Chapter 1: White Roses

140 7 0
                                    

Dedicated to taemaniac- ! I miss you, keep writing!

Chapter 1: White Roses

" Ang mga tao gustong gustong nakakatanggap ng rosas dahil sumisimbolo ito ng wagas na pag-ibig. "

Blood's Point of View

Maaga akong pumasok dahil 'yon ang sabi nila Cherry. Maaga daw akong pumasok dahil maraming kaming gagawin. Kung tutuusin ako lang naman din ang pagagawin nila. Sa totoo lang ayoko naman talaga silang maging kagrupo sa mga bawat groupings and projects kaya lang palagi nila akong pinipilit. Sinusubukan ko naman sumali sa ibang grupo kaya lang ayaw nila ng gulo, kaya wala silang magawa kundi tanggihan ako. Lapitin kasi ng gulo ang grupo nila Cherry at kung sino mang bumangga sa kanila ay lalapitan na rin.

Ganon pa man ay nasanay na ako at natuto na akong pakisamahan sila. Madali lang naman silang intindihin at masaya din silang kasama.

Mabilis akong nakarating sa school gamit ang bike kong ibinigay saakin ng mama ko nung nag sweet sixteen ako. Sobrang saya ko dahil pangarap ko talaga ang magkaroon ng bike. Kaya sobrang mahal na mahal ko ang mama ko.

Ipinarada ko na ang bike ko sa parking ng mga bike. May sariling parking din ang mga sasakyan at motor dito.

Sinilip ko ang relo ko at agad akong napatakbo ng makita kong magta-time na bago mag start ang klase. Patay na naman ako nito.

Nagmamadali akong magtungo sa room. Hinihingal akong tumigil sa tapat ng room namin. Napatingin ako sa teacher namin na pinapagalitan sila Cherry dahil hindi nila nagawa ang groupings namin.

Napapayuko na lang ako humingi ng tawad kay Ma'am dahil late ako at hindi namin nagawa ang groupings namin. Ganon pa man sinabi ni Ma'am na hindi 'yon dahilan para hindi magawa nila Cherry ang activity na irereport sana namin dahil hindi lang daw dapat iasa sa isang tao ang lahat.

Mabilis na tapos ang ilang mga klase bago dumating ang recess. Pagkalabas ng teacher namin, agad akong hinila nila Cherry palabas ng room at dinala ako sa locker section ng school na ito.

Inis akong tinulak ng malakas ni Cherry sa locker at wala naman akong nagawa kundi mapadaing sa sakit.

" Cherry, ano ba tama na 'yan. " pag-awat ni Aldrin dito, ang boyfriend ni Cherry. Pero sinamaan niya lang ito ng tingin kaya walang nagawa si Aldrin kundi mapailing.

" Ano girl sa tingin mo niyan ikaw na ang magaling kasi napahiya kami? Sinabihan na kita ng na agahan mo tanga ka ba? " mataray na sambit nito

" Cherry, ito na naman ba tayo? Sorry, may ginawa lang ako sa bahay. Inasikaso ko pa si mama, alam mo namang ako na lang meron siya. " sambit ko

" Tsk. Palaging mama mo ang dinadahilan mo. Sa susunod na hindi ka pa sumunod sa sasabihin ko, tatamaan ka pa talaga saakin. " galit na sambit nito bago siya humarap sa mga locker niya. Tinapik na lang ako ni Mico sa balikat bago pumunta sa locker niya. Napabuntong-hininga na lang ako.

Tumahimik ang palagid dahil may kaniya kaniya silang inaasikaso sa mga locker nila. Nabasag naman ang katahimikang 'yon ng sumigaw si Nicole, kaya napatakbo kami don.

" Anong meron?! " natatarantang tanong ni Cherry.

" Gurl, may nagbigay saakin ng roses. Look omg, may secret admirer ako. " kinikilig na sambit nito

" Palibasa ngayon ka lang nakatanggap ng ganyan. " pang-aasar ni Raven dito, tinarayan naman siya nito. Napatingin naman ako sa bulaklak na hawak niya. Isang itong puting rosas.

" Talagang white ah? " natatawang sambit ni Cherry.

" Well I as far as I know white roses express innocence. So maybe this person, think that I 'm innocent? " sambit nito, kaya naman natawa ang lahat.

" Gurl, gutom lang yan. " sambit ni Cherry at umalis na at sumunod na rin ang iba. Sinara na ni Nicole ang locker niya at sumigaw sa mga ito.

" Hey, hintayin niyo ko." sigaw nito at tumakbo, nanatili naman ako sa katayuan ko.

" Hey Blood, tara na. " sambit nito saakin, tiningnan ko naman ito bago napabuntong-hininga at lumapit sa kaniya. Humawak siya sa braso ko at sabay kaming naglakad. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng sakit sa puso ko. Bakit ganon?

Agad kaming nakarating sa canteen, naabutan namin sila Cherry doon sa dati naming pwesto. Agad naman kaming lumapit.

" Alam mo na gagawin mo Blood, same order ah. " sambit saakin ni Cherry, tumango naman ako. Tumayo na ako, hindi ko naman maiwasang mapatingin kay Dark ng tumayo ito at sumunod saakin.

" Anong gagawin mo? " tanong ko dito

" Tutulungan ka. " sambit nito

" Aasarin ka na naman nila Cherry. " sambit ko dito

" Hayaan mo sanay na naman ako sa kanila. Tsaka di mo kayang dalhin lahat nung pinapabili nila. " sambit nito, tumango na lang ako.

Pabalik pa lang kami ay naririnig ko na ang boses ni Cherry na inaasar si Dark.

" Here comes the superhero. " mapang-asar na sambit nito, napailing na lang ako at napatingin kay Dark. Ngumiti lang ito saakin na parang sinasabi niyang ayos lang ako.

Tahimik kong inilapag ang mga inorder nila at umupo sa pwesto ko. Maingay naman silang nagkainan habang ako ay tahimik silang pinagmamasdan. Sa tuwing pinagmamasdan ko sila hindi ko maiwasang isipin kung tama bang sumasama ako sa kanila. Kung kabilang ba dapat talaga nila ako? Ganon pa man gagawin ko ang lahat maprotektahan ko sila.

Si Nicole, Raven, Aldrin, Cherry at si Dark, ang mga kaibigan ko.

Bloody Roses | COMPLETED Where stories live. Discover now