoy kami.

"Last practice muna natin sa ngayon 'to. Tapos sa Friday uli bago mismong program." Sabi niya. "Hindi muna tayo makakapagkita kasi magiging busy ako."

"Okay lang. Good luck pala. Huwag papakastress masyado." Sabi ko nalang. Tumango naman ito at inabot ang pisngi ko para kurutin. Kaya gumanti ako at kinurot din siya.

Nang matapos kami kumain ay bumalik na kami sa kotse niya at nagdrive na siya papunta sa apartment niya. Sabi niya kasi sakin, wala ang parents niya sa city dahil nasa province ang mga ito at inaasikaso ang businesses nila doon at ang hacienda nila. Yayamanin talaga kamo sila.

Kinabahan tuloy ako dahil naisip kong kaming dalawa lang ang nandoon mamaya para magpractice.

Echosera ka Wendy! Utak mo!


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 11, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

whipped | wensoo [on-hold]Where stories live. Discover now