Chapter 12 : Red Roses

54 3 0
                                    

Chapter 12: Red Roses

" Sa kabila ng lahat ng pagiging matapang ng isang tao, pag-ibig pa rin ang kanilang nagiging kahinaan."

Blood's Point of View

Nabalot ng katahimikan ang paligid matapos kong pagbabaril-barilin si Cherry. Ramdam ko ang mga pag titig niya saakin, alam kong hindi na katulad ng dati ang mga tingin niya saakin.

Pero lahat ng tao nagbabago, at binago ako ng kalupitan ng mundo. Napagtanto ko na sa mundong 'to pag nanatili kang mahina, ikaw ang matatalo.

Tumawa ako ng malakas pero kasabay non ang sunod-sunod na pagdaloy ng mga luha sa mata ko.

Masaya na ba ako? Eto na ba 'yon?

" Masaya ka na ba Blood? Kontento ka na ba? " tanong nito saakin kaya naman nilingon ko siya. Tiningnan ko siya sa mga mata, nagtatanong ang mga 'yon. Humihingi ng sapat na paliwanag sa lahat lahat.

Bumuntong-hininga ako bago pinunasan ang luha ko at lumapit sa kaniya.

" Hindi pa, kulang pa dahil humihinga ka pa. " mariin kong sambit

" Wala akong kasalanan sayo Blood. Kaya pakawalan mo na ako. Pakiusap, may pamilya akong naghihintay saakin. " sambit nito

Ngumisi ako. " Para sabihin ko sayo Dark, may pamilya ring naghihintay sa papa ko non pero mas pinili niya ang mama mo. " sambit ko dito

Kung hindi ko lang nalaman ang totoo, sana Dark hindi na kita dinamay dito pero ang kasalanan ng mga mama mo at papa ko ang dahilan ng paghihirap ng mama ko nung nabubuhay pa siya.

Kaya kahit—

" Ano na naman bang sinasabi mo? " tanong nito

" Hindi ko na sana nakita ulit ang papa ko, sana hindi ka madadamay dito. Kaya lang kasalanan ng mama mo, siya unang dahilan ng paghihirap ng mama ko. " sambit ko

" Pwede bang ipaliwanag mo saakin ang lahat?! Bakit mo dinadamay dito ang mama ko!? " galit na sigaw nito at pilit na nagpupumiglas.

" Kung hindi nilandi ng mama mo ang papa ko, edi sana hindi sila naghiwalay ni papa. Edi sana hindi kami iniwan ni papa. Hindi sana naaksidente si mama at nalumpo. Hindi sana siya mahuhulog sa hagdan kung nakakalakad siya ng husto. Edi sana buhay na buhay siya ngayon! " sigaw ko dito

" Kung hindi dahil sa mama mo. Kung hindi dahil sa lintik na pag-ibig ng papa ko sa mama mo! Hindi sana magiging ganito kakomplikado ang lahat. " mariin kong sambit at tiningnan siya ng puno ng sakit at galit.

" Hindi 'yon ang pinaka masakit na nasaksihan kong paghihirap ni mama. Nasaksihan ko kung paano siya paulit-ulit na namatay dahil sa lintik na pag-ibig na 'yan. Kung paano siya paulit-ulit na nasaktan at umiyak at 'yon ang pinakamasakit para saakin, dahil wala akong nagawa non kundi ang panoorin siyang mamatay ng paulit-ulit dahil sa patuloy niyang paniniwala na babalikan kami ni papa pero namuti na ang mga mata ng mama ko, walang bumalik, ngayon lang kung kailan huli na ang lahat. "
mariing sambit ko

" Nangako ako sa sarili ko, na hinding hindi ako iibig dahil sakit lang ang kaya nitong idulot sa tao at tama ako. " naluluhang sambit ko habang siya ay patuloy na nakikinig saakin.

" Nasasaktan akong malaman na ikaw pa yung naging anak ng kabit ng papa ko. Minsan iniisip ko napakasama ko ba talagang tao para ipagdamot saakin ng mundo yung kasiyahang gusto ko? " tanong ko dito

" Bakit ikaw pa sa dinadami ng lalaki sa mundo? Bakit sayo ko pa naramdaman 'to. Bakit kailangan maging ikaw pa? " napapahagulhol kong sambit

" Blood..." pagtawag niya sa pangalan ko

" Pero wala na akong oras para masaktan pa. Kailangan kong tapusin ang lahat ng 'to Dark, kahit na pagkatapos nito ay hindi ako maging masaya. Ginagawa ko ito para sa mama ko at mas matimbang ang pagmamahal ko sa kaniya, kaysa sa pagmamahal na nararamdaman ko sayo. " sambit ko

Ngumiti ito saakin at tahimik na pumikit. Itinutok ko sa noo niya ang baril na hawak ko. Hindi niya ako pinigilan, nanginginig ang kamay kong habang hawak ko ang baril.

Ayoko, pakiusap ayokong ituloy 'to. Sabihin mo lang saakin na itigil ko 'to, pigilan mo ko ulit. Pakiusap sabihin mo saaking mahal mo ko Dark, pakiusap iligtas mo ko sa kadilimang 'to.

" Patawad sa lahat ng nagawa nina Cherry sayo, patawad sa nagawa ng mama ko sa pamilya niyo. Patawad sa lahat, kung sa tingin mo ang kamatayan ko ang makakapagpagaan ng lahat ng mabigat sayo at makakapagpalaya sayo sa lahat ng sakit na nararamdaman mo, iputok mo na ang baril na hawak mo, patayin mo na ako. " sambit nito dahilan para mas lalo akong mapaluha.

Ibinaba ko ang baril sa ulo niya at doon ko ipinutok sa tyan. Ilang beses ko siyang pinapatukan. Bumulwak na ang dugo sa labi niya, pero nagawa niya pa rin akong tingnan at ngitian.

" Mahal...na....Mahal....Kita.." nanghihinang sambit nito na dahilan para mabitawan ko ang hawak kong baril sa sahig at mapayakap ako sa kaniya.

" Bakit Dark?! Bakit ngayon mo lang sinabi!? Bakit? " umiiyak kong sambit habang hawak ko ito. Natigilan ako ng mahulog ang cellphone niya sa bulsa niya at mas lalo akong napahagulhol ng litrato naming dalawa ang nasa lockscreen niya.

Napatingin ako sa pulang rosas na nahulog sa sahig. Nanggaling 'yon sa bulsa ko, 'yon ang rosas na dapat ay ibibigay ko sa kaniya.

Hindi ko na kailangan ipaliwanag kung ano ang kahulugan ng pulang rosas na 'to, dahil alam ng lahat na ito ay sumisimbolo ng wagas na pag-ibig.

Bloody Roses | COMPLETED Where stories live. Discover now