Chapter 7: Peach Roses

58 3 0
                                    

Chapter 7: Peach Roses

" Minsan huli na bago napagtatanto ng isang tao ang kahalagahan ng oras. "

Cherry's Point of View

Huli na ako, huli na ang lahat para saakin. Huli na ang mga napagtanto ko, huli na ang lahat ng pagsisisi ko. Huli na dahil wala na si Raven. Huli na para marealize ko na mas mahal ko na siya kaysa kay Aldrin. Huli na ang lahat at wala akong magawa kundi masaktan.

Sinayang ko ang mga oras na dapat ay siya ang kasama ko. Hinayaan ko siyang makontento sa hiram na oras na kaya kong ibigay sa kaniya. Ngayon wala ng oras para saamin. Hanggang dito na lang ang lahat.

Tama si Blood, ako ang dahilan ng lahat. Ako ang dahilan ng paghihirap namin. Kung hindi dahil sa mga kagaguhan ko ay buhay pa sana si Nicole, ang bestfriend ko at si Raven ang taong minamahal ko.

Hindi ko alam kung may oras pa ako para maitama ang lahat ng mali. Kasi sa totoo lang, hindi ko na talaga alam ang gagawin.

Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay Aldrin ang totoo o kung kailangan ko bang humingi ng tawad kay Blood sa lahat ng kasalanan ko. Sa totoo lang hindi ko na alam kung san ako dapat magsimula.

Wala pa ring klase ngayon pero nakatanggap ako ng tawag sa school na pinapunta kami dahil sa isang imbestigasyon at isa kami sa mga kailangan makausap dahil kami ang madalas kasama nila Raven.

Napabuntong-hininga ako bago sumakay sa kotse namin. Tahimik ang naging byahe hanggang sa makarating ako sa school. Sa
parehong room pa rin nila kami pinapunta. Yung room kung saan nila kami ni tinanong dati.

Tahimik lang akong hinintay na dumating ang iba ko pang kaibigan. Hindi rin nagtagal ay sunod-sunod silang dumating ngunit nanatili ang katahimikan sa paligid. Walang gustong magsalita.

" Sa pangalawang pagkakataon, tatanungin namin kayo. Wala ba kayo kilalang may galit sa grupo niyo? Hindi lang kasi ito simpleng krimen, nakukuha niyo ba mga iha at iho? Kung kayo talaga ang pinupuntirya ng killer, delikado ang mga buhay niyo. Kung hindi kayo makikipagtulungan saamin, maaring may mapahamak na naman sa inyo. " mahabang lintanya nito pero walang naglakas ng loob na sumagot saamin.

Ilang tanong pa ang binato nila saamin pero nanatiling tahimik kaming lahat. Wala silang nagawa kundi magkatinginan at mapabuntong-hininga ng malalim.

" Salamat sa pagpapaunlak, gagawin namin ang lahat para hindi na madadagan ang krimen, ingatan niyo ang mga sarili niyo. Hanggang ngayon hindi tayo nakakasigurado kung ano ba talaga ang dahilan ng taong 'to. Kung may nalalaman kayo, sabihin niyo agad saamin. Pwede na kayong umalis. " sambit nito saamin, sabay-sabay kaming tumayo at tahimik na umalis sa kwartong 'yon.

Agad umalis si Blood at hindi katulad kahapon na puro ito paninisi saakin, ngayon ay wala siyang sinabing kahit isang salita. Umalis siya na para bang hindi kami nakikita. Alam kong galit na naman ito saakin dahil hindi ko sinabi sa mga pulis ang totoo tungkol saamin.

Pero masisisi niyo ba ako?

Si Dark naman ay agad na sinundan si Blood, katulad ng madalas nitong gawin.

Tahimik kaming naglakad papunta sa parking lot. Nagpaalam na saakin si Aldrin bago hinalikan ako nito sa noo. Pumunta ito sa motor niya at hindi ko maiwasang matigilan ng makita kong may hawak itong rosas. Agad akong lumapit dito, at inagaw sa kaniya ang bulaklak na hawak niya.

" Sinong nagbigay nito sayo?! " sigaw ko dito

" Wait Luv, wag kang magalit. Nakita ko lang yan dito. " sagot nito " Believe me, hindi ko nga alam kung sino naglagay niyan e. Wag ka na magselos. " sambit nito at ngumiti, umiling na lang ako at niyakap siya.

" Mag-iingat ka " sambit ko dito at hinalikan siya sa labi.

" Akin na lang 'to. " sambit ko at tinalikuran na siya. Agad akong pumasok sa sasakyan.
Pinakatitigan ko ang rosas na hawak ko. Paborito ko itong kulay, hindi ko maiwasang mapangiti.

Binuksan ko ang cellphone ko at natigilan ako ng makita ko doon ang text ni Raven saakin, noong araw din na tumawag siya saakin bago siya natagpuang walang buhay.

Raven
09*********

Babe, I got roses it was lavender roses. Actually hindi ko alam kung para saakin 'to e, pero nakita ko siya sa desk ko nakalagay. I miss you, I love you.

Natigilan ako at muling napatitig sa rosas na hawak ko.

Posible kayang ang mga rosas na 'to ang nagdidikta kung sino ang susunod saamin?

Bloody Roses | COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon