Special Chapter : Blood

54 3 0
                                    

Special Chapter : Blood

" You will never understand someone's feelings, if you never saw their point of view. "

Blood's Point of View

" Iniwan na tayo ng papa mo. " 'yan ang mga salitang bumungad saakin nung gisingin ako ng mama ko. Napansin ko ang namumugto niyang mga mata halatang galing sa pag-iyak.

Nung una, hindi ka pa nauunawaan ang lahat hanggang sa nagpantanto ko ang gusto niyang iparating ng tuluyan ng maglaho sa buhay namin si papa. Hindi ko na muling nasilayan ang mga ngiti nito sa tuwing uuwi siya sa bahay na may dalang pasalubong. Sa tuwing bubuhatin niya ako at maglalaro kaming dalawa.

Nung akala ko'y lubos ko ng nauunawaan ang sakit na nararamdaman ni mama ay hindi ko inaasahan na araw-araw ko siyang maririnig umiyak tuwing gabi at makikita sa umaga na parang walang nangyari. Mas masakit pala 'yon, mas masakit makita ang mga ngiti niyang alam kong sa likod non ay mga luhang nais tumulo.

Sa mura kong edad, naunawaan ko ang dalang sakit ng pag-ibig. Sabi ko non sa sarili ko hindi ko hahayaang paikutin nito. Hindi ang pag-ibig ang magpapabagsak sa katulad ko.

Nakita ko kung ang paghihirap ng mama ko,kaya nangako ako sa sarili ko, na kahit anong mangyari, ibibigay ko ang lahat sa mama ko dahil siya na lang ang meron ako. Pinunan niya yung kulang sa puso ko. Ni minsan hindi ko naramdaman ang pagkawala ni papa.

Akala ko magiging maayos na yung buhay namin, kaya lang naaksidente si mama at nanlumpo dahil don kinailangan kong magtrabaho para saamin. Sinubukan kong magtinda sa school ng mga pagkain at sa labas ng school ay mga gulay, para meron kaming pang araw-araw. Sa tuwing nakikita ni mama ang pagod ko, paulit-ulit siyang humihingi ng tawad saakin.

" Patawarin mo ako anak, patawarin mo si mama dahil hindi ko maibigay yung buhay na dapat para sayo. " sambit nito at para akong mamatay sa sakit ng mga salitang binitawan niya.

Wala kang dapat ihingi ng tawad ma, dahil sobra-sobra na ang sinakripisyo mo saakin, hayaan mo akong tulungan ka.

Gusto kong isagot mga salitang 'yan pero tanging yakap lang ang isinukli ko dito kasabay non ay ang pagtulo ng mga luha ko. Napapagod na ako pero hindi ibigsabihin non ay titigil na ako sa ginagawa ko, kung gagawin ko 'yon paano na kami?

Marami na nga akong pinagdadaanan sa labas ng school, sumabay pa ang mga kaibigan ko. Kailan ko ba sinabing gusto ko silang maging kaibigan? Nakikisama lang ako dahil ayoko ng kaaway. Umiiwas ako sa gulo, dahil magiging dagdag lang 'yon sa problema ng mama ko pero kahit anong iwas ko, sila ang lumalapit saakin.

Tiniis ko ang lahat ng pagpapahirap nila saakin. Ang paggawa ng mga projects nila, ang paggawa ng lahat groupworks na dapat ay pinagtutulungan namin. Ang pagbili ng pagkain para sa kanila na kaya naman nilang gawin. Ang pananakit niya saakin sa tuwing hindi ko nagagawa ang mga gusto niya. Tiniis ko 'yon lahat.

Pagkatapos ng paghihirap na pinagdadaanan ko sa mga kamay nila, uuwi pa rin akong nakangiti para kay mama. May dalang ulam para saaming dalawa, sabay kaming kakain at ikukwento ko sa kaniya ang mga nangyari sa school at lahat ng naririnig niya saakin ay kasinungalingan. Ayoko lang siyang mag-alala kapag nalaman niya ang nangyayari saakin. Mga ilang minuto lang ay maghahanda na ako para magtinda ng gulay para may pera kami kinabukasan.

Maayos naman sana ang lahat pero isang pangyayari ang dahilan para gumuho ang mundo ko.

Kailangan ko na talagang umuwi ng araw na 'yon, pumayag na nga ako na manatili sa school at wag munang magtinda ng gulay para lang matapos ang groupworks namin, hindi ko naman kasalanan na hindi ko 'yon matapos-tapos dahil nga walang tumutulong saakin.

Bloody Roses | COMPLETED Where stories live. Discover now