Chapter 3: Nicole's Death

76 4 0
                                    

Chapter 3: Nicole's Death

" Hindi natin hawak ang buhay natin, sa dulo pare-pareho natin haharapin si kamatayan. Meron nga lang talaga nauuna. "

Cherry's Point of View

" Cherry, tulungan mo ko. Cherry, please. Cherry, Cherry. Cherry!! "

Napabalikwas ako sa bangon dahil sa masamang panaginip ko. Ramdam ko ang pawis sa noo ko kahit malakas naman ang aircon sa loob ng kwarto ko.

Agad ako pumunta sa cr at naghilamos. Napatingin ako sa salamin para tingnan ang sarili ko, hindi ko maiwasang mapasigaw ng makita ko don ang imahe ni Nicole sa panaginip ko. Puno ito ng dugo at humihingi ng tulong saakin. Napatakip ako ng mukha sa takot, huminga ako ng malalim bago muling tumingin sa salamin. Wala na don ang imahe ni Nicole kaya nakahinga ako ng maluwag.

Bumaba na ako sa sala at naabutan ko don sila Mom and Dad na nanonood ng morning news. Habang nasa hagdan ako ay narinig ko ang balita ng isang babaeng natagpuang patay sa isang eskinita. Hindi ko alam pero binalot ako ng kakaibang kaba, takot para sa isang bagay na hindi ako sigurado.

Napatakbo ako papunta kay Mom and Dad. Hindi naman ako pinansin ng mga ito at patuloy na nakinig sa balita.

" Nagbabagabang balita. Isang babaeng estudyante ang nagtagpuan wala ng buhay sa maliit na eskinita na malapit sa eskwelahan ng SG University. Nagpaalamang ang estudyanteng ito ay nag-aaral sa sinasabing Unibersidad dahil sa suot nitong uniporme na may logo ng eskwelahan. Ayon sa autopsy, ang kinamatay ng biktima ay mga hampas na natamo sa iba't ibang bahagi ng katawan, partikular sa ulo nito. Kinikilang ang biktima n si Nicole Buevas, isang estudyante sa Unibersidad na nasa ikatlong taon na sa Highschool. Ang dahilan ng pagpatay ay hindi pa nakukumpirma at patuloy na iniimbistigahan.   "

Halos mapaupo ako sa gulat sa narinig ko. Hindi ko maiwasang mapaluha.

Hindi maari, imposibleng si Nicole 'yon. Hindi, mali lang ako ng rinig.

" Anak, " pagtawag saakin ni Dad at niyakap ako.

" Dad, tell me that It's not Nicole! It's not my bestfriend! " sambit ko

" I'm sorry. " sambit nito saakin habang pinapatahan ako.

" No. " sambit ko habang umiiling "  No! " sigaw ko

Nakatulala ako sa kawalan ng marinig ko ang pagdating ng mga kaibigan ko sa bahay.

" Cherry si Nicole, patay na. " umiiyak na sambit ni Raven, naramdaman kong tumulo na naman ang luha ko.

" A-anong balita kila tita? " tanong ko dito

" Hindi na nila ibuburol si Nicole, ipapa-cremate na nila 'to dahil halos hindi na makilala ang mukha nito. " sagot ni Blood, tumingin naman ako sa kaniya ng masama.

" Ikaw! Ikaw ang kasama niya non, anong nangyari nung pumunta kayo ng locker, bakit takot na takot siya!? " sigaw ko dito

" Ano ba Cherry!? Tigilan mo na nga si Blood, kamamatay lang ni Nicole, wala ka ba talagang pagpapahalaga sa kaibigan?! " sigaw ni Dark, pinigilan naman siya ni Blood.

" Ayos lang. " sambit nito

" Nicole. " umiiyak na sambit ko, lumapit si Blood saakin at pinatahan ako. Niyakap ko naman siya.

" Blood, wala na si Nicole. She doesn't deserve all of this.  " umiiyak na sambit ko

Narinig ko naman ang mahinang paghikbi nito. Ang sama sama ko na talaga siguro, kaya binawi saakin ang isa sa pinakamatalik na kaibigan ko.

Bakit? Bakit kailangan si Nicole pa?

Tahimik kaming dumating sa bahay ni Nicole at marami ng tao ang nasa paligid. Nasa gitnang bahagi ng bahay nila ang abo ni Nicole.

" Tita, nakikiramay po ako.  " sambit ko

Niyakap naman ako nito. " Magiging ayos din ang lahat iha. " sambit nito, hindi ko maintindihan kung bakit niya pinapagaan pa ang loob ko gayong siya ang pinaka nasasaktan dito.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at nakita kong nagtatawanan sa isang gilid si Aldrin at Raven. Habang si Dark ay tahimik na natulong sa pag aasist sa mga bisita, ganon din si Blood. Tiningnan kong maigi lahat ng nakikiramay para kay Nicole.

Yung iba tumutulo talaga ang luha, yung iba pinipigilan ang mga sarili nila, yung iba para pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha pero walang luha. Yung iba tahimik na kinikim ang lahat ng sakit, tinatago sa mga ngiti.

I guess, lahat kami ay may kaniya kaniyang paraan kung paano i-handle ang mga emosyon namin.

Kinuha ko ang cellphon ko at nagscroll ako sa facebook, napatigil ako ng makakita ako ng isang link ng tungkol sa nangyari kay Nicole.

Binuksan ko ito at bumungad saakin ang mga litrato ni Nicole.  Hindi ko maiwasang mapatingin sa mga litrato. Nakablur ang mukha ni Nicole dahil ang alam ko ay halos mawasak ang ulo nito.

Napakunot ang noo ko ng mapansin ko ang kakaibang bagay sa litrato. Puno ng rosas na puti ang paligid ni Nicole habang may hawak siyang isang puting rosas sa kamay niya.

Binasa ko ang nakasulat sa article.

Natagpuan patay ang isang estudyante ng Unibersidad ng SG. Kataka-takang sa kabila ng karumaldumal na paraan ng pagpatay dito ay ang mga rosas na puting maayos na inilagay sa paligid nito at ang rosas na hawak nito. Parang bang nakaplano ang mga nangyari, at 'yon ang iniimbistigahan ng pulisya. Hinihinalang hindi lamang ito basta isang klase ng pagpatay dahil sa pagnanakaw, dahil wala namang nawala sa gamit ng bikitima. Ang pagkamatay ng estudyanteng ito ay nagdala ng malaking kilabot sa mga mag-aaral ng Unibersidad at panic sa mga magulang ng mga estudyante. Dahil sa pangyayari ito, pansamantalang sinara ang eskinita kung saan nagtagpuan ang walang buhay na katawan ng estudyanteng kinikilang si Nicole Buevas.

Tinitigan kong maigi ang mga litrato at hindi ko maiwasang mapahigpit ang hawak sa cellphone ko.

Kung sino man ang gumawa ng bagay nito kay Nicole, wala siyang puso. Higit pa siya demonyo at ang mga katulad niya ang dapat sinusunog sa impyerno.

Bloody Roses | COMPLETED Where stories live. Discover now