Chapter 2: Innocence

89 6 0
                                    

WARNING SCENE

Chapter 2 : Innocence

" Sa mundong ito kapag nanatili kang mabait ikaw ang matatalo dahil ang kasamaan ang naghahari dito. "

Nicole's Point of View

Tahimik kaming naglakad ni Blood papunta sa locker ko. Nagpasama kasi ako sa kaniya dahil balak ko iwan ang librong hawak ko.

Pagbukas ko ng locker ay bumungad agad saakin ang roses na natanggap ko, tinitigan ko itong maigi dahil may kakaiba dito. Kinuha ko ito at hindi ko maiwasang mabitawan ito at mapasigaw sa takot. Napatakbo naman agad ako kay Blood, nag-aalala naman niya akong tiningnan.

" Anong nangyari sayo? Bakit may dugo ka? " tanong nito

" B-blood, yung roses kanina na natanggap ko puro dugo! Blood, natatakot ako. " naluluhang sambit nito, lumapit naman ito saakin at pinatahan ako.

" Shhh, nandito ako. Halika ireport natin 'to sa admin. " sambit nito saakin, umiling naman ako. Kung serious matter 'to, panigurado hindi ako nito titigilan lalo kapag nagsumbong ako.

" Please, w-wag na baka nagbibiro lang. Please wag mong sasabihin kahit kanino 'to. " sambit ko

" Pwes hindi magandang biro 'yang natanggap mo Nicole! Paano kung may gawin siya sa sayong masama? " tanong nito saakin

" Wala naman sigurong mangyayari saakin. T-tara na. " pagyaya ko dito

" Paano yung locker mo ? Nalock mo na ba? " tanong nito saakin, umiling naman ako.

"Bumalik tayo, baka may mawala pa sayo, kasama mo naman ako. " sambit nito, may inabot siya panyo saakin.

" Punasan mo ang sarili mo. " sambit niya saakin, tinanggap ko naman 'yon at pinunasan ang kamay ko. Nakakapit ako sa braso niya habang naglalakad kami pabalik sa locker ko. Tanaw na tanaw kong nakabukas 'yon. Hinila ko si Blood para pigilan itong maglakad. Hinawakan niya lang ang kamay kong nakakakapit sa kaniya.

" Wag kang mag-alala nandito ako. " sambit niya

Natigilan kami ng makarating kami don na wala na ang roses sa lapag. Lumingon ako sa paligid kung may tao ngunit walang tao akong nakita sa paligid.

San na napunta 'yon?

" T-teka? Nasan na 'yon? Nandito lang 'yon e! Blood, nandito lang 'yon! Maniwala ka saakin! " sigaw at di ko maiwasang mapasabunot sa buhok ko.  Lumapit saakin si Blood at hinawakan ang kamay kong nakahawak sa buhok ko.

" Kumalma ka Nicole. " sambit nito at binaba ang kamay ko at inayos ang buhok ko. Niyakap ako nito at nung mga oras na 'yon doon ko napagtanto na mali ang lahat ng ginagawa ni Cherry kay Blood. Masyadong mabuting tao si Blood para tratuhin siya ng ganon.

" Hindi ko hahayaang may manakit sa inyo. " sambit niya

" Bakit? Bakit ka ganyan? " tanong ko sa kaniya at bumitaw sa pagkakayakap.

" Ang alin? " nagtataka nitong tanong

" Bakit sa kabila ng mga ginagawa sayo ni Cherry, nanatili ka pa ring mabuti saamin? " tanong ko sa kaniya, ngumiti naman ito.

" Dahil sa kabila ng mga sakit na ibinigay niyo saakin, ay kayo pa rin ang dahilan kung bakit ako palaging masaya. " sagot niya, sinara na namin ang locker ko at bumalik sa room.

Natapos ang buong araw ng klase na wala akong ibang nasa isip kundi ang bulaklak na natanggap ko.

Lumingon-lingon ako sa paligid at hinahagilap kung nandyan na ba ang susundo saakin. Napatingin ako sa isang pusa na naglalakad papunta sa isang eskinita. Napakaganda nito at napaka-cute, kaya hindi ko maiwasang sundan ito. Paborito ko talaga ang pusa, dahil napakalambing  nila. Marami akong pusa sa bahay, sila ang mga kasangga ko sa tuwing nalulungkot ako.

Puti ang pusang sinusundan ko na may kulay abong mga mata. Tumigil ito at tumingin saakin. Umupo naman ako at masayang hinaplos-haplos ito.

" Ano mingming naliligaw ka ba? " tanong ko dito

" Meow Meow " sagot nito kaya hindi ko maiwasang mas mapangiti, nilingon ko ang paligid bigla akong kinabahan ng mapansin kong napakadilim ng lugar at mas nakapagpadagdag ng kaba ko ang sunod-sunod na pag-iingay ng pusa at tila nakatingin sa isang direksyon.

Sa likod ko....

Bago pa man ako makaharap ay nakaramdam na ako ng malakas na hampas mula sa likod ko, hindi ko alam kung anong bagay ang ginamit niya pero ramdam ko ang sakit sa buo kong katawan na halos hindi na ako makatayo. Parang nabali ang mga buto ko sa likod. Dahan-dahan naman akong hinila nito kung saan.

" T-teka saan mo ko dadalhin! Bitawan mo ko sino ka ba? Kung kailangan mo ng pera ibibigay ko lahat sayo pati cellphone ko, pakiusap wag mo kong patayin. " nanghihina kong pagmamakaawa dito, tumigil ito at humarap saakin.

Nagtama ang mga mata namin, walang emosyon akong nakikita sa mga mata niya. Nakatakip ang bibig at ilong niya ng itim na mask. Habang nakasuot siya ng itim na hoodie. Dahil sa hoodie niyang suot ay hindi gaanong makita ang mukha niya at dahil rin sa sakit na iniinda ko.

Lumapit siya saakin at hinarap ako sa kaniya, dahil nakadapa ako kanina. Mas lalo akong napadaing sa sakit ng tumama ang likod ko sa malamig na sahig.

" Ano bang kailangan mo saakin? " naluluhang tanong ko, hindi ito sumagot sa halip ay may inilabas siyang pamilyar saakin. Isa pirasong puting rosas.

" This white rose represent innocence, new beginnings but I'm sorry because what will happen to you now will be the opposite of new beginning. " sambit nito na nakagpakaba lalo saakin

" Anong gagawin mo!? " tanong ko sa kaniya pero hindi ito sumagot sa halip ay nakatanggap ako ng malakas na hampas sa braso ko, sa tyan ko, sa paa ko, sa buo kong katawan. Hampas ng makapal na bakal na hawak nito. Hindi ko na alam kung kakayanin ko para, parang mamatay na ako sa sakit. Yun nga ang gusto kong mangyari, ang mamatay na ako ngayon.

" P-pakiusap, patayin mo na ko. " pagmamakaawa ko dito habang tumutulo ang luha ko, ramdam ko rin ang paglabas ng dugo sa bibig ko.

" Your wish is my command. " masayang sambit nito at muli akong nakatanggap ng malakas na hampas sa dibdib ko at ilang ulit na malakas na hampas sa ulo ko. Ramdam ko na ang pagkahilo at hirap sa paghinga ko. Hindi ko na rin mamulat ang mga mata ko dahil sa dugong dumadaloy mula sa ulo ko pero sinubukan ko pa ring aninagin ang mukha nito

" You know what? Hindi ka naman dapat mamamatay e, wala ka namang kasalanan, sa halip tinulungan mo pa nga ako e, but you should have tried harder edi sana wala ka sa sitwasyong 'to. Masyado ka kasing inosente sa mga nangyayari sa paligid mo. " rinig kong sambit nito

" Sa mundong puno ng masasamang tao, ikaw ang matatalo kung palaging kabutihan ang gagawin mo. " sambit nito at tinanggal ang mask niya at ibinaba ang hood ng jacket niya, nakangisi itong tumingin saakin at kasabay non ang liwanag ng buwan na tumama sa mukha niya. Hindi ko maiwasang magulat at mas mapaiyak. Tama lang sila, dahil mas higit ka pa sa demonyo. Isang huling malakas na hampas sa ulo ko ang natanggap ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.

Bloody Roses | COMPLETED Onde histórias criam vida. Descubra agora