Epilogue : End

67 4 0
                                    

Epilogue : End

" May mga bagay pala talaga na kahit nakuha mo na ay hindi ka masaya. "

Blood's Point of View

Napatingin ako sa nasusunog naming bahay. Pinagmasdan ko ito mula sa malayo. Ito pala ang malaking problema sa paghihiganti, sa dulo hindi ka masaya. Para bang habangbuhay mong pagbabayaran ang ginawa mong desisyon sa buhay mo.

Hindi ko naman ginustong umabot ang lahat sa ganito. Kaya lang pinagkait nila ang buhay na pinangarap ko.

Ang magkaroon ng buo at masayang pamilya. Ang magkaroon ng mga kaibigan na mamahalin ako at susuportahan. Ang magkaroon ng pag-ibig na handa akong ipaglaban ano man ang mangyari.

Ang mga tao gustong gustong nakakatanggap ng mga rosas, dahil sumisimbolo ito ng pag-ibig. Ginamit kong kasangkapan ito dahil alam kong ang mundong 'to ay sabik sa pag-ibig.

Sa bawat kwento may bida at may kontrabida. May biktima at may nambibikitima.

Palaging nanalo sa umpisa ng storya ang kontrabida. Ganon pa man, bida pa rin ang nagwawagi sa katapusan ng storya pero iba ang storyang 'to dahil sa dulo namatay ang lahat ng bida sa storyang ito, at ako na kontrabida ang nanatiling buhay at nakatayo.

Ako ang nanalo, nanalo ako sa laban na ito, sa laban na binuo ko, sa larong plinano ko.

Hindi mali ako, dahil sa dulo ako pa rin ang natalo. Nag-iisa pa rin ako.

Talo ako dahil kahit nakuha ko na ang gusto ko, hindi naman ako naging masaya sa resulta nito. Ako ang talo, dahil nandito pa rin ako sa kadilimang kinalalagyan ko.

Tulungan niyo ko.....
Iligtas niyo ko......

End
- SoldierMace
Bloody Roses
©AllRightsReserved

Date Started : March 31, 2020
Date Finished: May 29, 2020

   T H A N K 
Y O U   S O  M U C H
F O R
  R E A D I N G   !

Bloody Roses | COMPLETED Where stories live. Discover now